Miracle 16: Two Options

64 5 1
                                    

Miracle 16: Two Options

Flashback.

Nagising ako dahil sa cell phone na tumununog.

"Hello?"

"Hello?"

"Ayaw mo bang magsalita?"

"Ah... Eh..."

"Anung ah eh?"

"Ah ano eh..."

"Puro ka eh, sino ka ba?"

"Ah kasi si Dee b-ba ito?"

"Ou, sino ka ba?"

"Ah eh pasensya na sorry, di ko kaya."

Yung ang huli niyang sinabi saka na niya binaba. Ang weird. Boses ng babae. Saka anung pinagsasabi nun na di nya kaya? Istorbo. Ang ganda pa naman ng panaginip ko. Ang sarap din ng tulog ko.

"Nagawa mo pang matulog nang masarap dito sa ilalim ng puno."

Medyo napalakas yata yung mga huli kong sinabi at narinig nitong babaeng ito sabay titig sakin ng mata niyang parang kay Jollibee. Nakapamaywang pa siya na akala mo naman ay siyang may-ari ng punong mangga na ito.

"Nagsisiyesta lang ako. Parang lagi ka namang nananakot kung makatingin ka."

"Ano sayo? Kesa naman sa mga mata mong nawawala pang tumatawa ka."

"Chinito siyempre."

"Chinito?" sa tonong di sumasang-ayon. "Kaymito sabihin mo. Tumayo ka na nga dyan," utos niya habang sinisipasipa pa ako. "Hinahanap ka na ni Tatang, maghahakot na daw kayo."

"Ou na makasipa ka naman parang wala ng bukas, pag nawala ako, malulungkot ka din."

"Sige, maglaho ka na. Shoo!"

"Masusunod po Señorita Andrea."

Sarkastiko kong pagsunod. Tuwang-tuwa na man siya pag tinatawag kong ganoon. Siya si Andrea, hindi siya ang leading lady ko pero kaibigan at pamilya na rin ang turing ko sa kanya. Isa siya sa kambal ni Tata Bong, na siyang punong katiwala ng farm ng mga Wanberto.

"Ipanguha mo kong mangga mamaya ha," pahabol niya.

"Sure," sabi ko na man kahit wala kong intensyong ipanguha siya. Ayoko kong magsunungaling dahil baka masaktan siya pero kung pag-asa ang ibibigay nito bakit ko pagkakait. Sa pag-asa madalas nabubuo ang milagro.

"Hinog?"

"Ayokong hinog. Hilaw syempre."

Saka ko na pinulot ang sumbrero ko at lumakad palayo. Nakabuntot pa rin siya at walang tigil kwento ng kwento tungkol sa teleseryeng inaabangan niya pag hapon. Ulit-ulit na lang ang sinasabi niya kaya di ko na pinapansin.

"Dee, may gagawin ka ba?"

"Opo sana, sir, maghahakot na po kami ng kaing ng mga prutas na iluluwas sa Sentro ngayong hapon."

"Bayaan mo na sila doon at kaya na nila yun. May iba kong iuutos sayo," habang hinihimas ang malaki niyang tiyan.

Hindi naman ako makakatanggi. Ang nag-uutos ay ang haciendero, ang panganay na anak, si Engineer Rolando Wanberto.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon