The End Part 5 (Chapter 45: Book)

11.2K 389 88
                                    

ALEX'S POV


"Oh my goodness! I'm late.... Again!"

Traffic sa hapon? This is freaking insane! Nag-half day na ako sa work tapos mai-istuck pa ako sa traffic? If I only knew e nag train na lang ako instead na magmaneho ng kotse. Kaloka infairness! Sana andun pa 'yung mga special visitors ko sa bahay at hindi nainip. This is our last meeting day and I'm so nervous. This is the judgment day, if it's make or break. Urghh!

"Wake up Alex! You're a popular writer! You've already proven enough so relax," pagpapakalma ko sa sarili ko with matching sampal sa left face ko because of my being paranoid. Sino ba namang hindi mapaparanoid? Stuck ka na sa traffic, e di mo pa alam kung nagustuhan ng mga hired juries ko ang ginawa kong nobela?

After 2 hours na stuck sa traffic, nakarating na rin ako sa bahay. Well, hindi sa pagyayabang e maganda ang bahay ko na mala mansyon 'pag nakita mo sa labas, ganun din sa loob. Bunga 'yan ng pagiging successful ko sa real-estate business together with my hubby. Aside from my main job, I'm also a part-time writer sa LLJS Publishing. I'm a romance writer and I already published 20 love stories na pumatok sa madlang pipol. Hindi ko na iisa-isahin ang mga stories kong 'yun but I'm proud of what I've become. Hindi man ako fully-pledged na writer e naful-fill ko pa rin ang dream kong maging isang sikat na manunulat someday. Meron na nga akong offers from ABS-CBN at GMA but I declined their offers... ang liit kaya ng sahod ng writer at masyadong toxic. I write because I love it, at isa pa, ayokong ma-pressure.

"I'm so sorry. I'm so late," medyo apologetic ako nang pumasok sa mini-library ng bahay. As usual, nakaupo na sila sa kanilang respective seats. Dito ang everyday meeting location namin for the past three days. All they do was to read my story... at after that, hihingan ko sila ng opinyon. And they are all paid! I forced them na babayaran ko sila kahit my Bestie and James declined. They don't have any choice since I want to pay the time that they'll be spending reading my ODD STORY. Atleast, maybe in their books.

I hired three people to review my story. First, ang bestie kong si Amy Torres. She's also a popular writer sa publishing kung saan din ako galing. Yes, she's popular pero mas popular ako sa kanya. We always supported each other through thick and thin. No holds barred. 'Pag nagpapareview kami ng stories ng isa't isa, we made see to it na objective ang atake namin. Minsan, o kadalasan, masyado siyang straight forward pag nirereview ang gawa ko. Makapangit naman siya sa isa kong story na pinaghirapan ko. Pero since friendship ko siya.. okay lang naman. Naimprove ko rin naman ang sarili ko because of her honest critique. And ganun din naman siya sa 'kin.

"Anong bago Bestie?" reply niya sa 'kin. "Isang minuto na lang baka nakaalis na kaming lahat. Akala ko hindi ka na darating."

"Sorry, bestie... Sorry sa inyo... I'm stuck again.... IN TRAFFIC," pag-apologize kong muli.

"That's fine Alex," ani James na second jury ko. His full name is James Catacutan. He's a straight guy na varsity player ng Basketball sa isang kilalang school sa Maynila. He stands 6'1 at maganda ang pangangatawan. He's a part-time ramp model rin. Ewan ko ba kung paano ko siya napa-oo para ipabasa sa kanya ang isang Man to Man themed story. Walang kahirap hirap ko siyang napa-Yes to my surprise. Ang iniisip ko na lang is siguro naging mabait kaming mag-asawa sa kanya sa family niya during those times they had financial problem. Kami ni hubby ang nag-rescue in terms of financial.

"I'm done reading since yesterday pa. So, what's next?" sabi naman ni Sir Eduardo, which is the third jury. His real name is Eduardo Reyes, 45 years old, a blogger and a film critique. He was not that popular bilang isang kritiko but he captured my attention because napakagaling niyang magkriticize ng film, napaka objective compared sa mga nagsulputang kritiko na walang kasubstance-substance mag-judge. I told him that I'm a fan of his blog. Limampung porsyento ng blog niya ay food, tatlumpung porsyento ay travel and the remaining is movie review etc.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon