Alex's POV
Kinikilig ang singit ko sa revelation ni Aling Pillar. OMG, may magkaktuluyan daw sa 'ming lima? I therefore predict na kami 'yun ni Papa Joaquin. Wala ng iba, at walang kokontra! Magiging jowa ko siya sa kasagsagan ng misyon tapos mabubuntis niya 'ko then ikakasal kami tapos magkakaanak kami ng isang dosena. Sarap mangarap diba specially if your dream is abot kamay mo na lang? I love this mission! Kung si Papa Jace ay ang dapat gawi'y ibalik ang tiwala ni Kuya Mick sa kanya, ako nama'y kailangan kong i-seduce at lalong akitin ang Papa Joaquin na 'to para sure ball na after this mission ay kami na. OMG lang! Ewan ko lang kung hindi mahulog ng husto sa bitag ko ang papables na 'to, na napaka sarap ulamin, sa ganda kong nagmamaganda!
While we are going sa kotse, magka-holding hands kami ng Papa niyo habang magkasama sina Kuya Mick at 'yung isang anak ng palakang ang lakas maka-badtrip hitsura pa lang. Sayang, couple misyon sana ang magaganap kung hindi sumali sa litrato 'yung buteteng kamukha ni Chocolate. Instead na sina Kuya at Papa Jace ang magkasama, solo flight tuloy ang Papa Jace niyo. At balak atang agawin nung buteteng 'yun si Kuya kay Papa Jace. Hmmm.... I smell something froggy.
"Sariaya Quezon tayo!" sabi ni Papa Jace nang makasakay na kaming lahat sa kotse.
"Hindi ko alam ang direksyon kaya ituro niyo sa 'kin," sagot naman ng Papa Joaquin ko.
Same destination lang pala tulad nung dati. 'Yung tree of friendshipness ni Aling Kuring na may mataaas na tree then there's a treasure chest sa ilalim ng lupa. Medyo katakot lang nung misyon na 'yun dahil may mga goons kaming nakasabayan with matching bang bang ng baril. Parang action adventure lang ang peg, buti na lang at wala namang nangyaring masama sa 'ming lahat.
Medyo mahaba habang trip ulit 'to going to Quezon. Sobrang awkwardness lang ng kotse dahil ni-isa sa 'miy ayaw magsalita maliban na lang kung magsalita si Papa Joaquin asking Papa Jace kung tama ba 'yung direksyong tinatahak namin. Sa likuran namin ng Papa Joaquin ko, pinapagitnaan ng dalawang prinsipe ang isang buteteng malapit ng magtransform na palaka. Imbyerna to death talaga ako sa buteteng 'to na walang alam kundi bwisitin ang napakaganda kong buhay.
After 4 hours at nasa kasagsagan pa rin kami ng byahe ay minabuti muna naming magstop over sa isang Restaurant. Tom Jones na kase kaming lahat at kailangan na naming kumain kaya time-out muna kami sa travel.
Si Papa Joaquin ko ay nagvolunteer na magpaiwan sa kotse at inutasan na lang ang Lola niyo na bumili ng food para sa kanya. Of course, I'll serve it to him with love. Kaming apat nina Kuya ang dumiretso sa Restaurant at 'dun kumain. Umorder kami ng isang bilao ng Pansit Guisado with Chicken and everything, basta may mga desserts din kaming inorder at nagpakabusog kami ng bongga.
Magkatabi kami ni Kuya Mick facing Papa Jace and the Butete Man. Siguro mga first five minutes ng pagkain namin ay hindi kami nagkikibuang lahat. Ang weirdness ng environment atsaka ang awkward most specially sa dalawang former lovers. Ang hirap ng situation nila, and I can't think of myself na mangyari ang ganung loveproblems sa 'kin.
"Ayos ka lang Alex? Ready ka na ba?" tanong sa 'kin ni Kuya na ikinagulo ng mundo ko.
"Ready saan?" tanong ko naman pabalik.
"Ready nang tumakas?!"
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETED
MizahMatapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of their lives. Paano kung this time, si Jace na ang manseseduce kay Mick? Mapagtagumapayan kaya niya ito upang wakasan ang matindi nilang alitan?