Chapter 17: Beautiful Stranger

19K 571 86
                                    

ALEX's POV


Extra curious ang effort ng lola mo in knowing what's in store with Papa Joaquin. Nagkalasug-lasog lang naman ang mga brain cells ng healthy brain ko sa mga palaisipang iniwan ng yumaong si Aling Corazon. Nakakaloka talaga, ang daming information ek-ek na hindi kayang saklawin ng matalino kong utak. Punong puno na kase, punong puno ng mga..... thoughts of.... you know? Me and Papa Joaquin..... Ahahaha, kainis, I really can't concentrate with my mission. Or ang mission ko talaga is mapa-sa 'kin ang lalaking kanasanasa base sa 'king panlasa at malikot na imahinasyon? I hope so!

Pumayag akong sumama papunta sa tinutuluyan ni Papa Joaquin upang ganap niyang isalaysay sa 'kin ang iba pang detalye ng kanyang pagkatao. This is very interesting and exciting kaya wa ako care if abutin ako ng gabi umuwi basta kasama ko lang na nakikipagkwentuhan ang gorgeous hunk na 'to. Pero before doing that, I asked him to go to the mall para bumili ako ng damit. I'm just wearing lang kase my school uniform and it doesn't match sa brusko at sosyal na estilo ng pananamit ng uber delicious hunkabogable to the nth power na papable na 'to.

After being starbucks lovers, diretso kami kaagad ng Mall. I'll go to my favorite clothing line store para bumili ng pink dress, I bet bagay na bagay sa 'kin 'yun dahil magmumukha akong babaeng babae at sariwang-sariwa. Habang naglalakad sa Mall, I've noticed sa may di kalayuan sa mismong pinaglalakaran namin ni Joaquin ang ex kong si Gerome. At may kasama siyang girlet na familiar ang mukha sa 'kin, dahil nag-aaral din siya sa Campus namin, na hindi naman kagandahan. Obvious na obvious ang pakikipaglandian ng dalawa infront a lot of madlang pipol. I tried not to lose my focus at napataas pa ang kilay ko habang pinagmamasdan ko sila. Magkakasalubong na kami anytime ng engot kong ex kaya ang ginawa ko'y bigla kong hinawakan ang kamay ni Papa Joaquin para umarteng mag-jowabels kami. Ngiti-ngitian ang lola mo at inihilig kunwa ang ulo sa matipunong braso ng lolo mo to act na kami kahit medyo awkward kay Papables ang ginagawa ko. Hanggang sa magkasalubong kami ng ex-jowa ko at akto ko siyang binalikatan na kunwa'y hindi nakita dahil he's so busy making harutan sa mukhang palakang girlet na kasama niya.

"Oooops..... S-sorrry," sabi ko sa ex ko na may halong landi. Medyo sarcastic lang ang dating ko to act like I'm not affected kung may bago na siyang girlet na mukha namang libag. Hindi naman ako masyadong affected no, sa ganda kong 'to tapos si Papa Joaquin ba naman ang kasama ko?

"Alex?!" medyo gitlang sambit ng ex ko. I know medyo surprised siya dahil may kasama akong boylet na 1,000,000 light years ang agwat ng kagwapuhan sa kanya.

"Oh? Long time no see? Oh... bago mong girlfriend?" patukoy ko sa jowa niyang hindi naman kagandahan.

"Sino siya?" sabi nung mukhang libag niyang jowa.

"Oh... I'm your boyfriend's ex," confident kong sabi sa kanya.

"Ex?! Okay?!" clueless niyang sabi.

"I broke up with her," sabi ng kumag kong ex na feeling e maaapektuhan ako sa sinabi niyang 'yun.

"No that's not true," sarcastic kong sagot. "Inunahan lang niya 'ko pero ako talaga ang makikipagbreak sana sa kanya. Tumaas na kase ang standards ko," sarcastic kong sabi without losing the smile on my face

Medyo sumeryoso ng aura ang mukha ng ex ko. "Really? Baka nagseselos ka lang Alex? Wala na tayo!"

Napa-open ang mouth ko to show him na mali siya ng pag-iisip. "Ako magseselos? You gotta be kidding me Gerome. I never get jealous when I see you with someone else. My Parents taught me to give my used toys to less fortunate people," confident kong banat. "Sige mauna na kami ng Hot Boyfriend ko. Ba-voo!"

I waved my hair para talagang tumama sa mukha ng Gerome na 'yan ang buhok kong pagkahaba-haba. Alam kong apektado siya dahil nakahanap kaagad ako kuno ng boylet na di hamak na mas gwapo sa kanya. Aminado akong deep inside e medyo hurt pa rin ako nung hindi kami magkabalikan. I know it's my fault pero hindi na niya ako finorgive, pinagpalit niya pa rin ako sa babaeng mukhang libag na 'yun. Pero ba't naman ako masa-sad e kasama ko naman ang taong destined para sa 'kin?

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon