Bleu's POV:
Nung nakaraang araw pa ako parang t*nga. Bigla nalang ngingiti kasi sumasagi nalang sa isipan ko biglaan 'yong kabaliwan na ginawa ko, hindi ko naman 'yon first kiss pero kilig na kilig ako, hindi rin naman ako magtataka kung ba't ako kinikilig, ang pogi kaya ni Ampa.
Bumaba ako galing sa kwarto ko papuntang kusina para kukuha sana ng makakain sa fridge, oh diba? Kakain na naman ako.
Hindi naman ako excited pumasok noon pero hindi na ako makapag-antay para bumukas kasi first subject ko si Ampa, enebe hahahahha
Nawala 'yong ngiti ko nang makita sa dining table si Mama at Papa na kumakain. Minsan ko lang makita sila Mama at Papa sa bahay, it's either nasa business trip sila o buong hapon andoon sa trabaho nila. Nakakasama ko lang sa bahay lagi ay si Manang Cynthia tapos 'yong dalawa pa naming kasambahay.
Ba't 'di ako na-inform na nakauwi na pala sila Mama?
Napatingin silang dalawa sa akin nang palapit ako, napapalunok ako ng laway, kita mo bahay namin 'to, dito ako nakatira at mga magulang ko itong kaharap ko pero I feel like they're strangers rather than my parents, there's always this distance between me and them.
Nag-mano ako sa kanilang dalawa.
Tinignan ako ni Papa mula ulo hanggang paa kaya napaupo ako agad.
"I guess you're eating well, you look healthier compared to the last time that I see you.", sabi niya.
"Ah opo.", awkward kong sagot. One month and a half pa lang naman akong buntis, halata na ba masyado? O baka dahil tumataba talaga ako sa takaw kong kumain?
Dapat kukuha lang ako ng makakain sa fridge pero naupo ako kasama nila Mama sa dining table.
"How's school? You're staying away with those 'friends' of yours, right? Just like what I told you to do?", Papa.
Napatingin ako saglit kay Mama. Dad is talking about Sam, Eric and Tricia.
"Kasama ko sila sa isang subject, there's no other interactions other than that. I'm doing just fine sa school, don't worry.", sagot ko.
"You're not dating anyone, aren't you?"
"No.", mabilis kong sagot.
"Good. You know that I'm not stopping you from dating anyone but you need to tell me before I hear it from someone else. "
Huminto siya sa paghihiwa no'ng steak niya at tumingin sa akin.
"... I don't want you to mess up and just date anyone... Katulad ng dati."
I suddenly felt very uncomfortable. God knows I hate talking about that, it's something I've always wanted to erase in my memories.
"Have you eaten?"
Napatingin ako kay Mama nang magsalita siya, gusto kong pasalamatan siya ng bongga sa pag-iba ng topic.
"Opo, bumaba lang ako para uminom ng tubig.", sagot ko.
"I see, go get your water na. Do your school related works and rest early, may pasok ka pa bukas."
Senenyasan ako ni Mama na tumayo na at gawin 'yong sinabi niya.
Napalipat ako ng tingin sa kanya tapos kay Papa, hindi na nakatingin sa akin si Papa, he continued eating kaya tumayo na ako.
Kumuha ako ng tubig kahit hindi naman talaga 'yon ang binaba ko dito kundi pagkain.
"Aakyat na po ako.", para talaga akong santa 'pag nasa bahay sila Mama at Papa.
"Go ahead.", nakangiting ani ni mama sa akin.
BINABASA MO ANG
Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)
Fanfic(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pregnant and that man turned out to be her Professor.