Miracle 8: Mud Frogs

161 6 4
  • Dedicated kay Monica Reyes Cabanding
                                    

Miracle 8: Mud Frogs

"Hindi kamatayan ang hangganan at hindi nito kayang pigilan anumang dakilang bagay na gusto mong gawin."

"Mahiyain talaga yun, kaya kung makita mo siya, wag mo na lang batiin o ngitian man lang. Naku, may sarili yong mundo," habilin ko kay Tablea.

Dahil pinatawag ako kahapon ni Tiyo Tet, kaya nandito kami ngayon ni Tablea sa maisan. Super malayong magkamag-anak si Tiyo Tet at si inay. Sa sobrang layo, hindi ko na makabisa kung panu nagkakonekonekta. Basta ang turingan namin, parang magkamag-anak talaga. May malawak na taniman at bukirin si Tiyo at ngayong araw na may bibisitahin siyang  kaibigan sa Sentro, pinakiusapan niya akong bantayan ang bahay at bukid niya, lalo na at malapit ng anihin ang mga mais. Gayun na rin ay tingnan ang nag-iisa niyang anak, si Justin, pitong taon ang gulang.

Si Justin ang pinag-uusapan namin kanina pa. Dahil siguro, walang kapatid, ulila sa ina at sila lang dalawa ni Tiyo Tet ang laging magkasama sa gitna ng bukid, ilag siya sa ibang mga tao.

"Kumakanta ba siya Dee?" ani Tablea habang nakaupo kami sa bangkong may sandalan sa lilim ng puno ng santol. Mula rito ay natatanaw naming mabuti si Justin na nasa taas ng puno ng bayabas at nagsasalitang mag-isa, paminsan-minsan ay tumatawa.

"Hindi, may kausap siya?" wika ka ko natili gumuhit ng tandang pananong sa noon ni Tablea.

"Pero wala naman siyang kausap," nilagay pa niya ang palad niya sa tapat ng kilay niya. "Wala talaga, Dee."

"Hindi mo nakikita syempre pero ang tawag dun ay imaginary friend. Simula pa noong 3 taon siya, lagi ng napapansin ni Tiyo Tet na may kausap siyang mag-isa."

"Hindi ba siya nasisiraan lang ng bait?" pagdududa ni Tablea.

"Pinatingin na siya sa doktor, ang sabi ay normal lang daw iyon sa mga batang may malawak na imahinasyon at higit, sa mga batang walang kapatid."

"Pero medyo matanda na rin siya para sa edad niya na 7 years old."

"Narinig mo na ba ang salitang 'novelist's eye'?"

Bahagyang napaatras si Tablea sa pagkakaupo. Tila nag-isip habang ang hintuturo niya ay nasa pisngi niya at nakatingin siya sa itaas. "Hindi pa. Hindi rin nga pamilyar sa akin yung term na iyon."

"Nabasa ko yun sa isang article sa magazine na ipinublish sa school. Sabi, ang novelist's eye ay isang espesyal na katangian kung saan ang isang tao ay nakakakita ng mga nilalang, tao man o bagay, na hindi naman talaga nag-eexist."

"Baka ibig mong sabihin ay third eye."

"Maari," ani Dee. "pero sa nabasa ko, ang third eye ay paranormal, kung saan nakakakita ka ng ispiritu. Ang novelist's eye ay nakakakita ka bg mga bagay na bunga ng malawak na imahinasyon."

"Kaya siguro novelist's eye, karamihan ng mga novelists mayroon noon."

"Tama," pag sang-ayon ni Dee. "Kadalasan daw itong nararanasan ng mga nobelista o kahit ng mga manga artists, kung saan sanhi ng malawak nilang imahinasyon, ang mga characters na inimbento nila ay tila nabubuhay sa realidad," tiningnan niya ang dalagang interesadong nakikinig sa kanya. "Dahil doon, mas lalong nagiging makatotohanan ang mga karakter, at tila nagkakaroon sila mismo ng sarili nilang anyo, ugali at katauhan."

"Ang galing," namilog na naman ang mata ni Tablea habang sinasabi ito. "Posible kayang may ganoon si Justin?"

Dalawang beses namang tumango si Dee at hinaplos ang lalamunan na tila nauhaw.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon