Bleu's POV:"Manang, half day lang ako ngayon kaya sasamahan kita.", kausap ko kay Manang sa kabilang linya.
[Naku iha, 'wag ka ng mag-abala, kaya ko naman.]
Natuwa ako kay Manang.
"Okay lang talaga Manang, no worries. Deretso nalang ako sa Mall para doon na tayo magkita."
Mag gro-grocery kasi ngayon si Manang, noon kasi sinasamahan ko siya lagi tapos lately since palagi kong kasama si Ampa ay 'di ko na siya na sasamahan, babawi lang.
Binaba ko na 'yong tawag nang tapos na kami mag-usap ni Manang.
Wala si Ampa ngayon sa University kasi Thursday tapos may lakad raw siya.
Lately, parang may rumors na kumakalat tungkol kay Ampa sa University, napapansin ko rin 'yong mga tingin ng ibang estudyante sa kanya tapos may halong bulong. Mukha namang walang pake si Ampa kaya hindi na ako naki-chismis no.
Nagpunta ako ng CR kasi naiihi ako, mag-aayos rin ako ng kaunti bago pumunta ng Mall.
"Ahhhhhhh 'di talaga ako makapaniwala. Kainggit naman!"
"Wala namang confirmation, 'wag kang maniwala tapos wala siyang suot na singsing, diba? Hindi siya kasal."
Kumunot ang noo ko, may kakapasok lang sa CR, dalawa ata 'to. Rinig na rinig ko sa cubicle chismis nila.
"Haler?! Baka tinatanggal niya lang sa University."
"Sino ba pinag-uusapan niyo?"
Yumuko ako habang nakaupo sa cubicle at sinilip kung ilang babae ang nasa labas.... Tatlo pala.
"Di mo pa naririnig? Akala ko ba crush mo si Prof Arden tapos late ka na sa balita."
"Ano ba 'yon?"
Napantig ang mga tenga ko, Prof Arden? Si Ampa?
"There are rumors going around na he's married at buntis ang asawa niya."
Nanlaki ang mga mata ko, I almost gasped kaya napatakip ako sa bibig ko.
"He is!? Seryoso? Hindi ba 'yan fake news? Sa'n niyo naman narinig 'yan? Sino ang asawa?"
Ako ba tinutukoy nila? Teka.... Sa'n nila nalaman, nabuking ba kami?
"The wife visisted him sa office niya few days ago and it's obviously pregnant kasi malaki ang tiyan, sabi ni Romeo 'yong galing sa section Delta? Siya 'yong naghatid nung wife sa office ni Prof Arden."
Wait, they're not talking about me.
"Ano raw itsura ng babae beh?"
"Puti raw sobra tapos matangkad parang model, ang ganda-ganda raw... As in ka-level raw ni Prof Arden."
"Awwww sayang naman. Kahit ang raming takot kay Prof, marami rin may gusto sa kanya dito sa Uni... Isa na ako doon!"
BINABASA MO ANG
Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)
Fiksi Penggemar(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pregnant and that man turned out to be her Professor.