Miracle 6: Didith Zombie

171 6 2
                                    

Miracle 6: Didith Zombie

"Masarap sigurong kumita ng milyon kada buwan kaso tingin ko, hindi magandang mag-ipon ng mga kayamanang hindi ko naman madadala pag namatay ako."

"KALABASA?!"

Natatawa ako sa sarili ko habang naiinis naman si Tablea.

"Kalabasa ang pasalubong mo sa akin?!" parang lahat ng sinasabi niya ay may kasunod na maraming question mark at exclamation point.

"Ou, kalabasa. Alam mo ba na mayaman yan sa beta-carotene na pre-cursor ng Vitamin A. Nakakatulong yan para maiwasan mo ang sakit na tinatawag na night blindness." Walangya. Daig ko pa nagdedefend ng thesis nito. "Saka alam mo ba yung alamat ng kalabasa? Noong unang pana-"

Bigla niyang pinitik ang ilong ko.

"Hindi ko tinatanong ang alamat ng kalabasa. Ang tinatanong ko, bakit yun ang pasalubong mo? Mukha ba kong hamster?"

"Sorry, Tablea," tumigil na ko sa pagpapalusot. "Kasalanan ko, nakalimutan ko." Kasalanan ko naman talaga dahil nawala sa isip ko nung nakausap ko si Lola Sapa. "Sige babawi na lang ako sa susunod."

"Wala ng susunod. Hindi na ko hihingi ng pasalubong sayo, kahit kailan. Never," mabigat ang pagkasabi niya ng never habang ang mga kamay niya ay nakrus sa kanya dibdib.

"Punta tayo sa ilog bukas, gusto mo?"

Nagsusungit pa rin siya kahit hindi bagay dahil sa amo ng kanyang mukha.

"Sa Sentro?"

Wala pa rin pagbabago sa reaksyon ng mukha niya.

"Kung sa Mall kaya?"

Nang marinig niya ang mall. Biglang lumapit ang mukha niya sa akin at ang mga mata niya'y bilog na bilog at nagniningning.

"Mall?" latang lata akong napatanong sa sarili ko. Panu na ang budget ko neto? Babawiin ko sana pero nakita kong parang masaya siya. Parang pachinko ang mata niya na nakajackpot ng marinig ang mall.

Yung ang eksena kahapon kaya kami nasa mall ngayon. Magtatanghali na rin kami nakarating dahil tatlong oras ang byahe papunta sa pinakamalapit na mall mula sa baryo.

Araw ng Sabado kaya matao sa mall. Karamihan ng mga nakikita ko ay nanay kasama ang anak nila na namimili ng school supplies para sa nalalapit na pagbubukas ng school year.

Nagsimula na kaming maglibot sa mga stores na nasa loob ng mall. Ang dami talagang makikitang kakaiba dito. Masasabi kong sa mall mo makikita karamihan ng mga bagong usbong na ideya ngunit sa kabilang banda, hindi ko alam kung makatao pa rin ang presyo ng mga paninda dito. Masarap sigurong maging may-ari ng mall. Masarap sigurong kumita ng milyon kada buwan kaso tingin ko, hindi magandang mag-ipon ng mga kayamanang hindi ko naman madadala pag namatay ako.

Biglang huminto si Tablea sa harap ng isang clothing store. Tiningnan niya ang isang yellow t-shirt na nakadisplay. Pumasok kami sa loob para mas lalo niyang masuri yung t-shirt at nilapitan kami ng isang mestisang sales lady.

Hindi ko siya kaagad nakilala. Not until nung nakita ko ang name tag na suot niya: Maylene.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Natatandaan nya pa kali ako?

Si Maylene ay schoolmate ko. 1st year hiskul ako noon at 4th year naman siya. Crush na crush ko siya noon. Ang tulay ko pa noon sa kanya ay si Facundo. Tuwang-tuwa kasi siya pag nakikita niya si Facundo kaya sa kanya ko pinaaabot ang mga bulaklak na pinipitas ko para kay Maylene. Alam naman niyang ako ang nagpapabigay noon kaya tuwing makikita niya ako ay nagpapasalamat siya. Yun nga lang, tingin ko, kapatid lang ang turing niya sa akin.

Death by Tablea [Yatnihihgan]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon