Chapter 8:

5.6K 199 7
                                    

Bleu's POV:

Kanina pa ako nakatulala dito sa library, feel ko talaga sasabog na utak ko dahil sa midterm.

Madali lang naman midterm exam ni Ampa para sa akin, siguro dahil pinag-aralan ko talaga ng sobra-sobra subject niya, Hello? Ayoko naman mapahiya scores ko, jowa ko 'yong subject teacher dapat galingan ko.

Tatlong exams nalang ang hindi ko nate-take at lahat 'yon ngayong araw magaganap kaya nasa library ako ngayon pinipiga utak ko.

"Alam mo? Nabwi-bwiset ako sa mukha mo, alis ka nga diyan.", mahina kong sabi kay Dave at hinagis sa kanya ballpen ko.

Sinamahan niya ako sa library pero hindi ako tinutulungan, nakaupo lang siya sa tapat ko tapos patagong kumakain o 'di kaya tititigan lang ako sa mukha para inisin ako, porket wala na siyang pinoproblema kasi tapos na lahat exams niya.

"Say ahhhhh.", pang iinis niya sa akin, ginagawa niyang eroplano kunwari 'yong fries tapos akmang isusubo niya sa akin tapos siya pala kakain, w*langhiya.

"Diet nga ako! T*nga!", sabi ko sabay sipa no'ng tuhod niya sa ilalim ng mesa kaya napa sigaw siya ng malakas.

"Shhhhhh!", galit na saway nung librarian sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at tinaasan ko siya ng kilay, ba't kasi ako iniinis.

"Diet ka diyan, lumaki ka nga eh."

Napatingin ako sa kanya.

"Halata ba?", tanong ko.

"Hindi siguro mahahalata ng iba pero matagal na kitang kaibigan kaya mapapansin ko agad. Malakas ka rin naman kumain noon pero hindi ka naman lumalaki. Tell me, hindi ka ba stressed or something? May kilala kasi ako noon na kain siya ng kain to ease her depression hanggang sa tumaba siya ng sobra at mas lalo lang siya na-depress. Hindi ka naman siguro prene-pressure ni Tito diba?"

Kaya niya ba ako bwini-bwiset kasi akala niya stressed o depressed ako? Ganyan 'yan si Dave eh, imbes na e-comfort ako 'pag may problema ako ay inaaway niya ako, iniinis ako ng sobra para raw mapunta sa kanya atensyon ko at hindi sa mga problema ko.

"Wala. Pressure at stressed naman talaga tayong lahat lalo na't pa-graduate na tayo. Okay lang ako.", sagot ko lang sa kanya.

Hindi ko talaga alam kung hanggang kailan ako magsisinungaling kay Dave, 'pag lumubo 'tong tiyan ko ng lalo, alam kong mabubuking niyan ako agad.

Nahihirapan na rin talaga ako sa sitwasyon ko ngayon, gusto kong may mapagsabihan. Sabihin ko kaya kay Dave? Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko siya, pagagalitan niya ako pero I can just swallow it. Ilalabas ko lang sa kabilang tenga.

"Sigurado ka?", parang hindi naniniwala sa akin niyang tanong.

Nahagilap ng mga mata ko bigla si Ampa na papasok sa opisina niya, hindi niya ata ako nakita.

Dalawang araw ko na siyang hindi nakakausap after no'ng midterm exam niya kasi busy ako sa pag-aaral tapos busy rin siya sa gawain niya bilang guro, namimiss ko na siya, kaya rin dito ako tumambay sa library eh para makita ko siya.

Pinasok ko sa bag ko 'yong mga gamit ko at nagtatakang napatingin sa akin si Dave.

"Sa'n ka?", tanong niya.

"Alam mo? Mag-jowa ka na para naman hindi ka na lonely at may iba ka ng pro-problemahin maliban sa akin, okay? Goodluck.", huling sabi ko kay Dave at ginulo buhok niya saka ako nagmamadaling pumunta sa opisina ni Ampa.

Sinigurado ko muna walang nakatingin sa akin bago ako kumatok;

"Yes?", rinig kong sabi ni Ampa sa loob.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon