Chapter 18:

5.1K 144 14
                                    

Bleu's POV:

It's Friday today, kahit walang nagbabantay sa 1st subject ay tahimik ang lahat, it's the subject under Ampa.

Hindi ko alam kung dahil nasanay sila na ganito katahimik 'pag subject ni Ampa o dahil nalulungkot ang lahat dahil no'ng Tuesday pala ang huling araw na makikita nila si Zane.

Nalaman ng lahat ngayon lang, na supposedly ngayon ang last day ni Ampa sa pagtuturo dito sa University kasi babalik na si Mrs.Rodriguez next week pero dahil may importanteng lakad daw si Ampa kaya hindi siya nakapunta.

Hindi ko rin alam ang tungkol dito, pati ako nagulat kasi wala namang nasabi sa akin si Ampa tungkol dito, hindi niya rin sinabi sa akin kung saan lakad niya.

He was a strict one pero may matututunan ka talaga sa klase niya.

Ramdam ko 'yong lungkot ng mga kaklase ko, pati ako ay nakakaramdam ng lungkot kahit magkikita pa naman kami ni Ampa kasi nga mag-jowa kami, ba't ba nalulungkot rin ako?

May pinasagot lang sa amin sa subject niya at makakalabas na agad ang kung sino mang maunang matapos sa huling quiz na ginawa ni Ampa na iniwan niya sa Dean para sa mga section na under ng subjects niya.

Ako 'yong naunang natapos kaya nauna rin akong lumabas ng classroom.

Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan sana si Ampa nang saktong may matanggap akong mensahe galing sa kanya.

[Let's meet at Fineapple Park later at 5 pm.]

Basa ko sa text niya, ito 'yong park kung saan nilibot ko si Laine. Nag-reply ako sa kanya pero wala na akong reply na natanggap.

Nagre-reply naman lagi 'yon kasi ayaw magalit at magtampo ako.

"Hoy."

Napatingin ako sa bench sa gilid ng classroom namin.

Akala ko kung sino, kung maka-hoy! Si Dave lang pala.

"Oh?", sagot ko sa kanya sabay nilapitan siya.

"Nag-set na ako ng appointment, samahan mo ako next week sa lunes."

Next week ng lunes? Birthday ni Ampa 'yon ah. Okay lang siguro since gabi ko naman ibibigay ang regalo ko sa kanya tapos saglit lang naman siguro 'yong check up.

"Salamat, buti nalang talaga andiyan ka."

Ngumiti siya na parang proud na proud siya sa ginawa niya kaya napangiti nalang rin ako.

Bigla siyang lumingon-lingon sa paligid bago may binulong sa akin,

"Ilang months ka ng buntis?", bulong niya, akala ko kung ano eh hahaha.

"Turning 5 months.", bulong ko rin sagot sa kanya.

He snapped his fingers at inakbyan ako,

"Sabi no'ng doctor na kakilala ko pwede mo ng malaman gender ng baby mo thru ultrasound if magfa-five months na."

Excited akong napatingin kay Dave.

"Talaga?", paninigurado ko at binigyan niya ako ng maraming tango.

Oh my God, so malalaman ko sa lunes if babae o lalaki ang baby ko? Hala, hindi ako makakatulog nito sa excitement.

Alam mo 'yong excitement tapos may pasok ka? Parang gusto mo nalang umabsent hahahha

Sabay kaming nag-lunch ni Dave, tapos gulay na putahe lahat ng kinain namin para raw healthy baby ko. Gusto ko ng pork cutlet pero sa susunod nalang daw.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon