Alex’s POV
Gustong gusto ko ang ganitong klaseng challenges kung saan isa ako sa magmamatch make ng isang potential couple. Ewan ko ba kung bakit excited ako sa namumuong “Bromance” nina Kuya at Jace, siguro kakaiba siya sa aking senses at higit sa lahat..... nakyukyutan lang ako sa idea. Biruin mo from straight men to being..... straight lovers? Ehem, sabi nga sa ‘kin ni Papa Jace e ‘wag ko siyang husgahan dahil hindi ko raw alam ang nararamdaman nila ni Kuya. Alam ko kaya! I know love! Love is everything that occupies space and it has mass and weight. Hmmm... sounds like a definition of “Matter” huh? Siguro ... Love matters nga?
Ayoko na ring magpatumpik-tumpik pa kaya nang makabalik ako ng bahay e dinampot ko kaagad ang cellphone ko sa mamahalin kong bag at tinawagan ang mukhang butete kong friend na si Darla. Siya ang isa sa mga dahilan kung bakit feeling ko e bakla na rin ako. He’s a sophisticated gay na malaki ang belly, baku-bako ang mukha at medyo pandak. Tuwing nakikita ko siya e naiisip ko ang mukhang palakang si Joaquin. Para silang pinagbiyak na bunga na akala mo’y magkapatid. Hindi ko maiwasang maalibadbaran tuwing nakikita ko ang bespren kong si Darla dahil sa malaking resemblance niya sa dugyot na lalaking kinaiinisan ko.
“Hello Darla!” bungad ko nang i-pick up niya ang phone.
“O ba’t napatawag kang bruha ka?”
Tumungo ako sa bintana at itinali ang kurtina para makasagap ng malakas na signal. “Hoy Bakla patulong naman ako.”
“Pasensya na Alex wala akong pera ngayon.”
“Gaga, hindi pera ang kailangan ko. Iba ‘to. Meron ka bang alam na romantic chuva choo choo?”
“Ha? Tag libog ka na naman ba teh at gusto mong magpa chuva choo choo?”
“Shunga! Kahit kailang bakla ka ang bagal mong pumick-up. ‘Di ‘yun ang ibig kong sabihin. Darla, meron ka bang alam na romantic place? As in, very romantic siya ‘yung ginawa mo sa ‘min dati ni Gerome?”
“Bakit nagkabalikan na ba kayo?”
“H-hindi?!” medyo defensive kong sagot. “Bahala siya sa buhay niya! Sige na Darla I need your suggestions immediately!”
“Teka para saan ba ‘yan? May bago ka nanaman bang jowa?”
“Wala pa! Choosy ako no!” exaggerated kong tugon. “Para ‘to sa isa kong friendship na.... alam mo na. Medyo kailangang manligaw.”
“Sino ba ‘yan? Knows ko ba ‘yan teh?”
“Hindi pero magugulat ka. Ampogi niya... ampogi pogi,” banggit ko na tila nang-iinggit.
“Talaga lang ha? E maganda naman ba ‘yung fiancée?”
Hindi ko kaagad nasagot ang tanong na ‘yun. Nag-alangan ako kung sasabihin ko bang si Kuya ang tinutukoy kong liligawan ng sinasabi kong kaibigan?
![](https://img.wattpad.com/cover/29954979-288-k196284.jpg)
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETED
HumorMatapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of their lives. Paano kung this time, si Jace na ang manseseduce kay Mick? Mapagtagumapayan kaya niya ito upang wakasan ang matindi nilang alitan?