001

2.3K 105 203
                                    

Yvonne's POV

Naglalakad lang ako papuntang school ngayon. Siyempre walang kasabay kasi wala naman akong kaibigan. Ayaw nila sa akin, edi ayaw ko din sa kanila. Alangan naman ako mag-adjust.

Inayos ko na ang sarili bago pumasok sa university. Sino bang papasok na mukhang zombie, 'di ba? Last year ko na dito sa university kaya sana maging masaya na. Gusto ko ng peaceful na school year, 'yong walang mang-iinis, walang maingay, walang mga epal.

"Ganda talaga ni Yvonne."

"Pero maraming nagsasabi na masama daw ugali niyan."

"Talaga? Hindi naman halata."

"Don't judge a book by its plastic cover kasi."

Gusto kong mainis pero sobrang nakakatawa kasi 'yong sinabi niya. Punyeta, saan nanggaling ang plastic cover?

At saka, ano naman kung masama ugali ko? Anghel ba sila? Eh, mukhang demonyo nga mukha nila. At least ako, I'm confidently beautiful with a face.

Hindi ko nalang pinansin ang mga sinasabi nila. Dumiretso nalang ako sa building at hinanap ang bulletin board para malaman ang section ko. Maaga ako ngayon kaya hindi na kailangang mastress ang ganda ko. Diretso ko rin namang nakuha ang section ko.

Section E.

Luh, ba't ako napunta sa section E? Ayos lang naman grades ko eh. Haharapin ko na sana ang principal ng school nang marinig ko ang dalawang estudyanteng nagchichika.

"Sabi nila shuffle na daw. 'Yong top one nga natin nasa section C."

Napabuntong hinga nalang ako at nagkamot ng ulo. Sana naman maging masaya na 'tong school year na 'to. Magbaback flip yata ako kung mangyayari 'yon.

Hindi pa ako pamilyar sa mga room kaya binasa ko nalang ang mga sign. Nasa harap na ako ng section D nang bigla akong napapikit. Punyeta, ano bang nangyayari sa akin? May topak ka na naman ba self?

"Sana naman masaya na 'tong school year na 'to."

"Sana naman masaya na 'tong school year na 'to."

Paulit-ulit kong sabi habang naglalakad sa room namin. Nang nasa harapan na ako ng pinto, pinihit ko 'yon at muling pinikit ang mga mata. Ano ba, gusto ko lang mafeel ang moment. Baka may gwapo sa loob, tapos naka-earphones tapos may cold vibes, tapos nakatingin sa labas ng bintana.

Ang ganda ng imagination ko, 'no. Pero hanggang imagination nga lang, nyeta. Pinihit ko na ang pinto at inulit ang sinabi kanina.

"Sana naman masaya na 'tong school yea- Shet, sorry wrong room."

Nanlaki ang mga mata ko. At agad na yumuko. Hindi ko naman akalain na na-wrong room ako. Itinaas ko ang tingin sa sign, nasa section E ako eh.

Pero takte, bakit sila nandito? Hindi pwedeng malagay sila sa section E. Sikat sila tapos mayayaman. Kaya nilang bayaran ang lahat.

"Tamang room ang napasukan mo."
Sabi ni Jay. Siyempre kilala ko sila. Sikat nga,' di ba? Pero kapag kasama sila, kadikit mo rin ang problema. "Wait, nagshoshopping ka ba sa mall namin?"

Napatango nalang ako at saka pinasadahan sila ng tingin. Sikat sila, mayayaman, gwapo, dagdag na rin natin na mga hottie sila. Pero kasi, ang sabi ng iba madalas silang masali sa mga gulo. Sabi ng iba mga bully daw sila.

“Ba't tulala ka diyan?" Nilapitan ako ni Ethan at saka kinaway pa ang kamay sa harap ng mukha ko. Napakurap-kurap ako at umatras. Ang creepy ha.

"Hi, ikaw si Yvonne, 'di ba? I'm Ethan Lee, ang future mo. Gwapo ko talaga, 'no." Paano naman niya nalaman pangalan ko?

Stalker ko ba 'to? Charot, ang gwapo naman nito para maging stalker lang. Sa bagay, ganda ko naman.

Wala akong crush sa kanila kasi ayokong masali sa gulo. I want peace, hindi rest in peace. Marami kasing sarkastiko kaya in-advance ko na.

"Don't mind them. Ganyan lang talaga sila." Sabi ni Bemjamin habang nakaupo sa upuan niya at nakadekwatro. Taray, ang gwapo ng ninong niyo.

I slightly nod at saka naghanap ng upuan ko. Doon sa pinaka-likod ang pinili ko. Nang makaupo na ako don, nagulat ako nang lahat sila ay nakatingin sa akin.

Ganyan ba talaga ako kaganda? I blink my eyes multiple times at saka tinaasan sila ng kilay.

"May problema ba sa mukha ko?"

"Wala naman. We're just confuse kung bakit hindi ka kinilig ng makita kami." Sabi ni Ethan at umupo don sa pinakaharap. Malayo-layo sila sa akin kaya ayos lang.

"Ganon? Wala naman akong gusto sa inyo, e'."

Mukhang nabigla sila sa mga sinabi ko, pero ikinibit-balikat ko nalang 'yon. Nanatili pa rin ang tingin nila sa akin. Tangina, ano ba problema ng mga 'to?

Tinignan ko din sila pabalik, pero sina Ethan, Benjamin at Jay lang ang nag-iwas ng tingin.

"Oh, tinitingin-tingin mo diyan."

Sabi ni Johnny Johnny yes papa— charot. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Ayoko na makipag-away sa kanya baka sipain lang ako palabas ng room. Nanatili akong tahimik hanggang sa may lumapit na dalawang lalaki sa akin.

Si Sam at Jake lang naman. Gwapo pero gusto ko ng katahimikan eh.

"Aso ka ba? Kamukha mo kasi si Layla."

"Ang cute mo, pero mas cute naman ako."

Napayuko nalang ako dahil don. Tangina lang, ano bang nakain ng mga 'to at sobrang feeling close. Katahimikan nga e'. Katahimikan. Pero mas mabuti na nga lang din 'to kaysa bully-hin nila ako.

Napatingin ako sa isang lalaking tahimik lang sa gilid.

"Gusto mo ng high kick." Putek, nakalimutan kong si Riki pala 'yon. Shutangina, silent and cute pero deadly.

Ano ba naman 'to?! Kailangan ko ba makukuha ang hinihiling ko?!

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon