Bleu's POV:
'Di ako makapaniwalang kailangan kong tiisin matapos ang whole semester para makalayo ako sa lalaking 'yon.
No, wala na akong planong sabihin sa kanya ang ipinagbubuntis ko, maybe not now? Hindi ko alam... Base sa naging reaksyon niya palang kahapon while we were talking about sa nangyari sa amin, he look disgusted na para bang ang laking kasalanan ng nangyari sa amin...
He told me na may nag utos sa akin tapos may kumalat na pictures namin at isinisisi niya sa akin? What the fck!?
Bakit ko 'yln gagawin sa sarili ko?
Galit na galit siya na may nangyari sa amin, how much more 'pag nalaman niyang nag bunga 'yong ginawa namin?
Kabanas. Now, kailangan ko harapin 'to ng mag-isa, ang alam ko lang ay kailangan ko 'to itago hanggang sa grumaduate ako.
"Boo!"
Muntik akong matumba sa gulat nang may biglang sumulpot sa harap ko, napahinto agad ako sa paglalakad.
"Aray! Aray! Joke lang eh! Aray!"
Hinampas-hampas ko siya ng malakas, kasi pa'no kung natumba nga ako kanina? 'Yung pagbubuntis ko, it wasn't planned o ginusto ko... It was an accident pero walang kasalanan ang bata, I need to take care of it.
"Ba't ka kasi nanggugulat ha?"
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang hilahin niya ako ng mahina palapit sa kanya, inis akong napatingin sa kanya saka siya napaturo sa may harapan ko kaya napatingin ako doon.
"Tinitignan kita kanina pa, lutang ka maglakad, kung hindi kita ginulat baka nabunggo ka na sa posteng 'yan... ", nakaturo pa rin sa posteng muntik ko na mabangga kanina buti nalang hinila niya ako.
Inirapan ko siya tapos hinampas ulit.
"Aray! Oh bakit?", hinimas niya 'yong braso niya na hinampas ko.
"Pwede naman kasi sabihin sa akin ng maayos diba? Kailangan manggulat?"
Inismidan niya ako.
Hindi obvious pero I'm talking with a friend right now, kaibigan ko simula high school palang, si Dave.
We're both majoring in Airline Operations pero magkaiba schedules ng ibang subjects namin kaya hindi kami magkasama minsan ever since nag college kami, pero kahit iba-iba schedules namin ay hinahanap ako ng gago na 'yan para lang bwis*tin ako, katulad ngayon.
"Kumain ka na ba?", tanong niya.
"Wala akong gana.", sagot ko pero sa totoo lang kumain na ako sa bahay bago nag punta ng University.
"Walang gana ka diyan, kailan ka pa nawalan ng gana sa pagkain? Jino-joke time mo ako."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Seryoso ako."
"Ba't ang sungit mo ngayon? Meron ka ba?", natatawa niyang sabi.
Sana 'yon talaga ang dahilan kaya lang hindi T_T I've been having mood swing simula nang mabuntis ako, minsan matakaw ako, minsan wala akong ganang kumain.
Napatingin ako sa mukha ni Dave, ang sarap kagatin ng pisngi niya.
Naiinggit ako sa lalaking 'to, maputi siya tapos 'yong maputi na makinis? Sa sobrang kinis ng balat niya parang porcelana, 'yong mukha niya ang kinis walang ka pores-pores... His pinkish cheeks and his natural rose-colored lips, mahahabang pilik mata, brown eyes pa tapos ang tangos sobra ng ilong, hindi lang 'yan... Pinagpala rin sa height... Kaya lang ambobo minsan pero, ipaglihi ko kaya sa kanya magiging anak ko? Kahit kumukulo lagi dugo ko sa lalaking 'to, 'di ko naman maipagkakaila na maraming nagkakagusto sa kanya kasi he's both pretty and handsome...
BINABASA MO ANG
Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)
Fanfiction(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pregnant and that man turned out to be her Professor.