Miracle 15: A Letter

56 5 1
                                    

Miracle 15: A Letter

Andrea's POV

Aram Akdum Ahidam.

"Magpagaling ka, Andrea. Hihintayin kita."

Dee? Ikaw ba yan? Hindi ako maaaring magkamali. Si Dee ang narinig ko pero nasaan siya? Sobrang dilim. Nasaan ako?

Nagpatuloy akong lumakad kahit di ko alam kung saan ako pupunta. Kumakapa ako sa dilim pero para bang di ako nakakaramdam ng takot. Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung ilang oras na kong naglalakad pero di ako napapagod. Ni hindi ko alam kung ilang araw na kong naglalakad pero di ako nagugutom o nauuhaw man. Hanggang sa makakita ako ng maliit na liwanag na unti-unting lumalaki habang patuloy ako sa paglalakad.

Para bang bukang-liwayway na ang dilim ay unti-unting tinataboy ng liwanag. Bahagya ay kinusot ko ang mata ko at doon ay napansin ko ang isang malaking gate -- ang gate ng Hacienda Wanberto. Kandado.

Naalala ko ang sikreto naming daanan ni Dee. Napangiti ako na muli bumalik sa sikreto naming lagusan. Ang sikip na pala nito ngayon. Naalala ko tuloy yung mga panahong mga bata pa kami para magkasya dito.

"Bilisan mo nga. Ang kupad mo," may narinig akong isang pamilyar na boses ng isang batang babae. "Bakit ba ang tamlay mo?"

"Pasensya na," sagot naman ng isang batang lalaki. "Saan mu ba ko dadalhin?"

"Sa ibang mundo kung saan bawal ang malungkot at dadaan tayo sa isang lagusan kung saan bago ka makadaan doon kailangan mo munang iwan ang lahat ng malungkot na alaala sa puso mo."

Sobrang pamilyar sa akin ng mga sinabi ng batang babae. Bahagya ay naluha ako nang makita ko kung sino ang dalawang bata na nag-uusap.

"Oops! Teka," awat ng batang babae. "May password dito. Bago ka makatawid kailangan mo munang sabihin ang cute na pangalang Andrea."

"Andrea?" wika ng batang lalaki sa tonong napaisip. "Di naman maganda. Dapat Dee na lang parang astig."

"Basta dapat AN-DRE-A!"

"Dee!"

"Andrea sabi."

"ANDY!" biglang sigaw ng batang lalaki. Napangiti naman ang batang ako na tanda ng pagsang-ayon.

Pagtawid nila sa lagusan, lumingon-lingon ang batang Dee at nagtanong, "Hindi naman to ibang mundo ha. Labas lang po ng hacienda. Bawal ba ang malungkot dito?"

"Alam mo, Dee, sabi ni nanay, sa buhay na to, hindi tayo dapat maging malungkutin." Naalala ko nga ang sinabi ni nanay. "Nasa isip lang naman natin ang kalungkutan." Grabe! di ko alam na sasabihin ko to nung bata pa lang ako wika kn sa sarili ko habang pinanunuod ko silang mag-usap. "Lahat naman tayo nawawalan pero kailangan pa rin nating maging masaya dahil may darating. Kailangan pa rin nating maging masaya at matatag para sa kung anuman ang natira sa atin."

Tahimik na nakatingin sa kanya ang batang lalaki, "Andrea, ilang taon ka na ba talaga?"

Natawa ang batang babae at bahagya nitong iniuntog ang noo niya sa noo ang batang lalaki. Sabay, naging masigla ang tawanan nila.

Hinipo ko ang noo ko. Dito nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Dee. Nang mawala ang mga magulang niya, noon ako dumating.

May kinapa sa bulsa ang batang babae. Ilang piraso ng candy at inabot ito sa kaibigan, "Sa iyo na lang."

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon