Chapter 9:

5K 151 6
                                    

Bleu's POV:

Nasa labas ako ngayon ng classroom ni Dave, nasa section Alpha siya at hindi katulad ko na palipat-lipat ng classroom, apat sa subject ni Dave ay nasa iisang classroom lang kaya mabilis lang siya hanapin.

Inaantay kong matapos klase niya para makausap siya kasi simula no'ng nag walk out siya sa bahay namin 'di ko na nakita, busy ako kakaharot kay Ampa kaya nakalimutan kong nagtatampo pala sa akin ang lalaking 'to.

Naupo ako doon sa bench malapit at kaharap ng classroom niya, nakikita kong nagpapaalam na 'yong Professor nila.

Ang tiyan ko mag 3-three months na kaya hindi na ako nagsusuot ng medyo fit na damit, mostly oversized na damit kasi mahahalata mo na talaga 'yong bulk ng tiyan ko, okay lang sana kung malaki ako kasi mapagkakamalan na bilbil lang 'yon pero kasi 'yong bulk ng tiyan ko ay hindi nababagay sa katawan ko.

Napapansin na nga ng mga kaibigan ko ang pag-iiba ng style ng pananamit ko eh. Sabi nila ang rami raw nagbabago sa akin tapos kung anu-ano nalang nirarason ko.

Napatayo ako nang makitang wala na pala  'yong professor nila, mukhang kanina pa nakalabas hindi ko lang napansin kasi occupied ang utak ko.

Nasa loob pa rin sila ng classroom, mukhang magsisimula agad next class nila kaya habang wala pa 'yong next subject teacher nila ay nagmadali akong pumunta doon.

Hindi ko makita si Dave mula sa labas kaya kahit nakakahiya ay sinilip ko ang ulo ko sa loob at hinanap siya.

"Ui! May chix! May chix!"

"Kaninong jowa 'yan?"

"Kilala ko 'yan!"

Halos lahat sila ay lalaki, mabibilang lang ata sa kamay ang mga babae.

Lumapit sa akin 'yong lalaking na may sabi na kilala niya raw ako.

"Diba ikaw 'yung ex ni Dave? Hinahanap mo ba siya?", tanong niya.

"Aba iba talaga 'tong si Dave, jinowa na ata lahat ng magaganda sa LSPU  hahahah.", rinig kong sabi nung isang lalaki.

Anong ex? Asa naman.

"Nasan ba siya?", tanong ko kasi 'di ko mahanap sa loob.

Biglang may tumayong babae at lumapit sa amin.

"Bakit mo hinahanap boyfriend ko?", mataray niyang tanong.

Boyfriend?

Ay teka, ito ba 'yong na kwento sa akin ni Dave noon? Pinakamaganda raw sa section nila...

Simula no'ng nag 3rd year college kami ni Dave, hindi na kami gano'n na nagsasama kasi iba sections namin kaya hindi alam ng iba na mag-bestfriend kami.

"Ano... may ibibigay lang ako.", sabi ko tapos napatingin doon sa dala-dala kong paper bag na may lamang lunch na luto ko sa tulong ni Manang Cynthia syempre, paborito ni Dave, pumunta nga ako dito para makipag-ayos.

Masamang napatingin ang babaeng kaharap ko sa dala-dala ko saka sa akin.

"Di mo ba narinig sinabi ko? He's my boyfriend. What's your motive? Ano 'yan?", taas kilay niyang sabi.

"Lunch lang, ibibigay ko sa kanya."

Ang awkward naman nito, tahimik kaming pinagtitinginan nang ibang mga kaklase ni Dave kasi nakikinig sila sa pinag-uusapan namin ng babaeng 'to.

"And why are you giving my boyfriend a lunch? Talagang sa harap ko pa?"

Ilang ulit niya ba sasabihin na jowa niya si Dave, para namang hindi ko narinig.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon