Chapter 17:

5.2K 140 21
                                    

Bleu's POV:

Andito na naman kami ni Ampa sa resto ng kaibigan niya para kumain. 'Pag kinasal kami chossss advance? Hahaha pero 'yon nga, kung ikakasal kami sino 'yong taga-luto?

Palagi kaming dito kumakain pero ngayon ko lang napansin na walang pangalan ang resto ng kaibigan niya. Matagal ko ng napapansin nabibilang lang sa kamay 'yong mga kumakain dito and it might be because na nasa tagong lugar ang resto, kaya nga dito ako lagi dinadala ni Ampa, hindi ba siya nalulugi? Masarap pa na man ang mga sene-serve nila dito, I can guarantee that.

Isa pa, ilang ulit na nakwento ni Ampa sa akin 'yong kaibigan niya pero never ko pang nakita once.

"Hindi ba nalulugi kaibigan mo kasi nasa tagong lugar 'tong restaurant niya? Walang masyadong kumakain.", tanong ko kay Ampa.

Doon kami nakaupo ulit sa table kung saan kami noong first time naming punta dito, nag-aantay sa order namin.

"He doesn't care.", sagot ni Ampa.

"Huh? Ano 'yon trip niya lang?", natatawa kong sabi pero tumango si Ampa kaya natigilan ako... SERYOSO!?

"Seriously? Gano'n ba siya kayaman?"

"He's a young millionaire in his 20's, this restaurant was a gift from his grandfather kaya inaalagaan niya."

Napanganga ako.

"How young is he?"

"21"

Mas lalo akong napanganga tapos napatakip pa ako sa bibig ko. 21!? Jusko! Tapos ito ako, 20 years old at isang daan lang laman ng wallet!

Pati mga kaibigan ni Ampa hindi ko ka-level dzae.

I find it fascinating tho, kasi ang laki ng age gap nila pero they're friends. That's really cool.

May itatanong pa sana ako nang biglang parang napatingin si Ampa sa likuran ko, babae ba tinitignan niya?

Napalingon ako and yes, nakatingin nga siya sa isang babae... A woman with a child.

Binalik ko tingin ko sa kanya.

"Mahilig ka ba sa mga bata?", tanong ko.

Napangiti siya at tumango, ando'n pa rin siya nakatingin sa mag-ina.

Napangiti rin ako. Ganyan rin kaya magiging ngiti mo sa oras na malaman mong buntis ako?

"I haven't told you this, kaya mag-isa lang ako sa bahay because my parents is divorced. May kanya-kanyang pamilya na sila. My Father is in the US with his new wife, my Mom often goes to one place and another with her new family, but she's in Baguio right now so I'm left alone sa bahay na kaming tatlo dati ang nakatira."

He suddenly opened up while smiling pero kitang-kita ko ang paglungkot ng mga mata niya.

I have always wondered kung bakit mag-isa lang siya sa bahay, at kung bakit wala ang pamilya niya... Mag-isa nalang pala siya.

My life is way better than him kasi kasama ko pa rin naman sila Mommy at Daddy kahit wala sila palagi sa bahay.

"Yong Dad ko ang unang nagloko, nang iwan niya kami ni Mama ay nalungkot ako... But you know what? The sadness didn't last for long dahil kay Mama. Mas nalungkot ako nang dumating ang panahon na si Mama naman ang nang iwan sa akin, I still feel lonely hanggang ngayon."

Biglang sumagi sa isip ko si Laine. She's still so young and then she had to go through all of that.

"They call me time to time para kumustahin ako but it's never enough, I feel so alone."

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon