Miracle 13: Missing Andy

66 2 1
                                    

Miracle 13: Missing Andy

Kumusta na kaya si Andrea?

Mahigit na isang linggo na rin ang nakalipas pero wala pa rin akong nababalitaan na nagising na si Andrea. Masyado rin akong naging abala sa mga pagsubok na hinarap ko. Nawalan man ako ng panahon na balikan siya sa hospital, hindi naman ako tumgil na mag-alala para sa kanya.

Hindi ako sanay na makita siyang tahimik at nakapikit. Mas sanay akong tinitingnan ng mga mata niyang katulad ng kay Jollibee.

Parang may anong kakaiba sa loob ng hospital. May ilang mga nakaupong pasyente sa waiting area na parang nag-aabang ng bombang sasabog. Nandun pa rin ang mga police na nag-aabang sa paggising ni Andrea. Bakante ang information. Kahit saan naman ako tumingin ay may nakaguhit na tandang pananong sa ulo ng mga tao.

"Ate Mayet, siguro pwde na kong dumaan sa school ngayon para magpaenrol," wika ni Ms. Suplada habang palabas sila sa pinto ng isa sa OPD clinic ng ospital.

"As in ngayon na? After this?" tugon ng ate niya na halos kasing tangkad niya lang. "Di ka naman talaga excited nu?" pangiti niyang sinabi.

"Hindi naman sa ganoon, ate," depensya niya. Magkalapit lang din naman kasi ang hospital at ang school. "Saka," may pahabol pa."Namimiss ko na rin yung roof top ng school."

"O siya, alam ko naman kung bakit," sa tonong nang-aasar. "Lakasan mo ang sigaw ha, yung abot sa langit."

"Syempre," nagkasundo sila. Sabay nilang sinabi, "Ike! Ikuzo!"

Simula na nga pala ng enrolment. Sa wakas, 4th year na kami ngayong taon. Kung ibulong ko kaya kay Andrea yun baka maisipan na niyang matulog.

Paakyat ako sa kwarto ni Andrea ng sabayan ako ng mga pulis na nasa reception area kanina at siya namang pagsalubong sa amin ni Tata Bong. Sa mukha niya nandoon at naghahalo ang ekspresyon ng pagkalito at pag-aalala pati na rin ng pagod at puyat.

"Bumababa lang ako sandali para ikuha siya ng mainit na almusal, para makakain siya bago ko siya ipakausap sa inyo," bungad niya sa mga pulis. "pero, pagbalik ko, wala na siya sa kwarto nya."

Tumakbo ang mga pulis papunta sa kwarto. Wala silang inabutan doon kundi ang isang nurs na naguguluhan din sa biglaang pagkawala ni Andrea.

"Bakit nga ba iniwan kong mag-isa ang anak ko?" napahawak siya sa noo. "Paano kung binalikan siya ng kriminal para patahimikin? Isang linggo ko siyang hindi iniwan pero nagising lang siya naging pabaya na naman ako."

"Hanggang kailan nyo po ba sisisihin ang sarili nyo?" nilapitan ko siya. "Walang naninisi sa inyo. Alam ng asawa nyo at ng kambal nyo na mabuti kayong asawa at ama kaya magpakatatag kayo."

"Dan," hinawakan nya ko sa mga braso at ang mga mata niya ay tulad ng sa aso na humihingi ng pagkain. "Pakiusap hanapin mo si Andrea."

"Kanino mo pinapahanap ang anak mo?" pumasok sa eksena si Inspector Dandy. "Wag kang mag-alala, di pa siya nakakalayo." Inakbayan ng pulis si Tata Bong upang pakalmahin at bumalik sila sa kwarto ni Andrea.

"Wala pong senyales na nagkaroon ng struggle," report ng unang pulis. "Maging ang kumot niya ay maayos na katupi."

"Malaki ang posibilidad na nagkusang umalis ang pasyente pero may 1 porsyento pa rin may kumuha sa kanya."

"Wag maging kampante, team. Hanapin ang dalaga. Siya lang ang natitirang susi para malutas ang kaso na ito," inalerto ng inspektor ang mga tao niya at nagpulasan naman agad ang mga ito.

"Sinabi niyang nagugutom siya at gusto nya ng mainit na pagkain. Gusto kong maibigay ang hinihiling nya kaya di ako nagdalawang isip," tulala lang si Tata Bong na nakatingin sa ibaba. "Pinakiusapan nya kong bumili ng champorado kaya iniwan ko siya pero akala ko ayos lang ang lahat."

Nawala na ang pag-aalala ko dahil sa huling mga sinabi ni tiyo. Marahil hindi na lang din napansin ni Tata Bong dahil sa pagod pero si Andrea, hindi siya kumakain ng champorado. Sigurado ko dun.

Kung ganoon nasa malapit lang si Andrea. Pinlano nyang makatakas. Sinadya ng humingi ng champorado, para pag napag-isip-isip ng tatay niya na mula bata ay hindi na siya kumakain ng champorado ay huwag na itong mag-alala. Sinadya nga rin sigurong itupi ang kumot bago siya tumakas.

Isa pa,tiningnan ko ang kwarto, bakante ang taas ng mesa. Wala roon ang bagay na sana ay naroon.

"Pero, nang magising ang anak ko," nagpatuloy lang si Tata Bong. Nakikinig naman si Inspektor Dandy. "parang nagising siya sa isang masamang panaginip at wala siyang ibang sinabi kung hindi - Pinili ko si Dee. Maraming beses nya yong sinabi, paulit-ulit."

"Kung hindi ako nagkakamali, ang Dee na tinutukoy niya ay ang kaibigan niya at kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan ni ay Mr. Death O. Rizal, tama ba?" nanigurado muna ang matandang pulis.

Teka ako yun! Ano ang tungkol sakin? Bakit binabanggit ni Andrea ang pangalan ko ng ganun na lang?

"Oo, si Dee. Itinuring na rin namin syang pamilya at kaibigan siya ni Andrea," nakayuko pa rin si Tiyo habang nagsasalita. "Nandito siya ngayon," at tinuro niya ang direksyong kinatatayuan ko.

Ngunit ibinaba ng inspektor ang kamay ni Tata Bong at ipinatong ang kamay niya sa mga balikat nito, winika niya, "Alam ko malapit kayo sa kanya."

Agad namang bumalik ang isa sa mga pulis na naatasang maghanap kay Andrea.

"May ilang saksi pong nakakita ng dalagang lumabas ng hospital at may dalang teddy bear," ulat ng pulis na galing sa unang palapag.

"Ipagpatuloy ang paghahanap at protektahan ang dalaga," matatas na sinabi.

At naroon muli ang echo ng mga huling sinabi ng punong imbestigador. At tama ako, sabi ko na nga ba. Dala ni Andrea si Andy. Sigurado na ako kung nasaan siya. Pero ngayon parang nauunawaan ko na ang mga alingawngaw na naririnig ko. Parte ito ng nakaraan ko, mga alaalang nauulit na parang isang echo.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon