Miracle 20: Within Me

70 5 1
                                    

Miracle 20: Within Me

Eliry's POV

Madalas umaakyat ako sa rooftop at doon tatanawin ko siya na kumakain sa nag-iisang bench sa may lilim ng pine tree.

Nung elementary kami ay isang matabang lalaki at isang nakasaklay ang kasama niyang kumakain ng lunch sa bench pero nang nag-high school kami, isang dalaga na ang kasabay niya parati. Nalaman kong Andrea ang pangalan ng dalaga. Sa totoo lang nga may naririnig pa ko na pangalang Maylene.

Nang dahil sa selos, nagawa kong kausapin ng personal si Andrea. Naging mabait naman siya sa akin at nalaman kong ang tatay nya muna ang tumitingin-tingin kay Dee. Ikinuwento ko na rin kung sino ako, kung paano kami nagkakilala ni Dee at kung bakit hindi ko natupad ang pangako ko.

"Gusto mo tulungan kita para masabi mo yun?" naramdaman kong totoo ang pakikisimpatya niya. "Alam mo madalas nya ring binabanggit sakin ang kwento na yan at matagal siyang naghintay. Posibleng nakalimutan nya ang itsura mo pero hindi ang pangako nyo sa isa't isa," napaluha ako sa saya ng marinig ko ang mga ito. "Yun nga lang, Eliry, nitong mga huling buwan, hindi na niya yun nababanggit at tuwing ako ang nagbabanggit umiiwas na siya."

Natakot ako ng sabihin yun ni Andrea. Posible kaling napagod na rin siya?

"Wag na muna, Andrea," naduwag ako. "Pero kung okey lang sa iyo, may pabor sana ko."

"Walang problema, ano ba yun, Eliry?"

At mula nga noon, si Andrea na ang naging tagabigay ng sulat at greeting cards ko para kay Dee. Sa dressing room ng mga girls kami lagi nagkikita ni Andrea para hindi mahalata ni Dee. Minsan nga binigyan nga ako ng cellphone number ni Dee.

"Hi Eliry!" abot tenga ang ngiti niya ng lapitan ako. "Uy! may cell phone na kami ni Dee."

"Talaga??"

Kinuha ko ang numbers nila pero hindi ko pa rin tinawagan si Dee hanggang sa mga uling buwan na 2nd year hiskul ako. Bumalik ang sakit kong ilan taon lang pa lang nagpahinga. Muli akong bumalik sa hospital pero hindi na rin ako nagtagal doon.

Mayo ng ipagtapat sa amin ng doktor na kulang isang buwan na lang ang itatagal ko. Ayon sa doktor, traydor daw talaga ang sakit na dumapo sa akin. Sobrang lungkot nila Mama pero, ako, hindi ako nalungkot, matagal ko na rin namang tinanggap na maikling lang ang buhay ko. Salamat nga sa Diyos at pinahaba niya pa ang buhay ko. Kuntento na ko at masaya sa buhay na to. Isang bagay na lang ang kailangan kong gawin.

Kinausap ko si Mama at hiniling na ubusin ko ang natitira kong mga araw sa labas ng hospital.

Nagsulat ako ng walong bagay na gusto kong gawin kasama si Dee at tinawag ko yung "8 Great Times":

-gumawa ng gulong na duyan

-kumain ng mga bagong pitas na pakwan

-maglaro sa crane machine sa arcade

-magtanim ng acasia sa lumang simbahan kung saan tayo unang nagkita

-manghuli ng palaka sa sapa

-magpakain ng kambing

-maligo sa waterfalls

-umakyat sa rooftop ng school at sabay nating isisigaw ang mga pangalan natin

Nanginginig ako habang isinusulat ko ang planong ito at nag-ipon ako ng sapat na lakas para tawagan siya.

"Hello?" bumilis ang tibok ng puso ko ng sagutin niya. "Hello? Ayaw mo bang magsalita?"

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon