Epilogue

356 13 0
                                    

Epilogue


Rosianna's Pov


"Anak"


Napalingon ako kay mommy, nginitian ko ito. sinenyasan ko muna si casdeya para itigil muna ang pag aayos sa buhok ko, sinama niya din palabas ng kuwarto si katrina para iwan kami ni mommy.

"Look at you anak, napaka ganda mo, parang kailan lang ay baby pa kita, pero ngayon Ikakasal kana."

"Oo nga mommy, ang dami nating pinagdaanan bago makarating dito."

"Kung nandito lang sana ang mommy odette mo, matutuwa siyang makita kang naka wedding gown."

"Sigurado akong nanonood siya mula sa Langit, mommy."

Sabay kaming napalingon ni mommy sa may pintuan ng bigla itong bumukas, bumungad samin ang masayang mukha ni Daddy, sumunod sakanya sila Lola at Lolo.

"Ang apo ko! Ikakasal na!" 

Hindi katulad dati ay malungkot at laging seryoso ang mukha ng mag asawang corsetti, ngayon ay punong puno na ng galak ang kanilang mga mata, lagi nading nakangiti ang mag asawa lalo na sa tuwing kasama ko sila.

"Mas lalong naging kamukhang kamukha mo ang mommy odette mo! nakakatuwang makita sa pangalawang pagkakataon ang mukha ng aming anak na naka damit pang kasal din." naluluhang sabi ni Lola Atlanna.

"Mana po sainyo si mommy odette, napaka ganda niyo din po, Lola."

"Naku, Nabola pako ng apo natin."

Tumawa sila ni Lolo.

"May regalo kami sainyong mag asawa, apo"

Umupo kami ni Lola at Lolo sa couch, may nilabas mula sa bulsa si lolo, isa iyong susi.

"May binili kamingg Lupa malapit sa isla  kung saan ka natagpuan, Ibibigay namin sainyo yon ng asawa mong si blackwell, May mansion nading nakatayo doon."

"Maraming salamat po! Lola! Lolo!"

Alam ko namang higit pa dito ang kaya nilang Ibigay, simula kasi noong nahuli si Gregor ay lumuwang na ang pakiramdam ng mag asawang corsetti, after 5 months simula ng makulong si gregor ay sinettle na nila Lola at Lolo ang mga pamana nila, at ako lang ang nag iisa nilang apo kaya saakin nila lahat pinangalanan ang mga manang Iyon.

Wala akong Ideya kung gano kalaki ang pamana nila.

"Eto apo, suotin mo ito." Napanganga ako ng iabot saakin ni Lola ang bridal hairpin, may kulay green na gem stone iyon sa gitna, kumikinang naman ang paligid ng hairpin, maganda ang disenyo non.

"Emerald stone ang nakaukit sa gitna nyan, sinuot din ito ng mommy mo noon ng Ikasal siya sa Daddy mo, ngunit hindi niya na din nagawa pang Itago. kung tatanungin mo ay ang paborito niya talagang bato ay ang emerald, kaya siguro ay hinango niya din ang pangalan mo don"

"Ang ganda po Lola."

SInuot niya iyon saakin, mas lalong natuwa ang puso ko. yinakap ko silang dalawa.

"Oh siya, sige na. tawagin mona iyong mga nag aayos sayo, konting oras nalang ay magsisimula na ang kasal."

Nagpaalam na muna silang lahat dahil hindi padin sila tapos mag ayos , 3 PM pa naman ang simula ng kasal at 12 Pm npalang ng tanghali ngayon, madami din ang mga bisitang inimbitahan ni blackwell.

Nandito kami sa Duxtino Island Hotel ngayon, kumpleto kaming lahat dahil kasal namin ni blackwell.

December 25, 2022 ngayon, saktong Pasko ang napili naming kasal ni blackwell dahil lahat kami ay masaya dapat itapat namin sa pinaka masayang holiday sa buong taon.

Submissive [Completed]Where stories live. Discover now