Chapter 30: Yellow Dress

11.3K 587 92
                                    

Alex's POV

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Tila pamilyar ang nakikita ko nang unang masilayan ang puting kisame. Bigla akong bumangon na ramdam na halos wala nang lakas at pwersa na nakareserba sa aking katawan. Nakaramdam din ako ng pagkulo ng sikmura at pananakit ng ulo.

"Teka ba't ako nandito?" pamilyar na pamilyar ang lugar sa 'kin dahil nandito lang naman ako mismo sa aking kwarto. Pilit kong inaalala ang mga nangyari ngunit parang hindi gumagana nang maigi ang utak ko para mag-isip.

"O, kanina ka pa ba gising diyan Alex?" si Kuya habang pumapasok ng kwarto at papalapit sa 'kin. Kinalog kalog ko ang bungo ko dahil maging ako'y nangangapa pa rin ng mga oras na 'yun. Umupo si Kuya sa gilid ng kama habang kaharap ako. "Akala ko magpapagawa na 'ko ng kabaong mo. Tagal mong gumising!"

"Kuya anong nangyari?" paalangang tanong ko sa kanya. 'Di rin naman nagtagal ay may bigla akong naalala. Ang huling natatandaan ko'y nasa bahay kami nung babaeng nagngangalang 'Guadalupe Regis'. Kumain lang kami nung dalawang Joaquin tapos.....

"Ba't tayo nasa bahay? Diba...." biglang pagputol sa 'kin ni Kuya.

"Psssst... Kumain ka muna sa baba at mamaya na natin pagkwentuhan 'yan. Mahigit bente kwatro oras ka lang namang tulog at wala ka pang kinakain. Halika, kumain ka muna..."

Kinuha ni Kuya ang kamay ko upang akayin akong tumayo ngunit hinila ko pabalik ang aking kamay. May kung anong bagay ang nagtulak sa 'kin upang salungatin ang utos niya.

"Gusto ko munang malaman kung bakit tayo kaagad umuwi? Ano bang nangyari Kuya? Nasaan na sila? Si Jace? Si Joaquin?" medyo seryoso kong pagdemand ng sagot sa kanya.

Pansin kong medyo lumungkot ang mga mata ni Kuya. Hindi ko alam ang ibig sabihin pero nakakaramdam akong may something na nangyari na siguradong hindi pabor sa 'ming lahat.

"Wala ka bang naaalala kung anong nangyari?"

"Tatanungin ba kita Kuya kung alam ko? Ang huli ko lang naalala e 'yung kumakain ako ng Carbonarra tapos biglang parang nawala lahat....... Wala na akong maalala after."

"'Yun na nga ang nangyari Alex. May kung anong gamot na pampatulog ang nakalagay sa kinain niyo. 'Yung dalawa e nagising kaagad matapos ang ilang oras pero ikaw..... kinailangan pa naming dalhin sa Ospital panandalian para malaman kung buhay ka pang talaga. Nilantak mo naman kase 'yung Carbonarra kaya ayan, mahigit isang araw kang tulog."

Nagutom lang naman ako kaya nung inofferan kami nung babaeng nakaitim na kumain agad, talaga namang inuna ko 'yung Carbonarra na favorite ko para masatisfy 'yung cravings ko. 'Yun pala e may halong pampatulog 'yung pagkain.

"Bakit may pampatulog 'yung pagkain? Sino ba 'yung babaeng 'yun? Kamag-anak rin ba siya ni Mang Dencio na hinaluan rin ng pampatulog 'yung inumin niya? Naguguluhan ako Kuya...."

"Magulo naman talaga. Kung gusto mong makapag-isip ka ng maayos, kumain ka muna. Nagluto ako ng sinigang na baboy sa baba. Lamanan mo muna 'yung tiyan mo."

"Hindi!" medyo pasigaw na sagot ko kay Kuya. "Ayokong kumain hanggat hindi ko pa alam kung bakit tayo umuwi. Ano nang nangyari sa misyon Kuya?"

Napatahimik sandali si Kuya. Umiling iling siya na ang pahiwatig ay hindi kagandahan. "Wala ng misyon Alex. Hindi tayo nagtagumpay. Maaaring nasa kamay na ng mga Tita ni Jace ang kayamanan. Bigo si Jace, bigo tayo."

"Ha?!" napataas ang tono ko. "Paanong nangyaring bigo?"

Tumayo si Kuya at napabuntong hininga. Pilit na inaalala 'yung mga nangyari nung gabing iyon upang ikwento sa 'kin. "Yung matandang babae ay isa sa mga Auntie ni Jace. Jacky ang pangalan. Matagal na pala nilang minomonitor si Jace, maging tayo para maisagawa nila ang malaking set-up."

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon