Chapter 16:

5.1K 151 10
                                    

Bleu's POV:

Nasa ospital ako ngayon kasi sinamahan ko si Manang Cynthia magpa-check up kasi lately nga diba? Nahihirapan siyang tumae hahahah 'di ko dapat pagtawanan pero kasi last time doon sa Mall sabi niya hindi sanay pwet niya if hindi raw sa bahay pero pag-uwi namin noon nahihirapan pa rin siya.

Sinabihan ko na siya na pacheck up na namin pero palaging na po-postponed at finally, since wala akong pasok ay ngayon na namin ginawa.

Palakad-lakad ako sa kung saang sulok ng ospital kasi kausap ni Manang 'yong doctor, naghahanap talaga ako ng vending machine kanina pa pero 'di ko makita. Pwede naman ako magtanong eh kaya lang nahihiya ako, sh*ta.

"Ayun!", tuwang-tuwa kong sabi habang nakaturo pa doon sa vending machine.

Syempre kahit na-excite akong makita ang vending machine ay hindi ako tumakbo baka madulas ako.

Paglapit ko sa vending machine ay may nakasabay ako, I was quite surprise nang makita sila.

"Kevin? Ba't nasa ospital kayo?", tanong ko sa kanya sabay napayuko ng tingin kay Laine, 'yong anak niya.

Gulat siyang napatingin sa akin.

"Ui, ba't ka andito? May sakit ka ba?", tanong niya.

"Wala, baka ikaw.", sagot ko.

"Dad, it's that pretty lady who saved me last time.", biglang sabi ni Laine na nakaturo sa akin, napangiti ako.

Nag-squat ako para maging kasing tangkad ko si Laine.

"Hi, Laine. Ako nga 'yon."

Napatingin sa akin si Laine na parang 'di niya ako naintindihan.

"She only speaks english.", saad ni Kevin.

Nakanganga akong napatingin sa kanya. Nakalimutan kong foreigner pala nanay nito.

"Alam mo na, kababalik ko lang sa Pinas kaya hindi pa siya marunong mag-tagalog.", explain niya.

Binalik ko ang tingin ko kay Laine at napalunok, marunong naman akong mag-english pero parang nakalimutan ko.

"How old are you?", bobo kong tanong kasi wala akong ibang naisip na sabihin o itanong.

"I'm 2 years old.", sweet na nakangiti nitong sabi sa akin.

2 years old tapos ang galing na mag-salita, sana maging kasing talino niya baby ko... Well, dapat mamana ng baby ko katalinohan ng daddy niya, pass ako.

"What's your name? Do you know my dad?"

Parang na-awkward tuloy ako sa tanong nitong bata na 'to. Hindi ko na fe-feel 'yong akwardness kanina eh.

"I'm Tita Bleu, and your Dad is my friend.", nakangiti kong sagot.

"Blue? Like the color Blue?"

Pa'no ko ba eexplain?

"Yeah but no? I mean, ahhh yeah like the color Blue but different spelling..."

Sh*ta talaga, marunong akong mag-english promise!

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kevin kaya napaangat ako ng tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

Tuwang-tuwa ka ata diyan?

Napahinto siya sa pagtawa sabay napaiwas ng tingin. Binalik ko ang tingin ko kay Laine at ngumiti.

"It's like the color Blue but spelled as B-L-E-U."

Oh see? Marunong ako mag-english!

"Why does your parents have to complicate your name when they can just make your name spelled as the color Blue."

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon