“Oh? What a revelation?” medyo shocked kong reaksyon nang aminin niyang siya’y isang hidden son ni Aling Corazon. Pero seryoso, hindi ko nagets kung anong ibig niyang sabihin. “Pero anong ibig sabihin mong hidden son? Parang tinago ka lang sa Cabinet araw-araw tapos nilalabas ka tuwing gabi, ganun?”
“Hidden son. Tinatagong anak na lalaki,” pagtranslate pa niya.
“Ang ibig kong sabihin, anong klaseng son? Natural-born son? Adopted son? Son of a bitch?” pagclarify ko sa tanong niya na hinaluan ng biro.
“Gaya din ako ni Jace. Adopted son niya ako,” maikli niyang eksplenasyon. Umayos ako ng upo from upong kuba to upong seksi tapos nakasalung-baba while tinititigan siya.
“Adopted son ka rin? How come? Gaano ka totoo? Sure ka?” bato ko sa kanya.
“Mahirap bang paniwalaan Alex? ‘Yun kase ang totoo. Kung gusto mo ng katibayan, ibibigay ko sayo kahit anong oras mo gusto,” tila pagsuyo niya sa ‘kin. Kahit wala na siyang katibayang maibigay okay lang basta siya lang ang mag lose ng virginity ko. Talandi ko talagang mag-isip, far cry ang prince charming na ‘to kay Gerome. Bet na bet! Para ngang hindi ako masyadong attentive at hindi makapag focus sa sinasabi niya dahil nakatutok lang ako sa napakagwapo niyang mukha pati ang pinkish lips niya na parang masarap i-kiss.
“Hoy Alex... nakikinig ka ba?” sitsit niya sa’kin nang hindi ako magreply sa sinabi niya. Nakasalong baba lang ako habang nakatitig sa kanya while mouth open na kulang na lang e tumulo ang laway dahil sa sobrang yummy niya. Inayos kong muli ang sarili ko para hindi naman masyadong mahalatang hayok sa laman ng lalaki.
“Oo naman. Hindi mo naman kailangan ng katibayan dahil mukha ka namang nagsasabi ng totoo. Hindi mo naman ako hahalikan nung gabing ‘yun kung hindi mo ko type diba?” sabi ko na tila hindi kumonek sa pinag-uusapan namin.
“Ha? Di kita masyadong nagets. Naniniwala ka ba sa ‘kin? Dahil hinalikan kita?” medyo lukot mukha niyang tanong dahil sa pagkalito.
“Pwede isa pa?” wala na naman sa sarili kong sabi dahil hindi ako makapag focus sa kagwapuhan niya.
“Ha?!!”
“Ah.... I mean, isa pa. Pakiulit ng tanong mo,” pagkambyo ko.
“Ang sabi ko, mabuti na lang na naniniwala ka sa ‘kin. Okay lang kahit hindi mo ako paniwalaan dahil hindi mo pa ako kilala. Mas gusto ko sanang kilalanin mo muna ako sana kaso.....”
Nanlaki ang mga mata ko na tila gustong bawiin ang sinabi. “Charaught lang..... syempre gusto kitang kilalanin. Hindi naman ako ganun, baka isipin mo bibigay kaagad ako sayo, huh? Syempre magpapakipot muna ako no?”
“Ba’t mo kailangang magpakipot? Nililigawan ba kita?” dagdag pa niyang tanong.
Pasimple ko siyang tinapik sa nakapatong niyang kamay sa table. “Ano ka ba? What I mean is, kailangan muna kitang makilala. I need to dig deeper para masabi mong authentic ka ngang adoptive mother ni ever mysterious Aling Corazon.”
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETED
HumorMatapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of their lives. Paano kung this time, si Jace na ang manseseduce kay Mick? Mapagtagumapayan kaya niya ito upang wakasan ang matindi nilang alitan?