Miracle 17: Right Choice

61 5 1
                                    

Miracle 17: Right Choice

Andrea's POV

Flashback.

Ako na naman ang inuutusan ni tatay. Panu ba naman tong kuya ko at kakambal, Mama's boy. Gusto na lang laging nakadikit kay nanay. Super duwag, lagi kasing nagpapaniwala kay tatay.

Heto namang si tatay, mahilig magkwento ng kung anu-ano pati mga dwende, maligno, at multo. Sinasabi nya na may third eye sya pero di naman ako naniniwala. Si Andres lang ang nagpapaniwala sa kanya.

Kainitan ng tanghali, nautusan akong tawagin si Dee na di ko alam kung saan lupalop ng hacienda naroon. Isa pa tong lalaki na to, napapagalit ako.

Nakita ko siyang natutulog sa ilalim ng puno ng mangga. Bago pa ako ang mang-gising sa kanya, tumunog ang phone niya at sinagot niya. Nasa likod niya ako habang nakikipag-usap siya sa kung sinumang nasa kabilang linya na ayaw yatang magpakita.

"Istorbo. Ang sarap pa naman ng tulog ko," bulong niya na narinig ko naman.

"Nagawa mo pang matulog nang masarap dito sa ilalim ng puno," pagtataray ko habang nakahawak sa aking baywang. Hindi naman talaga ako mataray pero naging lambingan na namin ang mag-asaran. Tiningnan ko siya diretso sa mata.

"Nagsisiyesta lang ako," depensa nya. "Parang lagi ka namang nananakot kung makatingin ka."

"Ano sayo? Kesa naman sa mga mata mong nawawala pag tumatawa ka," patuloy kong pang-aasar. Bagay naman sa kanya ang singkit niyang mata pero di ko type. Parang nakakaloko kasi ang mga mata niya.

"Chinito siyempre."

"Chinito?" sang-ayon naman ako pero di ko pwedeng ipahalata. "Kaymito sabihin mo. Tumayo ka na nga dyan," bahagya ko pa siyang sinipa-sipa. "Hinahanap ka na ni Tatang, maghahakot na daw kayo."

"Ou na makasipa ka naman parang wala ng bukas, pag nawala ako, malulungkot ka din."

"Sige, maglaho ka na. Shoo!"

"Masusunod po Señorita Andrea."

"Ipanguha mo nga ko ng mangga mamaya, ha," nawala ang pagtataray ko.

"Sure. Hinog?"

"Ayokong hinog. Siyempre hilaw." Nagtanong pa siya para mang-asar. Alam naman niyang mula umpisa di na ko mahilig sa matamis.

Habang pabalik kami, malalim ang iniisip niya at hindi ako pinapansin. Nang dumaan kami sa gawi ng bahay ng mga don, tinawag siya ni Engineer.

"Ikuha mo nga ng kasoy si Maam mo at yun ang pinaglilihian nya."

Pinahalata ko kay Dee na natawa ko pero medyo pinigil ko pa rin. Ang layo kasi ng mga puno ng kasoy. Medyo nakakatakot na ngang magpunta sa gawi na iyon ng hacienda.

Kawawang Dee. Hindi nya naman pwedeng hindian ang senor. Kahit di nagreklamo si Dee, alam kong naasar siya. Bumuntot pa rin ako sa kanya. Patuloy ako sa pang-aasar sa kanya kahit di niya ako pinapansin hanggang sa may naisip akong gawin.

"Dee, babalik na ako ha. Puro gasgas na ng talahib binti ko."

"Ganoon ba?" sa wakas ay pinansin nya naman ako. "Sige, Andrea, makisabi mo na lang kay Tata Bong kung ano ang iniutos sa akin ng senor."

"Okey, sabi mo e, ikaw pa, malakas ka sakin e," napapangiti pa ako habang sinasambit ko ito. Hindi naman talaga ko babalik. Pag nakalayo na siya ng kaunti, susundan ko pa rin siya. Plano ko siyang gulatin o takutin mamaya pag nasa may dulong bahagi na kami.

Patuloy ko siyang sinundan at pinagmasdan. Naghintay ako ng pagkakataong makaisa.

Pagdating niya sa mga puno ng kasoy, naningala muna siya mga bunga. Maya-maya, tila may kung anong umagaw ng atensyon nya. Tumingin siya sa paligid niya. Sa huli, hinawi niya ang mga talahib at dumungaw sa bahagi ng ilog.

Bigla na lang syang tumakbo palayo sa ilog at nang huminto siya, para na siya tuod na di gumalaw. May lumapit sa kanya na isang babaeng walang saplot. Pinagmasdan ko lang sila.

Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Dee dahil nakatalikod siya sa akin. Hindi rin sapat ang distansya ko sa kanila para marinig ang pinag-uusapan nila. Ano ka ba naman, Dee? Nakakita ka lang ng hubad na dalaga ay naging tuod ka na diyan.

Lalapit na sana ko pero laking gulat ko ng kwintasan ng manipis na tali ng babae si Dee. Hindi ko alam kung ano ang tali na iyon pero kumikintab ito pag nasisinagan ng araw. Para namang gusto itong tanggalin ni Dee. Ang kutob ko, nasa panganib ang kaibigan ko.

"HUWWAGG!" sigaw ko sabay ng pagsakal ng babae kay Dee. Pero imbes na masakal siya, gumulong ang ulo ni Dee sa lupang nakukumutan ng mga tuyong dahon.

Napatakip ako ng bibig sa sobrang pagkasindak. Nang balingan ako ang ng babae, parang nanginig ang buo kong katawan. Ang ngiti niya ay tulad ng dagundong ng kulog na nagpapahindik ng mga balahibo ko sa kamay. Natatakot ako pero si Dee ang iniisip ko. Sana panaginip lang to, sana.

Unti-unting lumapit ang babae sa akin at ipinalupot din sa aking leeg ang mismong violin string na ginamit niya kay Dee. Ngayon nararanasan ko ang pagkatuod na naramdaman ni Dee.

"Death or cholocate? Anong mas gusto mo?" tanong nya sa akin.

Hindi naman ako nagdalawang isip. Hindi ako mahilig sa matamis. Pinili ko ang kamatayan. Death -- ang pangalan ni Dee ay Death kaya kahit kailan, hindi ako natakot sa salita ng kamatayan.

"Handa na kong mamatay," bulalas ko nang buong tapang habang nakatingin ako sa katawan ni Dee na nagkikikisay. Tumulo ang mainit na luha sa aking mga mata.

Tumawa ang babae at tinanggal ang alambreng kanina'y nakatali sa aking mga leeg, "Matapang kang babae. Ikaw pa lang ang ikalawang taong kilala ko na hindi nangiming harapin si kamatayan."

"Patayin mo na rin ako!!" sigaw ko.

"Bubuhayin kita," wika ng babae. "pero daranasin mo pa rin ang impyerno paggising mo at saka mo pagsisisihang binuhay pa kita."

Mula sa likod ay may mabigat na bagay na tumama sa aking batok. Unti-unting nanlabo ang aking paningin. Pinili ko si Dee at naligtas ako.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon