Bleu's POV:
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Dave na buntis ako, tinanong ko siya kung kailan niya pa nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ko pero he passed out.
No'ng palabas na kami sa club sa tulong no'ng isang lalaki na nagtratrabaho doon, may mga nabangga pa kami dahil sa sobrang likot niya.
Pati papasok sa condo niya ay kailangan ko humingi ng tulong kasi 'di ko siya kayang buhatin.
'Di ako mapakaling napaupo sa kama ni Dave habang nakatingin sa kanya, kailan niya nalaman?
Biglang tumunog 'yong cellphone ko at nakitang tumatawag si Manang Cynthia, siguro nag-aalala na sa akin si Manang kasi hindi pa ako umuuwi, kung kaya't sinagot ko ang tawag agad.
"Manang?", sagot ko sa tawag.
[Iha? Sa'n ka na?]
"Ah manang nasa condo po ako ni Dave, uuwi rin po ako agad mamaya."
[Kasama mo na pala si Dave? Sasabihin ko sana na andito 'yan sa bahay kanina, sabi ko pauwi ka na ng school no'n kaya pinaantay ko sa loob ng kwarto mo kasi mahilig 'yon sa gummies diba? Marami ka kasi no'n sa kwarto mo.]
Nanlaki ang mga mata ko.
Did he found out today? He probably checked my drawer para tignan if natapon ko na 'yong litrato.
"Ahh sige Manang, kasama ko na po ngayon. Text nalang po ako 'pag pauwi na ako"
Hindi ba siya pumapasok dahil sa nalaman niya? Pero kung ngayon niya lang nalaman ang tungkol sa pagbubuntis ko, ano talaga ang totoong dahilan ng hindi niya pagpasok ng iilang araw?
Zane's POV:
I'm currently checking some test papers from the surprise quiz this morning, dapat bukas ko pa eche-check kasi ipagluluto ko dapat ngayon si Bleu kaya lang may emergency daw.
I stopped asking Bleu to check the test papers for me, hindi ko na siya mautusan ng gano'n kadali kasi noon ginagawa niya agad, pero ngayon ang tapang na sagutin ako. Tsk.
I felt my phone's vibration in my pocket, kinuha ko 'yon at tinignan.
Why is Zach calling?
"Mmm?", sagot ko sa tawag.
[Dude, sa'n ka ngayon?], bungad niyang tanong.
"Home? Bakit?"
Bigla ko narinig tawa niya sa kabilang linya, lasing ba 'to?
[Si Bleu?]
Kumunot noo ko.
"Ba't mo hinahanap?"
[I think I saw her sa club kung saan ako ngayon.]
Binitawan ko 'yong ballpen na hawak-hawak ko at naupo ng maayos;
"Impossible, she called me earlier at sabi niya may emergency... "
[Talaga? Nabangga ko pa nga kasama niya kanina, naka-uniporme rin siya.]
"Kasama?"
[Yeah, lalaki... Gwapong lalaki.]
Kahit hindi ko nakikita ay alam kong nakangisi si Zach sa kabilang linya.
[Lalapitan ko sana but then I thought na baka makadisturbo ako, hawak-hawak kasi no'ng lalaking kasama niya ang kamay ni Bleu.]
Napasandal ako sa inuupuan ko.
May sasabihin pa sana ulit si Zach nang patayin ko ang tawag, I dialed Bleu's number.
Pero hindi niya sinasagot.
BINABASA MO ANG
Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)
Fanfiction(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pregnant and that man turned out to be her Professor.