Ang susunod naming pupuntahan ay ang 'Snake Island' kung saan makikita si 'Guadalupe Regis'. Ibinigay sa 'min ni Manong Dencio ang susing kulay ginto na may kalawang na sa gilid gilid at hugis puso ang bukasan nito. Medyo kakaiba ang korte sa lahat ng susing nakita ko.
"Gagamitin natin 'yung Private Jet ng kaibigan ko para makapunta sa lugar na 'yun. Wala na tayong panahon para sumakay pa ng eroplano," sabi ko sa kanilang lahat.
"Talaga Jace?" masigabong sambit ni Alex sa pangalan ko. "Hindi pa ako nakakasakay ng Jet. So exciting..."
'Yun na nga ang aming ginawa. Pinahintulutan naman ako ng aking kaibigan na gamitin ang Jet patungong Palawan kasama ang Piloto. Mabilis lang ang biyahe kaya't nakapunta kami kaagad sa Puerto Prinsesa.
May mga nakausap kami na nagsasabing wala namang naninirahan sa islang iyon. Travel spot lang ito ng siyudad at bawal ang manirahan. Maaring sa ibang lupalop ng Palawan namin makikita si Guadalupe at sa mismong Snake Island namin makikita ang hinahanap namin.
"Kung hindi natin makikita sa Snake Island 'yang babaeng hinahanap natin, saan naman? Ang laki ng Palawan, Jace. 'Wag mong sabihing iisa-isahin natin ang mga tao rito para pagtanungan? Mabuti pang umuwi na tayo," sabi naman ni Mick na halata ang pagkadismaya sa tono.
Naiintindihan ko naman ang hinaing ng mga kasama ko. Kung ako ang nasa posisyon nila'y hindi ko rin maiiwasang mainis sa mga nangyayari sa 'min. Habang papalakad kami sa lugar na hindi naman namin alam kung saan papatungo, ay may bigla akong naisip. 'Regis' kase ang apelyido ng Lola ko at naalala ko nung teen-ager palang ako na napuntahan na namin ang lugar kung saan naninirahan ang mga Regis.
"Alam ko na, malapit lang 'yun dito," tumigil ang lahat sa paglalakad. Pumara kami ng Tricycle upang makapunta sa lugar na tinitirahan ng mga Regis.
Tumagal ng isang oras bago namin matungo ang lugar na tingin ko'y matatagpuan ang nagngangalang Guadalupe. Medyo nanibago lang ako ng husto. Mahigit isang dekada na kase nang makapunta ako dito, medyo maayos pa ang lugar nuon pero ngayo'y parang inabandona na mismo ang lugar.
Nakatayo kami ngayon sa harap ng gate na may kataasan ang bakod. Mala Hacienda ang aura ng lugar na medyo nasa 50's ang style ng bahay kaya sa unang tingin ay aakalain mong Haunted House ang iyong nakikita.
"Manong," may nakita akong matandang dumaraan kung saan kami nakatayo kaya't hindi na ako nag-atubiling nagtanong.
"Dito ho ba nakatira si Guadalupe Regis?"
Napatingin ang matanda sa mga mata ko na medyo nakakunot ang nuo. "Anong kailangan mo sa kanya?"
"Ano ho e, medyo importante lang. Kailangan namin siyang makita...."
Napailing ang matanda sa sinabi ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya umakto ng ganun dahil wala namang mali sa sinabi ko.
"Diyan nakatira si Guadalupe," pagturo niya sa tila abandunadong mansyon gamit ang kanyang tungkod. "Pero matagal na siyang patay...."
"Ho?????!" sabay sabay naming reaksyong lahat.
"Tama! Patay na si Guadalupe! Dalawang dekada na ang nakakalipas. Ano ba talaga ang sadya niyo sa taong patay na? Mukhang hindi magandang pangitain ito ha?"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Dead End na ba 'to? Paano namin malulutas ang misteryong pinapalutas sa 'min ni Mama kung ang isa sa mga tauhan ng palaisipang ito'y sumakabilang buhay na?
"Siya nga po pala, may tao pa bang naninirahan diyan? 'Yung mga Regis?" tanong ko sa matanda na medyo ikinangisi niya kahit wala naman talagang nakakatawa sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETED
HumorMatapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of their lives. Paano kung this time, si Jace na ang manseseduce kay Mick? Mapagtagumapayan kaya niya ito upang wakasan ang matindi nilang alitan?