Yvonne's POV
Isang buwan na ang nakaraan nang magsimula ang second semester, ganon pa din naman ang sitting arrangement kaya walang masyadong nagbago sa paligid ko.
Hanggang ngayon ang sweet parin nila sa akin, hindi lang si Jake at Ethan actually. Ilan ba talaga manliligaw ko dito? Hindi ko nga alam kung bakit nila ako nagustuhan. Basta sabi naman nila na huwag akong mailang. Dapat ganon pa din kami at walang magbabago.
Sino ba namang hindi kikiligin sa mga nangyayari. Paskong-pasko at 'yon ang gift na natanggap ko. Pero sa ngayon, kaibigan pa lang talaga ang tingin ko sa kanila. Ewan ko ba sa sarili ko. Pero aaminin ko na kinikilig ako sa kanilang dalawa.
Sa kabila ng lahat ng 'to, may part pa rin sa akin na natatakot. Natatakot ako na baka may masira— basta!
"Jowa ko~" Napatingin ako kay Sam nang tawagin niya akong ganon. Tinaasan ko pa siya ng kilay kaya ayon ngumiti lang siya. Ang cute talaga!
"Huwag mo nang pansinin 'yan noona." Sabi naman ni Riki kahit na may professor sa harapan namin. Ewan ko ba sa mga lalaking 'to. At nalilito na ako sa mga gagawin ko.
Hindi ko nalang din pinansin si Sam at nakinig nalang sa leksyon. Para may matunan din naman ako kahit konti lang. Para na rin 'di na mabetlog.
"Punta muna akong CR."
Paalam ko nang matapos na ang klase. Napatingin sa akin 'yong tatlo na para bang may gustong sabihin.
"Sama kami noona." Anak ng tupa naman! Ano bang pumasok sa utak ng mga batang 'to?
"Tse. Hintayin niyo ako, sabay tayong maglunch." Hindi ko nalang pinansin 'yong tatlo na nagpipilit sumama. Mapapailing nalang talaga ako sa mga 'yon. Gusto pa ngang sumama, ano bang gagawin nila don. Juice colored.
"Hintayin ka nalang namin sa canteen, Von." Saad ni Jake kaya tumango nalang ako. Nagpunta na din kaagad ako sa comfort room.
Walang masyadong estudyante kaya ang tahimik ng hallway. I was humming habang papunta don. Nang makapasok ako sa loob, may tatlong babaeng nagreretouch ng mukha.
Grabe kung makatingin sa akin, parang ibabaon na ako sa lupa ng mga gaga. Nag-iwas nalang ako ng tingin sa kanila at pumasok sa isang cubicle.
Biglang may nagbuhos ng tubig mula sa taas kaya napatili ako at agad na lumabas. Tangina, ano 'yon?! Sobrang basa ko na, not to mention na ang baho ng nabuhos sa akin.
Hinanap ng mga mata ko kung sino ang may gawa non at nakita ko 'yong tatlong babae na nakangisi at nakaharang sa may pintuan. May dalang balde 'yong isa na tiyak na 'yon ang binuhos sa akin.
"Anong ginawa niyo?!" Sigaw ko sa kanila. Aba, hindi ako magpapaapi dito, 'no.
Lumapit 'yong babaeng nasa gitna at hinawakan ang buhok ko. Sasampalin ko na sana siya nang agad naman akong pigilan ng dalawa.
"Di mo ba kami naalala?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang pagmumukha niya. Tama, 'yong mga babaeng nang-away sa akin noon. 'Yong babaeng may gusto kay Jake.
"I'll say the same thing to you." Hinawakan niya ang baba ko habang hawak-hawak ako nang dalawa niyang kampon. "Layuan mo sina Jake."
Sabi nito kaya natawa nalang ako at tinaasan siya ng kilay. "Bakit ko naman gagawin 'yon?" Sabi ko habang nakangisi. Hindi ko siya aatrasan at saka kaibigan ko sina Jake. Bakit ko sila lalayuan?
"Tignan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo."
——————————————————
—nasa 013, yong girls na nakaaway ni Sam :))
![](https://img.wattpad.com/cover/266892101-288-k16436.jpg)
BINABASA MO ANG
Section IV-E | Enhypen FF
Fiksi Penggemar"Sana naman masaya na 'tong school yea- Shet, sorry wrong room." Wherein Yvonne Song thought she entered the wrong room. Hindi niya inaasahan na magiging kaklase niya ang mga lalaking 'yon. She just wanted a happy and normal school year pero mukhang...