021

964 66 31
                                    

Yvonne's POV

Naghihintay nalang ako ngayon sa labas ng bahay. Sabi kasi ni Sam susunduin nalang daw niya ako. Eh, ayaw din naman sabihin kung ano ang gagawin namin. Nakuha pang mang-thrill.

Nakalugay ang buhok ko, kasi basa pa tapos nagsuot lang ako ng simpleng loose white shirt at saka high waisted skirt. Matatagalan pa siguro 'yon si Sam. Aba, sinistress niya kagandahan ko eh.

Okay, patience mga bes. Kailangan mataas pasensya natin dito.

Not too long, may nakita akong papalapit na black na sasakyan. Sobrang shiny, halatang pangmayaman. So, ganito pala feeling kapag mayayaman mga kaibigan mo? Ang sarap sa feeling ah.

Tama nga ako, si Sam 'yon. Lumabas siya mula sa backseat at sobrang nakakapanibago 'yong suot niya. Ang manly niyang tignan ngayon, like sobrang manly. Nakikita ang noo niya tapos nakalong sleeves na white tapos black tattered jeans.

Si Sam pa ba 'to? Nawala 'yong cuteness ng bestie ko. Help—

"Ba't tulala ka diyan, Yvonne?"


Napakurap-kurap ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Ampotek, eh kanina tinatawag pa akong noona nito.

Magtatanong na sana ako pero may biglang lumabas sa driver's seat. Lalaki at mukhang nasa college na. Pareho sila ng mata ni Sam, pero sobrang intimidating naman niya. Ang sharp ng jawline ni koya oh.

"Siya ba 'yong sinasabi mong girlfriend mo, Sam?" Tanong ni kuyang hottie.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Lumapit si Sam sa akin at ngumiti. Taena, naligaw yata ako.

Girlfriend?! Hoy, saang lupalop naman 'yan nakuha ni koya?

Akala ko itatanggi ni Sam pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi.

"Si Yvonne, hyung. Girlfriend ko. Yvonne, si Warren hyung."

Huh?! Ano? What?

Tinignan ko si Sam, parang may gusto siyang sabihin eh. 'Di naman ako bobo, so nakuha ko kaagad ang sinabi niya. Magpapanggap ba akong girlfriend niya? For what?

Ngumiti 'yong kuya niya sa akin. Cute naman pero intimidating pa rin. Inaya niya kaming pumasok na, para 'di daw kami malate sa kung ano man ang pupuntahan namin.

Mamaya talaga 'tong si Sam sa akin. Putspa, ano ba kasing gagawin ko dito. Tumingin ako kay Sam, nakangiti lang siya pero halatang kinakabahan. Babatukan ko talaga 'to mamaya.

"Kaklase niyo rin si Benjamin, 'di ba?"

Tanong ulit ng kuya niya. Ang lalim ng boses mga bes, 'di ko kinaya baka malunod pa ako. Tumango kaming pareho ni Sam. Close din pala pati mga pamilya nila.

"Noona, sorry talaga. Pero just act, please." Bulong niya kaya napabuntong hinga nalang ako at tumango.

Ilang minuto lang ang lumipas, nakarating din agad kami sa isang magarang restaurant. Bumaba kami ni Sam at nagpaalam don sa kuya niya. Btw, ang gwapo non ah. Nastarstruck nga ako kanina.

"Noona, may girlfriend na hyung ko. 'Yong ate ni Benjamin hyung, wala ka ng pag-asa don."

"Luh, wala akong sinasabi ah."


Napatingin lang kami sa restaurant. Wala yatang planong pumasok 'tong kasama ko, laging bumubuntong hinga eh.

"Sam, bak—"

"Noona, pagkapasok natin sa loob. May makikilala kang dalawang lalaki. Papa ko 'yong isa tapos kuya ko din 'yong isa. Si kuya Ice pinakapanganay sa amin, tapos noona, kailangan umakto ka talagang girlfriend ko ha."

May magagawa pa ba ako. Tumango nalang ako at ngumiti. Matatapos din naman 'to at pagkatapos na pagkatapos nito, kukutusan ko talaga 'tong si Sam.

Nabigla ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko. Act lang naman, pero bakit kinakabahan ako. Tangina lang, ang gwapo ni Sam ngayon, not gonna lie.

Self, magpigil ka! Huwag kang ganyan.

May dalawang lalaki nga doon. Ebarg mga bes, ang gugwapo nila. 'Yong isang koya niya parang pang-webtoon ang datingan. Pero kagaya nga nong isa, ang intimidating din ng mga mata nila. Kanino ba nagmana 'tong si Sam?

"You're here, Sam, and with your girlfriend." Parang nabigla yata 'yong kuya nang makitang magkahawak kami ng kamay. Napangiti lang din siya at inaya kaming umupo.

Nakangiti lang the whole time ang papa niya. Proud na proud sa anak ah.

"Gladly, naisipan mo ring ipakilala sa amin ang girlfriend mo Sam." Sabi ni paderland.

"We thought our baby brother is a gay and we're sorry for that Sam. Probably, Warren did won the bet." Sabi ng kuya niya. Tumingin ito sa akin kaya ngumiti lang din ako.

"Hyung, I told you. Hindi ako bakla and I will never be. At saka hindi naman basihan na lagi kong kasama sina Ethan hyung, eh bakla na ako, 'di ba?"

Sam looked offended. So, iniisip ng mga magulang at pamilya niya na bakla siya? Yon ba 'yong dahilan kung bakit kailangan kong magpanggap na jowa niya?

Now, I understand Sam.

Marami nga silang tinatagong kuwento. Mahirap siguro 'to para kay Sam. I mean, lalaki naman talaga siya. He's handsome naman.




"Salamat talaga, noona." Sabi niya nang mapunta kami sa isang cafe. Ililibre daw kasi niya ako. Magrereklamo pa ba ako?

"Ayos lang. At least naman natulungan kita. Pero nakakaloka ang pamilya mo ah."

Napabusangot lang siya at saka tumingin sa malayo.  Ang cute niya talaga kahit kailan. Sarap kurutin ng mga pisngi niyang 'yan.

"Dahil tatlo kaming lalaki sa bahay, laging ini-expect ni papa na kumilos ng maginoo, manly. Ganon naman ako pero I'm affectionate kasi. Hindi ako kagaya ni Ice hyung na maraming babae. Hindi ako kagaya ni Warren hyung na laging nagpupunta sa gym, wearing manly shirts and fits. And I'm frustrated kasi iniisip nila na bakla ako, although I am really not."

Di ko inaasahan na mag-oopen up si Sam sa akin. Kaya napangiti ako at ginulo ang buhok niya.

"I'll always be here for you, Sam."

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon