Chapter 3:

7.1K 209 9
                                    

Bleu's POV:

Tatlo lang 'yong subject ko ngayong araw, kaya medyo masaya ako kasi stress free, ang dami kasing gawain kahit kasisimula lang ng semester, might be because I'm graduating.

Buti nalang talaga hindi ako nabuntis no'ng 1st semester kung saan OJT namin kasi kawawa naman si baby ko na andito sa tummy ko ngayon, baka ma stress rin katulad ko. 'Yong kasama ko talaga mag-inuman no'ng gabing 'yon sa club ay 'yong mga nakasama ko sa OJT.

"Ano ba 'yan, ba't ang layo naman nito? Ang init-init ng panahon, ayokong mag-jeep!", reklamo ko nang matanggap ko na 'yong mensahe galing kay Ampalaya kung saan kami magkikita at eme-meet 'fiancee' niya, kadiri.

"Hoy, besh! Sa'n ka? Kanina ka pa namin hinahanap! Arcade daw tayo, sama ka?", sigaw ni Sam nang magkita kami sa labas ng University.

Hindi niya kasama si Eric at Tricia, mukhang nauna na ata sa Arcade.

"Kailangan kasi ako sa bahay, sa susunod nalang! Promise! "

Napasimangot si Samantha.

"Sige, gets ko naman, next time ah?"

"Oo nga, promise."

Nginitian ako ni Sam tapos pumara na siya ng jeep saka sumakay.

Takot kasi sila 'yan sa mga magulang ko kaya 'pag rason ko kailangan ako sa bahay,  walang kibo ang mga 'yan at hahayaan lang ako.

Sinusundan ko ng tingin 'yong mga jeep na dumadaan, nagdadalawang isip ako kung sasakay ba ako o hindi, kasi ang init tapos siksikan T_T hindi naman sa maarte ako pero ewan ko ba, hindi ko alam if dahil 'to sa pagbubuntis ko pero ang dami kong reklamo mostly sa lahat ng bagay.

Nakita kong may palapit na taxi, pinara ko 'yon. Bahala na, si Ampalaya magbabayad ng taxi fare.

Ang alam ko lang sa loob ng isang coffee shop kami magkikita, binigay ko sa taxi driver 'yong address. Menessage ko si Ampalaya na antayin niya ako sa labas kasi baka kunwari mawala ako, kaya ko lang talaga gusto antayin niya ako sa labas eh para siya magbayad ng taxi hahahaha

Tama bang nag taxi ako? Hindi ko type ang amoy dito, nakakahilo.

Buong biyahe, parang tanga akong nagdadasal na sana makarating na kami kasi nga nakakahilo 'yong amoy ng taxi, nasusuka ako!

Nang mapansin kong malapit na kami sa, Espresso Express— 'yong coffee shop kung saan magkikita kami ni Ampalaya, ay napatingin ako agad sa labas, nakita ko siya sa may gilid at nakatayong nag-aantay, masunurin naman pala hahahah kahit na sirang-sira 'yong mukha niya habang nakatingin sa relo niya.

'Yong mga babaeng dumadaan, napapatingin sa kanya tapos siya walang pake, kasi mukhang kasing init na ng panahon 'yong ulo niya kakaantay sa akin.

"Kuya, doon ka huminto sa harap no'ng lalaki.", sabi ko sa driver.

"Yan po bang pogi na naka polo na itim?", tanong ng driver.

Pogi? Pwe!

"Opo kuya, 'yong lalaking naka polo na itim without the word pogi.", sabi ko at napairap ng patago.

Hindi si Kuya driver iniirapan ko ha? Just the thought na pati si Kuya driver napopogian sa kanya ay mapapairap ako sa inis, kasi truth hurts!

Hininto ni Kuya driver 'yong taxi sa mismong harap ni Ampalaya kaya napaatras siya, natawa ako sa mukha niya eh, akala niya sasagasaan siya hahahahha

"Kuya, teka lang ah? Siya magbabayad.", sabi ko sa kanya sabay turo kay Ampalaya, ngumiti naman si Kuya.

Bumaba ako sa kotse at grabe ang Ampalaya na 'to kung makatingin! Parang jinu-judge buong pagkatao ko!

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon