Jace's POV
"Pare.... SALO!"
Inihagis ko pababa kay Joaquin ang natirang lubid. Itinali ko sa matibay na sanga ang lubid na pinagduduntungan ng isang net upang makagawa ng 'NET TRAP. Ang sinumang tumapak sa 'Net', na tinatakpan ng mga tuyong dahon, ay bigla biglang mag-aangat sa kanila upang mabitag. Isa ito sa mga epektibong patibong na hindi naman gaanong mapanganib na madalas kong makita sa mga action films na pinapanuod ko.
Naalala ko nung huli akong umakyat ng puno. Kasama ko si Mick, pareho kaming naghahanap sa puno ng Amistad ng bagay na makapagbibigay sa amin ng senyales para matukoy ang susunod pang gagawin. Nalaglag si Mick sa puno sa kawalan ng balanse, pero ang naging resulta'y mas napuruhan ako nang saluhin siya at ako'y biglang nawalan ng malay. Akalain ko bang ambigat niya? Parang ang nangyari'y 'Catch Me, I'm literally Falling". At nang dahil dun, minouth to mouth niya ako para irecover ang aking paghinga. Para lang akong nalunod pero hindi ko inaasahang magba blackout ako. He's my enemy, and the same time, my HERO during that moment .
Bumaba na ako nang matapos, sina Joaquin at Franz nama'y punong abala sa pagtatakip sa Net ng mga tuyong dahon pang-disguise para hindi ito mahalata.
"Ayos! Amazing! Ewan ko na lang kung makapalag pa sila 'pag nabitag sa patibong na 'to?!" si Franz na tila nag-eenjoy sa ginagawa habang pinapagpag ang kamay.
"Mukhang ayos na nga," pagsang-ayon ni Joaquin.
Kumuha ako ng tatlong mineral water sa bag na dala-dala namin at ibinato ang dalawa sa kanila. Synchronized ang pag-inom namin nito at pag-ubos.
"Okay, next stop, Hukay naman tayo. Pero saan tayo maghuhukay?" tanong ko sa kanila.
"Mas maganda siguro kung dito na lang malapit sa patibong na 'yan para wala na silang kawala!" sangguni ni Franz. "Makaiwas man sila sa una, sa susunod lagapak na sila he-he."
Hindi na rin kami nagtagal at ipinagpatuloy na namin ang planong gumawa ng ikalawang patibong. Mas nahirapan kami sa paghukay na tatlo kesa gumawa ng NET TRAP. Naisip ko lang, tatlo na kaming lalaki pero hirap nang gumawa ng mga ito, paano pa kaya yung apat lalo na sina Alex at pangit na Joaquin? I wonder kung may magagawa ba sila o baka kanina pa sila nagsasakmalang dalawa dahil hindi nanaman magkasundo? Hay naku, bahala na sila sa buhay nila.
Alas kwatro y media na ng hapon ngunit hindi pa kami tapos maghukay. Dalawa lang ang Palang meron kami kaya alternate kaming tatlo sa paghuhukay. Dedicated naman ang dalawang 'to sa pagkapunong abla pero medyo may pagkaseryoso lang lalo na si Joaquin. Si Franz ay medyo maboka pero nabobored ako sa mga pinagkukuwento niya. Puro siya kwento tungkol sa mga tropa niya na hindi ako maka-relate, sa hobby niyang magsugal at magpusta, ikinwento rin niya ang tungkol sa panggigipit niya kay Mick, na naging dahilan para gumawa ang huli ng paraang hanapin ang 'Invincible One Million pesoses'. The rest is history ika nga pero that situation made our paths crossed, kaya dapat pa ngang magpasalamat ako sa kalokohang ginawa nina Franz at Joaquin.
More than 8 feet na ang lalim ng nahukay namin at plano namin itong gawing 15 feet. Mabuhay pa kaya ang matatanda kapag nahulog sila rito? Sa rupok ba naman ng mga buto nun dahil sa katandaan, malamang baka magkanda bali-bali ang mga buto ng mga 'yun 'pag nalaglag rito. Ang pangamba ko lang ay baka 'yung mga goons ng mga Aunties namin ang mahulog dito. Kaya siguro mas maigi nang malalim ang gagawin naming hukay.... WITH A TWIST! Dahil lalagyan namin ng putik ang ilalim nito para magsilbing kumunoy kuno.
Kaming dalawa ngayon ni Joaquin ang nagtutulungang maghukay habang si Franz nama'y nagpahingang muli. Hindi ko pa lubos na kilala itong si Joaquin buhat nang magpunta kami rito, maging sa kasagsagan ng misyong ito. He's more of a confusion than a companion. All I know nung una, when the revelation came out, na anak siya ni Sunico Saavedra, pero ngayon anak naman siya ni PIKACHU (PILLAR KATAKUTAN CHIU). Hindi na ako magtataka na ang Ending is magkapatid pala kami... GAYA NUNG SINABI NILA NUNG UNA ABOUT TRIPLETS. Hindi ko alam kung anong papaniwalaan ko sa totoo lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/29954979-288-k196284.jpg)
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETED
HumorMatapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of their lives. Paano kung this time, si Jace na ang manseseduce kay Mick? Mapagtagumapayan kaya niya ito upang wakasan ang matindi nilang alitan?