Bleu's POV:
"Good morning class.", bati ni Ampa sa lahat nang pumasok siya sa loob ng classroom, as usual kahit Hindi sabay-sabay ay binati rin naman siya nga lahat.
"Kumusta ang lahat? Parang kahapon lang ay midterm exam natin, but here comes another one in the next two weeks. My subject is not that hard, tamang aral lang at pagbabasa. Now, spread out and one seat apart. Surprise quiz, everyone, before I continue the discussion we had last meeting."
Lahat ata kami napanganga, isa na ako doon sa nag panic p*tek, anong surpirse quiz pinagsasabi niya? 'Di kami na-inform.
Bobo, surprise quiz nga.
"I want everyone to spread out quietly, do it now."
Napahilamos ako sa mukha ko, Ampa as a Professor is still scary, nakakalimutan ko talaga most of the time na may relasyon kami 'pag nagtuturo siya.
Napatingin ako kay Eric tapos nakatingin rin sa akin ang g*ga hahaha hindi uso study eh.
"Walang lilingon sa katabi o sa paligid, sa oras na may mahuli ako, i'll deduct your score."
Sabay kami ni Eric na agad na napaharap ng tingin, takot lang namin kahit 'di pa nagsisimula 'yong quiz, tapos nagkatinginan kami ni Ampa, nakatingin pala siya sa akin.
Napayuko ako kasi naalala ko bigla ginawa ko last week, ninakawan ko siya ng halik.
Sayang, masyado siyang busy kaya hindi ko pa maibabalik 'yong halik. Letse, kinikilig na naman ako hahahah.
"Excuse me?"
Napa angat ako ng tingin, napatingin ata lahat sa labas ng pintuan.
"Ohmegashhhh si Fafa Clarenceeeee.", pigil na tili ni Eric.
Si Prof Clarence nga, anong ginagawa niya dito?
Sa hindi nakakaalala sa kanya, I once mentioned na chemistry namin siya ni Dave no'ng 3rd year, tapos isa sa mga nilandi ni Ella tapos hindi nag tagumpay hahahah.
Lumapit sa kanya si Ampa.
"Bakit?", he asked casually na parang magkakilala na sila.
"May hinahanap ako, sabi sa akin andito sa klase mo ngayon.", sagot ni Prof Clarence sa kanya sabay nilibot ang tingin sa loob ng classroom, nagulat ako nang huminto ang tingin niya sa akin.
"Sino?", tanong ni Ampa.
Ngumiti si Prof Clarence saka tinuro ako.
"Ayun! Ms.Williamson.", tawag niya sa akin.
Ako? Bakit?
Napatingin rin sa akin si Ampa.
"Pwede ko ba hiramin sandali? May itatanong lang ako.", paghingi ng permisyon ni Prof Clarence kay Ampa.
"We're currently having a quiz.", Ampa answered blandly.
"Oo, kaya sa labas ko kakausapin para hindi madisturbo 'yong iba. Saglit ko lang hihiramin."
Biglang napatingin ulit sa akin si Ampa, ako naman 'tong hindi alam kung bakit ganyan siya makatingin sa akin, ang talim.
"Ms.Williamson, someone's looking for you.", matabang nitong tawag sa akin.
Napatayo ako tapos nahihiyang nilapitan si Prof Clarence kasi pinagtitinginan ako ng lahat.
"Prof", bati ko.
"Kumusta ka n—", Prof Clarence.
"Hurry it up.", pagputol ni Ampa sa sasabihin sana ni Prof Clarence.
BINABASA MO ANG
Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)
Fanfic(The Baby's Father Duology #1) Bleu found herself in a bed with a total stranger and both naked. She got pregnant and that man turned out to be her Professor.