Miracle 7: Aged Acasia

165 6 2
                                    

Miracle 7: Aged Acasia

"May mga pangakong sinadyang hindi tuparin pero may mga pangakong hindi natupad pero hangga sa mga oras na ito ay sinasubukang tuparin."

Kaagad kong tinakpan ang mga mata ni Tablea upang hindi na niya makita pa ang kasuklam suklam na pangyayaring ito.

Halos lahat ng nasaksi ay bumaligtad ang sikmura. Hinimatay ang ilang babae at matatanda.

Sobra na ito. Sobra na talaga.

Singbaho ng naagnas na mga laman ang budhi ng may gawa nito.

Hindi pa siya nakuntento sa ginawa niya sa hacienda. Nagdulot pa siya ng takot sa baryong ito.

Isinagawa ng pulisya ang imbestigasyon maging sa kalaliman ng gabi. Ako naman ay nasa kwarto at nanlalamig pa rin sa takot. Di mawala sa isip ko ang nakita ko - isang mahabang kawayan at doon nakatuhog ang limang pugot na ulo. Pinakamatindi ang epekto nito sa akin dahil kilala ko ang nagmamay-ari ng mga ulong iyon at malalapit sila sa akin.

Balisang-balisa ako. Iba pala na makakita ng bagay na nakapanghihilakbot kung gabi. Parang gusto kong i-shut down ang buong sistema ko at i-reboot para lang malimutan ko ang pakiramdam ng sobrang pagkatakot.

Ang isa pang bumabagabag sa isip ko ay kung bakit naroon kanina ang taong iyon. Naroon siya at nakahalo sa mga taong nakikiusyoso. Hindi siya taga rito sa bahaging ito ng baryo. Anong ginagawa niya rito sa gabing ito?

Sabihin na nating napadaan lang siya pero bakit ganoon ang ekspresyon ng kanyang mukha. Habang lahat ay nanlulumo, nakangiti siya at parang pasimpleng nagdiriwang.

Ano bang motibo nya?

Paghihiganti?

Naririnig siguro ako ni Tablea at ang tunog ng higaan sa tuwing gagalaw ako kaya sinisilip nya ako palagi pero pilitin ko man makatulog, hindi ko kaya. Hinintay ko na lang ang madaling araw at umasang mabubura ang takot ko pag nakakita ng liwanag.

"Dee, gising ka na," habang bahagya niya akong niyuyugyog.  Sandali pala akong nakaidlip simula alas kuatro. "Naisip kong magsimba baka pwde mo kong samahan."

Nagdalawang isip ako dahil inaantok pa nga rin ako pero gusto ko rin magsimba. Hindi ako ang tipo ng tao na nagsisimba lingo-lingo pero hindi ibig sabihin noon, hindi ako naniniwala sa Diyos. Sa pagkakataong ito, kung saan lubhang pinaghaharian ng takot ang puso ko, kailangan kong pagtibayin ang pananampalatay ko.

Bago sa simbahan ay nag-almusal kami sandali. Tulad ng dati, maaga siyang nagising at naghanda ng pagkain. Sa paulit-ulit na pagkakataon, ipinagtataka ko kung paano siya nakakapagluto ng maayos ng hindi gumagamit ng kutsilyo.

"Masarap ba?" tanong niya. "Heto yung tikman mo, egg omelet, patatas ang pinalaman ko," nakangiti siya pero sa pagkakataong ito iba ang nararamdaman ko kay Tablea. Hindi ko pa pala siya ganoon kakilala. Kahit ilang araw na kaming magkasama sa bahay, marami siyang itinatago.

Ayoko kong paghinalaan siya pero simula nang dummating siya dito sa baryo namin, nagsunod sunod na ang masasamang pangyayari.

Ano ba ang mga lihim mo?

Sino ka ba talaga Tablea?

Sa lumang simbahan ko siya dinala. Dalawa kasi ang simbahan sa baryo namin. Ang bagong simbahan ay itinayo noon lamang nakaraang taon. Marahil nagtataka kayo pero malawak talaga ang baryo namin. Maging ang lupang sinasakupan ng hacienda ay parte ng baryong ito.

"Ang daming nagsisimba!" tuwang-tuwang puna ni Tablea.

"Alam mo, sabi sa amin, itinayo pa ang simabahan na ito, panahong kolonyal," kwento ko sa kanya. "Napapansin mo ba yung part na shades of green kulay?" habang tinuturo ko ang kalahating parte ng simbahan na iba ang kulay.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon