Chapter 26: The K3YS

13.6K 888 147
                                    

Nakatulog ako ng mahimbing kahit na hindi kagandahan ang posisyon ng pagtulog ko katabi si Mick sa labas ng kubo. Lagi kase akong nag-iisip bago ako matulog, walang ibang laman ang isip kundi problema kaya mabigat lagi ang pakiramdam ko. Ngayon, medyo guminhawa ng bahagya ang kalooban ko dahil na rin sa pagsabi ko ng katotohanan kay Mick kagabi. Nawalan ako kahit papaano ng isang matinding pasanin. Nahihiwagaan pa rin ako kung bakit naging ganun ang reaksyon niya. Inaasahan ko ngang sisigaw-sigawan niya ako, mumura-murahin or worst is pagsusuntukin dahil hindi magandang biro ang ginawa naming pagset-up sa kanya.

Mabuti na lang ay madali niyang natanggap 'yung estado ng misyon ko. Sabagay, siya rin naman nun e, pilit nanghimasok sa buhay ko para raw i-seduce ako patunay na kaya niya akong mapa-ibig panubos sa kahilingan ng mga kaibigan niyang hayok sa salapi. Nasabi rin sa 'kin ni Mick na isang milyon ang isinukli sa kanya ng aking ina sa pagtulong sa 'kin na naging panubos sa buhay ng mga kaibigan niyang hawak sa leeg ng mga sindikato. Ito marahil ang mga dahilan kung bakit madali niyang natanggap ang pag-amin kong 'Acting' lang ang lahat. Isa pa'y dahil na rin sa buong puso kong pag-amin sa kanya na ang nilalama'y walang masamang intensyon sa ikalawang misyong ito. Wala naman kase akong mapapala kung basta ko na lang lolokohin si Zanmiks na walang dahilan.

Unang nagising si Mick kaya nang magising siya'y wala naman akong nagawa kundi gisingin na lang ang aking sarili kahit pa inaantok pa 'ko. Well, kahit papano'y maganda naman ang gising ko. Taliwas naman ang nararamdaman ko sa disposisyon ngayon ni Alex na kapiling ang kanyang bespren poreber na si Joaquin.  Umagang umaga'y maririnig mo ang boses niya kakareklamo sa kaposas niya.

"Ba't ba ang arte mo? Hindi ka naman maganda?!" pairitang banat ni Joaquin version 1 habang nagtitimpla ng kape.

"Kapal mo?! Hindi talaga ako maganda ngayon dahil nahahaluan ng pangit ang balat ko. 'Wag ka ngang makadikit dikit sa 'kin, baka mahaluan ng germs ang balat ko!" painis na ganti ng kanina pang iritableng si Alex.

"Tumigil na nga kayo.... ang aga-aga puro nega kayo sa katawan!" sabat ni Mick habang tinitiktik ang toothbrush na pinagsipilyuhan niya. Sabay naming ginawa ang morning hygiene since para kaming kambal na magkadikit dahil sa posas. Ultimo pagdumi at pag-ihi ng isa'y naruon ang isa. Wala naman akong reklamo dahil pareho naman kaming lalaki. Walang malisya..... promise walang malisya 'yun! Ewan ko na lang sa kanya?

Nang kami'y magising ay wala roon si Mang Dencio, bumalik rin naman siya ng bahay dala-dala ang almusal na pandesal at pansit.

"Eto, mag-almusal muna kayo. Magpalakas muna kayo bago kayo umalis," turan niya.

"Manong. Seryoso, I need the key to set me free," pakiusap ni Alex sa matanda. "Para po akong nasa impyerno sa totoo lang."

"'Yan ang parusa ng mga taong hindi marunong magpasintabi. Pinatay niyo lang naman ang pinakaaalagaan kong Manok. Ang manok na napaka-espesyal sa buhay ko kaya 'wag kayong magalit sa 'kin kung gumanti ako. Kumain na muna kayo at saka na natin pag-usapan ang susi ng mga posas na 'yan."

Nanahimik lahat bigla lalong lalo na si Alex sa litanya ng matanda. Kanya kanya kami ng diskarte ng pagkain. Si Alex ay nagpatulong pang kumain kay Joaquin version 2 dahil hindi siya kumportableng gamitin ang kaliwa niyang kamay dahil ang kanan niya'y nakaposas sa kaliwang kamay ni Joaquin version 1. Lumabas naman kami ni Mick para kumain sa labas at inumin ang kape, sinamahan naman kami ni Mang Dencio.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon