Miracle 11: Falling Cascade

81 5 1
                                    

Miracle 11: Falling Cascade

"Tanga lang ang superhero na tutulong sa taong hindi naman humihingi ng tulong."

Binato ko siya ng isang piraso ng duhat para matigil siya sa pagtatawa.

"Alam mo, Dee, tama si Ninong mo. Mukha ka ng jolly roger sa watawat mg mga pirata. Ang itim na nga ng gilid ng mata mo," patuloy pa rin sa panlalait si Rambo na ipinapalo pa sa malaking bato ang saklay niya. Pero alam ko ginagawa nya lang ito para ipaalala sa akin kung panu tumawa.

"Bo, bakit wala nga pala si Facundo?"

"Sinabihan ko siya kaninang umaga pero di daw sya makakasama ngayon. May pupuntahan daw sila ng nanay niya na handaan sa kalapit na bayan."

"Si Facundo talaga. Pagpapalit nya ang tropa para sa pagkain."

"Sinabi mo pa. Mas masaya talaga pag kumpleto tayo."

"At pag nandito siya, siya ang asarin mo at hindi ako," dagdag ko.

Saming tatlo, si Rambo ang pinakamalakas mang-asar. Kung tutuusin siya ang dapat inaasar namin dahil sa diperensya nya kaso hindi ganoon. Nabalda siya dahil sa pagkahulog sa puno. Pero di namin mabanggit man lang ang insidente na yon dahil gagantihan kami ng kunsensya namin.

Nung elementary kami, lagi nyang sinasabi na gusto nyang maging superhero. Kahit sino pagtatanggol nya. Kahit naman maliit na di pagkakaunawaan lumalaki pag pumasok na siya sa eksena. Madalas pa nasasama kami sa trouble pag bigla syang sumasali sa mga away na wala naman talaga kaming kinalaman.

Pero noong Grade 4 kami biglang nagbago lahat sa buhay nya. Pauwi kami ni Facundo isang hapon, hindi namin kasama si Rambo, nang harangin kami ng grupo ni Bullet.

"Mukhang napapalapit ka na sa girlfriend ko ha, pre," bungad ni Bullet sa amin at nilalagutok pa ang mga buto sa daliri. Ang tinutukoy niya ay ang pagiging malapit ni Facundo sa girlfriend ni Bullet. May pagkamalupit din kasi sa babae si taba.

Hinaharap siya ni Facundo. Tinabig niya ako sa likod niya. Gusto niyang sabihin na wala akong kinalaman dito pero para sa akin ito ang away na kahit hindi ako kasali ay hindi ko pwedeng takbuhan. Sampu silang nakapaligid laban saming dalawa. At ang panuorin lang siya na mabugbog ay hindi pinag-uusapan dito.

Kaliwa't kanang suntok ang inabot namin pero bago patuluyang magsara ang mga mata ko, nakita ko si Rambo sa taas ng puno at naka-kapa.

"Nandito na ang magliligtas sa inyo. Pasensya na at nahuli ako pero ganoon talaga ang bida, huli kung dumating," nakataas pa ang mga kamay niya na parang si Superman. Akala ko nga tatalon siya. "Are you ready to RAMBO?!!"

Pero ng magising ako, tatlo kaming nakahiga sa isang ward ng ospital. Doon ko na lang nalaman na pinagbabato siya ng mga loko hanggang sa mawalan siya ng balanse at tuluyang mahulog.

Palaaway siya dati pero ngayon... basta, mahirap ipaliwanag kung anong nangyari. Naalog yata ang utak.

"Paano, Dee, tutunganga na lang ba tayo dito?" at binato niya ako sa noo ng buto ng duhat. "Sayang naman ang pagpunta natin dito sa talon kung di tayo maliligo. Sa isang araw enrollment na."

"Syempre maliligo. Lubusin na ang mga huling araw ng summer!" malakas ang pagkakasabi ko kaya nagpunta kami sa parteng mababasa kami ng bumubuhos na tubig.

Tubig ang universal solvent at sana kaya nitong tunawin ang pait na nararamdaman ko.

"Siya nga pala," nagbukas ako ng usapan at naupo kami sa isang patag na bato. "Naaalala mo pa naman siguro si Lola Sapa."

"Syempre naman. Nakakamiss din yun pag naaalala ko siya."

"Kinukumusta nya nga kayo ni Facundo. Nakita ko siya sa palengke nung isang araw."

Malamig na tingin ang ibinalik sa akin ni Rambo.

"Woo!" at nagtawa sya. "Nananakot ka pa dyan ha. Di uubra sakin yan."

Napakunot ako ng noo, "Anong tinatakot naman sinabi mo?"

"Style ka pa, Dee. Kilala kita. Forte mo yang pananakot mo porket malawak imagination mo."

"Di nga ko nananakot," depensa ko. "Tinulungan ko pa nga sa dala nya at hinatid ko pa sa harap ng palengke."

Malamig na tingin muli ang ibinigay nya sa akin pero sa pagkakataong ito hindi na sya tumatawa.

"Alam mo bang sinasabi mo, Dee?"

"Oo, alam ko at hindi ako nagbibiro."

"Dee," nakita kong lumunok siya bago nagpatuloy. "Nakalimutan mu na ba, Dee, na isang taon na rin patay si Lola Sapa. Nahagip sya, di ba, sa may harap ng palengke."

Nalito ako at di nakapagsalita pero unti-unti napapagtanto ko na totoo ang sinasabi ni Rambo, pero, totoo rin ang sinabi ko.

Talagang natahimik kami at napalibutan ng ingay ng tubig na bumabagsak sa malalaking bato.

Sa di kalayuan nakita namin ang umpok ng limang mga babae. Ang isa sa kanila ay nakaupo na sa lupa. Ang isa naman ay pinupunit ang isang laruang manika.

"Wag mong sirain si Didith," pakiusap ng nasa lupa.

"Sino ka para sundin ko?" at nagtawanan silang apat na nakapaligid sa dalagang may-ari ng laruan.

"Kunin nyo na ang pagkain pero wag si Didith. Akina sya kahit sira," pilit niyang inaabot ang laruan.

"Si Ritz yan," ani Rambo.

"Kailangan nating tulungan si Ritz," sabi ko naman.

"Nagda-drugs ka ba, Dee? Si Ritz yung nam-bu-bully. Wag mong sabihin nakalimutan mo na yung ka-exchange gift mo nung Grade 3 tayo. Nagbalik Grade 4 lang sya kaya hindi na natin sya naging classmate pa ulit."

Matatawa sana ko sa sarili ko pero ng makita kong sinampal ni Ritz ng punit na stuff toy yung dalaga, di ako nakapagtimpi. Tumayo ako para ipagtanggol siya pero pinigilan ako ni Rambo.

"Wag ka ng lumapit, Dee."

"Duwag ka na talaga!" sumbat ko sa kanya.

"Alam mo, Dee, na kahit kailan hindi ako naging duwag," kalmado niyang tugon. "Kung tutulungan mo siya, hindi mo malalaman kung gaano siya kalakas. Tanga lang ang superhero na tutulong sa taong hindi naman humihingi ng tulong." Napakalma din ako ng mga sinabi nya. "Sa paningin natin mukhang nahihirapan siya pero tingnan mo syang mabuti, Dee. Kahit pa isa lang sya laban sa apat, kahit isa lang siya at pinagtutulungan ng marami, hindi mo makikita sa mukha niya ni sa mga mata niya na natatakot siya. Para bang sinasabi niya na hindi siya nag-iisa."

Mabuti na lang din at lumayo na ang grupo ni Ritz sa kanya. Kahit na binully na siya, nakangiti pa rin siya at yakap-yakap ang manikang pigtas ang isang kamay.

"Mabuti na lang zombie ka at di ka nasaktan. Di bale tatahiin na lang kita pag-uwi," wika ng dalaga. "Sa ngayon maligo na muna tayo, di na tayo makakapag-picnic. Kinuha na nila pagkain natin."

"Ang babae na yan, mas malakas pa siya kumpara sa ipinapakita nya," ani Rambo.

Nilapitan ko ang dalaga para tanungin kung okey lang siya.

Sa wakas! Pansinin na kaya ng dalaga si Dee? Abangan. Pero importante ngayon alam nyo na na hindi Ritz ang pangalan ng mami ni Didith zombie.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon