Miracle 2: Unexpectedly Expected

173 10 1
  • Dedicated kay Lariz Saldaña
                                    

Miracle 2:  Unexpectedly Expected

"Sundan mo ang ilog kung naliligaw ka kaya nga pag litong-lito ka na, umiyak ka lang, wag mong pigilan ang luha mo, paagusin mo, tulad ng ilog, ituturo nito sayo ang tamang sagot."

Pag-uwi ko ng bahay, nandoon na at nag-aabang si Belinda. Siya yung tangi kong kasama sa bahay mula ng mawala sila tatay. Di ako naiinip sa bahay, dahil nandyan siya.

Tumakbo siya palapit at sinalubong ako. Nagugutom na ang loko. Kahit na parang aso siya kung kumilos, si Belinda ay isang kambing. Siya lang nga ang natira simula ng paghati-hatian ng mga pinagkakautangan ni tatay ang mga alaga naming hayop. Mabait pa nga sila at itinira pa ang sira-sirang bahay na ito sa akin. Yun ay nang mawala si Tatay at Nanay. 

Malinis na kasi ang bakuran kaya pinag-uuwi ko na lang siya ng damo mula sa farm. Nilapag ko na ang pagkain nya pero sumunod pa rin siya sa akin hanggang sa may pintuan.

"Kumusta ang araw mo, Belinda?" bati ko sa kanya habang binubuksan ang pinto.

"Meeeeh!" sagot nya naman.

"?!"

Pagtatakha ko na bukas ang pinto ng bahay. "Sinong nagbukas nito, Belinda?"

"Meeeee!"

"Mee? Ikaw? Marunong ka ng magbukas pinto?" ganito lang naman talaga kami mag-usap. Hindi ako nababaliw. Aminin nyo kayo din kinakausap nyo mga alaga nyo, di ba?

Pagpasok ko sa pinto, siya namang paglabas ng isang babae galing sa banyo.

"Ikaw?!"

Yung lang ang tangi kong nasabi. Nagulat din ako. Daig ko pa ang nakakita ng mismong multo sa bahay ko. Sana nga kung multo na lang siya. Pero walang multong ganito kaamo ang mukha. Mahaba ang buhok. Kayumanggi ang kulay ng balat. Maganda ng hubog ng katawan habang nakabalot ito ng basa tuwalya.

Tulala.

Parang duduguin ang ilong ko.

Bakit siya nandito?

"Hello, Dee!" bati niya sakin sabay pitik sa ilong ko. "Pasensya na kung pumasok ako sa bahay at hindi na kita hinintay. Giniginaw na kasi ako sa labas."

"Bakit nandito ka?"

"Umaano ka sa bahay ko?" magkasunod kong tanong.

"Ako yung anak ni Liseo Morillo," pagpapakilala niya. "Akala ko inaasahan mo na ang pagdating ko."

Ou nga pala. Tumawag noong makalawa si Tita Tending, nag-iisang kapatid na babae ni tatay, na nakatira sa probinsya sa Sur. Sabi niya ay may darating ditong bisita. Anak siya ni Ginoong Liseo, na isa rin sa mga pinagkakautangan ni tatay. Pagkakaalam ko noong isang linggo lang, namatay na rin ang ama niya na nag-iisang nag-aaruga sa kanya. Pinakiusap ng ama niya kay tita na tingnan ang kalagayan niya ano't ano man ang mangyari. Dahil halos magkaedad lang kami, sabi ni na tita mas maganda kung dito na lang siya tumira.

"Pasensya ka na at nawala rin sa isip ko pero anong ginagawa mo sa ilog kanina?" nahihiya pa akong banggitin yun dahil sa mga nangyari.

"Ah yun ba? Naligaw ako kanina. Sabi sakin, kung maliligaw man ako sundan ko lang ang ilog."

Ou nga naman. Sundan mo ang ilog kung naliligaw ka kaya nga pag litong-lito ka na, umiyak ka lang, wag mong pigilan ang luha mo, maya-maya noon, mapagtayanto mo na kung ano ang tama. Gusto kong matawa dahil ang weird ng reason niya kaso baka maoffend siya at hindi pa namin kami masyadong close. Ang hinhin pa naman niya, parang di siya makabasag ng pinggan. Pakiramdam ko mababaw lang ang luha niya.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon