061

610 50 3
                                    

Yvonne's POV

Agad akong nagpunta sa gate nang may nagdoorbell. Alam ko na kung sino ang mga 'yon kaya agad ko na silang pinapasok. Sayang, wala si Riki dito. Namimiss ko pa man din ang batang 'yon.

"Nakabalik na din kami dito sa wakas." Sabi ni Johnny habang nakatingin sa buong bahay. Ganon din ang ginawa ng iba.

"Dito nalang kaya tayo tumira." Sabi ni Sam kaya agad ko siyang nabatukan at sinamaan ng tingin. Aba, gago. Mukhang mamamatay nga ako ng maaga dahil sa mga kalokohan nila.

Inaya ko na sila sa loob, kaninang umaga lang nakarating si mama at alas tres na ngayon. Ang gagara pa ng mga suot ng mga ogag, habang ako nakapambahay lang. Hiyang-hiya ang bituka ko sa mga taong 'to.

"Di ba may multo dito?" Tanong ni Ethan at lumapit pa sa akin. Napairap nalang ako at hinayaan siya.

"Chancing ka lang, e'." Sabi naman ni Jay kaya nag-asaran na naman ang dalawa. Akala ko talaga may alitan 'tong dalawang 'to. Noon kasi, may time na hindi talaga sila nagpansinan and iniisip ko pa kung ano ang dahilan non.

"Biro lang 'yong multo." Sambit ko. Nasa gilid ko si Ethan at Sam tapos nasa likod na namin 'yong iba.



"Ito na ba ang mga friends mo, Yvonne?"



Sinalubong kami ni mama sa may sala, nakangiti pa siya habang nakatingin sa kanila. Ngiting may balak, baka maging tatay ko isa sa mga 'to, loka lang naman.

Tumango ako bago nagmano ang mga lolo niyo kay mama. Sobrang respectful, ang lapad pa ng mga ngiti. Pinaupo sila ni mama sa sofa habang ako nakatayo sa gilid niya. Sino ba talagang anak niya dito?

"Wala ka talagang jowa sa isa sa kanila, anak. Sayang naman." Nabulunan ako ng sariling laway dahil sa sinabi niya. Nagpigil pa ng tawa ang mga epal. Walang hiya talaga.

"Ma, kaibigan ko lang po sila."

"Pero anak, sayang naman. Ang gwapo nila, boto ako kahit sinuman sa kanila." Aba, tangina. Sana kayo nalang pumili ng jowa sa kanila. Alam ko naman na gwapo sila, pero magkaibigan nga lang, e'. Baka may masira pa.

Binaling ulit ni mama ang tingin sa kanila kaya napairap nalang ako at hiniling na sana 'di nalang nangyari 'to. "May nanliligaw ba sa anak ko dito?"

"Ma!" Pinanlakihan ko sila ng mata, sinenyasan ko pa sila na 'wag nang sagutin ang tanong na 'yon ni mama. Ito talagang si mama, may pagkamalisyosa, e'.

Nginitian lang ako ng mga kupal. Kapag sila talaga may nasabing masama, i-uuntog ko talaga sila sa kisame.




"Ako po."

"I'll court her po."





Yawa. Tangina. Peste. Juice colored ano ba 'tong pinasok ko?!

Napatingin si mama kina Jake at Ethan na parehong nag-taas ng kamay. Pati 'yong iba nagulat dahil sa sinabi nina Ethan. Gago, ano ba 'tong pinagsasabi nila?!

Pumalakpak si mama at saka tinignan ang dalawa. Mariin akong napapikit, kabado ako dito, mga wampipti. Sinenyasan ko pa 'yong dalawa pero wala e'. Taena lang, sobrang epal talaga ng mga 'to. Nanliligaw pa nga, putek!

"Anong pangalan niyo, mga hijo?" Tanong ni mama sa dalawa. Si Johnny halatang 'di makapaniwala aa nangyari, pati na din si Sam. Si Jay naman nakangiti pero si Benjamin mukhang tulala.

"My name is Jake po." Magalang na sabi ni Jake. Kabado akong napangiti habang tinitignan si mama.

"Ethan Lee, po tita." Awit, nag-tita na ang lolo niyo. Sabog yata 'tong mga kasama ako e'. Hindi ba napainom ng mga gamot 'to.




"Ang gwapo niyo naman. Aasahan ko na pagkabalik ko ulit dito, isa na sa inyo ang boyfriend nitong baby ko."

"Ma, naman. Kaibigan ko nga lang sila e'."




Sinamaan pa tuloy ako ng tingin ni mama. Wala na akong magawa kundi ang magkamot ng ulo.

Sana kainin na ako ng lupa. Taena lang.

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon