Chapter 14:

5.2K 140 13
                                    


Bleu's POV:

"K-kumusta ka na?", pag-aalinlangan niyang tanong sa akin.

Napayuko ako ng madalian para punasan 'yong tumulo kong luha saka siya hinarap ulit, ngumiti ako;

"Okay lang, ikaw? Kumusta ka na? Tagal na simula no'ng nawala— I mean no'ng huli kitang nakita...", I tried to sound cheerful, I've always imagined before kung anong ere-react ko sa oras na magkita na kami ulit and that's what I'm doing right now.

Habang dumadaan 'yong araw simula no'ng bigla siyang naglaho na parang bula, I did some self-reflection. Dapat galit ako ngayon sa kanya but then I realized hindi ko pwedeng isisi ang lahat kay Kevin, kilala ko si Dad, he might have said something to Kevin kaya nagawa niya akong iwan, it's also my fault... Mga panahong 'yon, the only solution that I thought of was to run away with him kasi alam kong 'di ko siya maipaglalaban sa harap ni Dad.

"Gano'n pa rin... ", pilit ngiti niyang sagot.

"... You're married?", tanong niya bigla kaya nagtaka ako.

"Huh? Pa'no mo nasabi?"

Napababa siya ng tingin sa tiyan ko at nanlaki ang mga mata ko, pa'no niya nalaman?

"You're pregnant."

Ano 'to? Alam at halata ng lahat pero hindi ni Ampa?

"P-pa'no mo nalaman?", tanong ko sa kanya na nauutal.

Kinuha niya bigla 'yong cellphone niya sa bulsa, may kinalkal siya dito bago niya ito ipinakita sa akin;

Picture ng isang batang babae, around 2 years old?

"I was with my ex-girlfriend no'ng nabuntis siya hanggang sa pinanganak niya si Laine.", nakangiti niyang sagot sa akin.

Ex-girlfriend? May anak na siya?

"Bleu?"

So, ano 'yon? Nabuntis niya ang sumunod na girlfriend niya after me?

"Bleu, hey."

Agad akong natauhan nang tapikin ni Ampa ang balikat ko.

"U-ui... "

"Okay ka lang?", nag-aalala niyang tanong.

Tumango ako sabay ngiti.

"Oo."

"Sigurado ka? You've been acting like this simula no'ng umuwi tayo sa Mall few days ago."

My conversation with Kevin few days ago has been occupying my mind, ewan ko ba kung bakit.

"Stresssed ka ba sa thesis niyo?"

Akala niya thesis iniisip ko, nagi-guilty na siguro 'yan kasi ayaw akong tulungan hahaha.

"Tulungan mo kasi ako.", biro kong sabi sa kanya.

Nasa office niya nga pala kami, ngayon lang ata ako nakabalik dito kasi nga iniiwasan ko talaga pumunta dito as much as possible, we're really careful sa kilos namin sa loob ng University.

"Why would I? You're smart, you don't need my help."

"Weeeh? Totoo ba?"

Tumango siya.

"Why would I lie? I'm not saying this just because we're together, you're really smart kaya 'wag kang tamarin."

Sinasabi ba nitong tamad ako?

"Anyway, where are you going?"

Nakalimutan ko, kaya pala ako pumarito ngayon sa office niya kasi dapat sabay kami magla-lunch doon sa resto ni Zach— 'yong kaibigan niya, pero kailangan ko kasi kausapin si Dave, malakas kutob ko na mas nauna niyang nalaman na bumalik na si Kevin at isa pa hindi ko na talaga siya nakikita pagkatapos no'ng nalaman niyang buntis ako.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon