Chapter 1: The Comeback

40.6K 848 89
                                    

 Jace's POV

It’s nice to be back! Sobrang namiss ko ang Pilipinas maging ang mga kaibigan ko dito. Heto na ako ngayon.... new and improved! Anim na buwan na rin ang nakakaraan nang piliin kong tumungo ng America para tulungan ang Kuya Renzo ko sa negosyo namin. Napagdesisyunan naming magkakapatid na ako’y dito nalang manirahan sa ‘Pinas dahil dito ilo-launch ang International Branch ng aming negosyo. Pabor na pabor sa ‘kin ang desisyon na ‘yun dahil na rin... Ehem... sa mga taong tinuring ko nang mga kaibigan at ka-ibigan? Pero hindi lang ‘yun ang ipinunta ko rito. Nahaharap muli ako sa isang misyon upang tukuyin ang naiwang palaisipan ng Mama ko. Ang palaisipang nakasulat sa huling pahina ng tatlong librong isinulat niya para sa ‘ming magkakapatid.

I’m talking about the real hidden wealth of the Saavedras. Isang tao lang ang pinagsabihan niya ng sikretong ito dahil lubhang mapanganib kung malalaman ng tatlo niyang kapatid na siya talaga ang susi kung saan makikita ang tinatawag rin naming “Extravagant Treasure”. Kung nagkaroon kami ng alitang magkakapatid, meron din silang matinding hidwaan na magkakapatid dahil sa kayamanang iyon. Kaya pala ever since na inampon niya ako’y, mangilan ngilan lang ang pinakilala niyang tao na karelated niya sa ‘kin. Sa ngayon, clueless pa rin ako kung sino ang taong dapat kong pagtanungan ng lihim kaya’t nandito ako ngayon para humingi na rin ng tulong sa mga kaibigan kong sina Alex at Mick.

“Dito ka na talaga titira Jace?” masayang tanong sa ‘kin ni Mick. Nandito kami sa bahay ngayon para mag-ayos ng mga gamit at appliances na binili ko.

“Oo. Ayaw mo?” pabiro kong sabi sa kanya.

“He-he. Welcome back Pare!”

Inilagay niya ang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ko at tinapik tapik ito. Naalala ko pa nung time na kami’y “Love Birds” in disguise pa lang na maraming issue sa buhay pag-ibig. Hindi man nag-blossom ang relationship na ‘yun, at least nama’y ‘till now e magkaibigan pa rin naman kami.

“Hanep ka Mick. Anong nakain mo at nakipag-break ka na agad-agad sa nobya mo? Nakita mo lang ako tapos....”

“Ano ka ba? Hihiwalayan ko na talaga ‘yung malanding ‘yun. Naghahanap lang ako ng perfect timing. Kailangan masaya ako para magtunog sarcastic ako. Nung makita kita, medyo sumaya ang mood ko kaya tinawagan ko siya para makipag break.”

Hindi naman talaga maikakailang masaya itong si Mick na halos abot tenga ang ngiti nang makita ako. Napakasaya ko rin naman nang makita ko siya. Umaasa nga akong maibalik muli ‘yung dati naming pagtitinginan na nakakabaliw at nakakapraning.

Inasahan ko na ring maghahanap siya ng nobya simula nang umalis ako. Ganun rin naman ako, I had a girlfriend in States kaso hindi nag-work out ang relationship namin dahil sa mga differences namin nung girl. I ended up thinking of Mick pa rin dahil hindi ko makalimutan ang journey naming dalawa. It’s a very memorable experience na napakahirap kalimutan. Kaya siguro bigla kong naisipang magtapat kay Alex na nagkaroon kami ng “Bromance” ng tiyuhin niya. Hindi ‘yun madali para umamin ka na halos ibunyag ko na umiibig ako sa kapwa ko lalaki. Ang perception kaagad ay bading ako, pero hindi ako hinusgahan ni Alex kaya’t hindi ako nagsising ipaalam sa kanya ang lahat lahat nang namagitan sa ‘min ni Mick, maliban na lang dun sa mga “Naughty Part”. Mahirap pero ayun ‘yung tanging paraan at naging way ko para masabi ‘yung nararamdaman ko na mahirap itago.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon