Chapter 18: Awkward

16.1K 498 59
                                    

"At ikaw pa talaga ang may ganang magtanong ha?" pagalit na sambit ni Mick nang makita siya ng pamangking kausap ako sa labas ng gate. "Langya kang babae ka, kanina pa ako nagmumukhang tangang naghihintay sayo sa bahay, akala ko kung napano ka na!" Lumapit siya sa pamangkin na aktong papatilyahin ngunit mabilis namang nakaiwas itong si Alex.


"Kuya naman.... masakit 'yan!?" reklamo kaagad ni Alex kahit hindi pa naman totally nahahawakan ng tiyuhin niya ang kanyang patilya. "Sasama ako. Pero let me explain!"


"Peste kang babae ka! Alam mo na nga ang rules ko pagdating sa bahay tapos may paexplain-explain ka pang nalalaman ha?"


Halata ang pagkairita ni Mick sa pilyang pilyang si Alex na ngayon lang umuwi. Ako nama'y sinasadya ko talagang tyempuhang titigan siya ng masama para iparamdam sa kanya ang pagka-TANGA niya para sisihin ako sa hindi pag-uwi ng maaga ng kanyang pamangkin.


"Kuya, don't hurt me.... oh," banat ni Alex habang humahanap ng tyempo upang maiwasan ang iritableng si Zanmiks. "Joaquin..... I'll see you," pabulong niyang sabi dun sa lalaking kasama niya sabay karipas ng takbo pauwi na para bang umiiwas sa pamalong bitbit ng kanyang magulang.


"Peste ka talaga!" pag-amba ni Mick sa tumakbong pamangkin pauwi nang makahanap ito ng butas ng pagtatakbuhan. Ang hambog e nagawa pang titigan ang lalaking kasama ni Alex na akala mo'y nag-iimbestiga. "Sino ka? Ba't kasama mo ang pamangkin ko?" pa-astig niyang tanong dun sa lalaki.


"Hinatid ko lang po siya. Magkaibigan po kami. Siya nga po pala, ako po si Joaquin," magalang na pagpapakilala nung binata. In-extend niya ang kanyang kamay upang makipagkamayan kay Zanmiks pero 'yung isa nama'y ginantihan lang ito ng nakasimangot na mukha. Hindi niya kinamayan ang lalaki, bagkus ay tumalikod siya dito tapos ay diretso pabalik ng kanyang bahay. May pagkabastos na maangas din ang Mick na 'to pero hindi ko rin siya masisisi sa inasal niya dun sa lalaki dahil late lang namang umuwi ang pamangkin niya tapos may kasama pang lalaking hindi pamilyar ang mukha.


Nang matapos ang maliit na komosyon ay maigi kong ini-lock ang gate. Pupuntang muli ako sa lugar na naka-indicate sa Mapa na hindi ginagamit ang aking kotse. Bigo kase ako nung unang attempt kaya kailangan kong suriing mabuti ang lugar kaya't minabuti ko na ring bumalik roon without the help of any other people specially Zanmiks and Company.


Na-notice kong hindi pa umaalis ang lalaking kasa-kasama ni Alex kanina na pitong hakbang lang ang layo mula sa 'kin habang inila-lock ko ang pinto ng gate. Inundayan ko siya ng pakunot noong tingin sa 'di malamang kadahilanan kung bakit pa siya nakatayo duon habang pahapyaw akong tinitingnan. Nang malock ko na ang gate ay kumaripas ako sa paglakad papalayo at dineadma ko na lang 'yung lalaking kanina pa nakatayong tumitingin sa 'kin.


"Teka lang,"  bigla siyang nagsalita na tipong pinipigilan akong makalayo. Ako nama'y biglang napahinto sa paglakad. "Ikaw ba si Jace? Jace Saavedra?"


Humarap ako sa kanya upang undayang muli siya nang nakasimangot na tingin. "Bakit?" maikli kong tanong.


"Kilala kita...." maikli niyang tugon na medyo ikinairita ako. Ano ngayon kung kilala niya 'ko? Muli ko siyang tinalikuran upang magpatuloy sa 'king paglalakad ngunit muli niya ulit akong pinigilan dahil sa sorpresa niyang rebelasyon. "Hinahanap mo 'yung kayamanan ng mga Saavedra diba?" bigla muli akong napahinto sa paglalakad.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon