055

682 44 12
                                    

Yvonne's POV

Napatingin ako sa paligid, ang ganda naman dito. Mukha siyang music room, kasi may mga instruments na iba-iba. Hawak ni Jay ang kamay ko habang palinga-linga lang ako sa lugar.

May malaking salamin din kaming kaharap kaya kitang-kita ko ang mga galaw ko. Jay removed his cap bago ako hinila sa may piano.

"Can you play the piano?" Tanong ko kaya naman tumango siya at ngumiti. 'Yong smiles mga beshie ang ganda, pafall 'yong smile na 'yon. Nag-iwas nalang ako ng tingin, mukhang aatikihin ako sa puso e'.

"Yvonne, hoy baka masira mo." Tinawanan niya lang ako ng simula kong pindot-pindotin ang iba-ibang tiles. Ayos lang naman pakinggan, parang sirang plaka ng mga tikbalang.

"Marunong ka nito?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bago pinindot ang ilang tiles na may magagandang tunog. Wala sa sarili akong napangiti dahil doon at pinikit ang mga mata.

Sobrang ganda kasi ng pagkakaplay niya non kaya hindi ko maiwasan na purihin siya. Marami pala siyang tinatagong talent.

"Ang galing!" Sabi ko kaya ngumiti naman siya. It was a genuine smile na pati ako ngumingiti na rin. "Ano nga pala 'yong sasabihin mo sa akin?" Sabi ko since tumigil na naman siya sa pagpa-piano.

Binalingan niya ako nang tingin bago pinindot ang isang key. Matinis 'yon kaya napatingin nalang ako sa kamay niya na nandon.

"My family's forcing me to get engage with someone after graduation. Alam mo, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko, pero hindi ko naman hiniling na maging kontrolado. I want to live freely," sabi niya bago pumindot ulit ng ibang keys. Nasa kanya na ang tingin ko, at nakikinig sa mga sinasabi niya. "Pero hindi ko kayang biguin ang parents ko, they're the reason kung bakit ako nandito." He added kaya mas lalo akong napangiti. Mabait talaga siya and I can see it in his eyes na ayaw niyang biguin ang mga magulang niya.

So, ito ang problema ni Jay. Masaya ako at nagawa niyang sabihin sa akin 'to. It means kasi na pinagkakatiwalaan niya ako.

"So, papayag ka nalang?" Sabi ko kaya tumango naman siya at malungkot na napangiti. I tapped his shoulders, bago siya nginitian.

"Baka makalaya ka din, Jay. Tiwala lang." Wala akong alam na words of encouragement kaya 'yon nalang ang sinabi. Ayos lang naman yata 'yon.

"Tiwala lang... Now, I remember a certain someone always saying that to me noon." Natawa siya ng bahagya kaya nacurious naman ako.

"Sino?" Tanong ko. Ginulo niya ang buhok ko at saka tumayo. Tatayo na din sana ako pero lumipat siya don sa likod ko, guiding my hands on the tiles. Natulala ako dahil sa ginawa niya. He was bending, seemingly standing at my back habang nakaupo ako sa upuan nang may piano.

"Someone na nagustuhan ko. Someone na sana ay ipapaubaya ko pero nawala. Just someone..." He then chuckled at tinuruan ako kung saan dapat ilagay ang kamay sa piano.

"Ba't namamawis ang kamay mo?"

"H-Hindi. Hindi naman, 'no."

Sabi ko kaya naman natawa siya nang bahagya. Taena ang galing magpakilig ng mga lalaking 'to ah.

Itinikom ko nalang ang bibig habang tinuturuan niya ako. Baka kasi may masabi pa akong kabalbalan sa harap niya.


"Your hands are so soft." Sabi na nga ba at may masasabing kabalbalan e'. Napapikit nalang ako ng mariin.




"Is that a compliment? Thank you, I guess."

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon