077

536 44 6
                                        

Jay's POV

Nasabihan ko na 'yong iba na umuwi na sa kanila. We decided na magpahinga muna pero hindi din ako makatulog. Hindi ako makatulog kasi iniisip ko na baka may nangyaring masama sa kanya.

Sobrang nag-aalala ako at 'di ako mapakali. Oo, hanggang ngayon gusto ko pa rin siya, tinatago ko lang kasi alam ko namang bawal na.

Hiniram ko muna ang sasakyan ng kuya ko. Wala dito si papa kaya malaya akong makakalabas.

"Jay, baka ako mapagalitan ni dad nito." Sabi niya sa akin habang sinasamahan ako sa garage. Hindi na ako bata pero tinuturing niya pa rin akong bata.

"Jun hyung, babalik din ako. Isumbong mo ako kay papa kapag 'di ako nakauwi ng alas onse." Sabi ko at diretsong pumasok sa sasakyan. Wala na siyang nasabi at hinayaan nalang ako.

Kailangan ko siyang mahanap ngayon. Parang natrauma na ako dahil sa nangyari noon kay Kate. Ethan hyung and I courted Kate noon, dahil don minsan na kaming nag-away. Kate was just like Yvonne, bubbly and sweet. Pero wala siyang nasagot niisa sa amin, because she passed away. She actually had a disease na tinatago ng mga magulang niya sa lahat.

Natatakot ako na baka mawala din si Yvonne sa amin. I like her at hindi ko kayang hindi mag-aalala sa kanya even just as a friend. Lahat naman yata kami ganon ang nararamdaman.

Nagdrive ako patungo sa main road. Wala nang masyadong sasakyan at wala nang katao-tao sa mga sidewalks. Nag-aalala ko dahil baka may mga siraulong manggulo sa kanya.

I was driving slowly habang patingin-tingin sa mga nadadaanan. "Where are you?" Bulong ko sa sarili.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may isang babae na nagmumukmok sa gilid ng isang closed na cafe. Kung 'di ako nagkakamali siya 'yon.

Agad akong hininto ang sasakyan at lumabas. Hindi niya napansin ang presensya ko dahil mukhang may iniisip siya at nakayuko. Basa ba siya? Hindi naman umuulan, tapos may gasgas ang braso niya.

"Yvonne!" Pagtawag ko sa kanya at agad siyang niyakap. Nagulat yata siya, dahil naramdaman kung para siyang naestatwa. Sobrang basa talaga niya tapos ang gulo din ng buhok niya, may pasa din siya sa katawan.

"Saan ka ba galing?" Tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ang balikat niya. Napatingin siya sa akin habang nangluluha ang mata. Wala siyang sinabi, at yumuko lang.

"Pasok muna tayo sa sasakyan, tapos suotin mo 'to." Binigay ko sa kanya 'yong coat na suot ko at hinila siya papasok ng sasakyan.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nakayakap siya sa sarili bago diretsong tumingin sa akin. 'Yang matang 'yan, nasasaktan din ako habang nakikita siyang ganito.

It's my first time seeing her cry.

"I-uwi mo muna ako sa bahay, please." Saad niya, nakikiusap. Napabuntong-hinga ako bago nilayo ang tingin sa kanya.

"Just tell me first kung ano ang nangyari sayo. Nag-alala kaming lahat sayo, pati na rin ang mama mo."

Tumango siya at saka inipit ang pang-ibabang labi. Diretso lang akong nakatingin sa kanya. Mananagot sa akin ang sino mang gumawa nito sa kanya.

"Kanina sa comfort room, may tatlong babaeng nang-away sa akin. Sabi nila layuan ko daw kayo, hindi ako nakinig sa kanila. Kaya itong napala ko. They hurt me at kung lalapit pa ako sa inyo, they'll drop me out from school."

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ko habang nakahawak sa balikat niya. She smiled weakly at saka tumingin sa malayo.

Napalunok ako nang wala sa sarili dahil nasasaktan ako sa nakikita ko. Ayoko sa lahat ang sinasaktan ang mga kaibigan ko. Ayoko na may nananakit sa kanila, lalo na sa kanya.

"Wala naman talaga akong planong sabihin 'to sa inyo. Ikaw pa lang ang nakakaalam nito Jay, so please huwag mo 'tong sasabihin kina Ethan." Sabi niya kaya agad akong napailing.


"Kaibigan mo kami, Yvonne."



"I know, pero ayokong masali kayo sa gulo. Promise me, Jay." Wala na akong magawa nang sabihin niya 'yon. Tumango nalang ako kahit labag 'yon sa kalooban ko. I wanted to protect her pero bakit naman ganito ang desisyon niya.



"Sino ang gumawa nito sayo?" Tanong ko at pinaandar ang makina ng sasakyan.



"I can't tell you that."



She's making ne crazy. Gusto ko lang naman na maprotektahan at mapagtanggol siya pero bakit ganito. Kaibigan namin siya and that's what we can do as her friends. Pero I respect her decisions, kung ano ang gusto niya 'yon ang gagawin ko.



"Ayokong madamay kayo sa gulo, kasi kaibigan ko kayo. I'm sorry, Jay, sa inyong lahat."

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon