Jake Sim
•Active now12:24 PM
Jake
nasaan ka?
Nabobored na ako ditoYvonne
Nasa library ako
may kailangan ka?Jake
Pwedeng pumunta jan?
Wala akong kasama ditoYvonne
Oo naman, wala nga din
akong magawa dito ehYvonne
Pwede turuan mo nalang
din ako sa lessons natin?Jake
We'll doJake
I'm on my way na
may dala rin akong foodsYvonne
Bawal magdala ng foods
sa library diba?Yvonne
Baka pagalitan tayoJake
Hindi yanJake
Ako bahala😉Yvonne
If you say soYvonne
May tiwala naman ako
sayoJake
Thank youYvonne
Huh?Jake
Thank you kasi
pinagkakatiwalaan
mo ko, it's a big deal for meYvonne
Weird/ deleteYvonne
May problema ka yata/ deleteYvonne
You're welcome😁——————————————————
"Oh, diba. Walang masabi 'yong librarian. Malakas ako don eh."
Masayang sabi niya habang dala-dala 'yong mga snacks. Sobrang gwapo niya basta nakangiti siya, I mean lagi naman siyang nakangiti. He looks so kind kaya tapos matalino din. Siguro marami ng nahuhulog dito.
Umupo siya sa kaharap kong upuan at don nilagay ang snacks. Nakatitig lang ako sa kanya. Shuta, ba't ang attractive din niya sa mga mata ko. Taena, bawal muna humarot. Selp, magpigil ka.
"Sigurado kang ayos lang talaga 'to?"
"Oo, promise." Tumango nalang ako at kumuha ng snack. Walang masyadong tao sa library kasi lunch time naman.
Tbh, 'di pa talaga natutunaw 'yong mga kinain ko kagabi. Muntik ding masunog pati ang kusina ko. Mukhang mapapadalas na yata 'yon.
"Jake, ba't nasa section E ka? Eh ang talino mo..."
Hindi ko maiwasang matanong habang nginunguya 'yong isang piraso ng chips. Napatingin naman siya sa akin at saka ngumiti. Sobrang secretive din pala ni Jake. Parang may something na tinatago niya.
Lahat naman yata tayo may tinatago pero mukhang malalim ang pinaghuhugutan ni Jake. Taray, lumalalim na tagalog ko dito ah.
"Kasi nandon kayo. Kayo lang ang meron ako."
Sabi niya habang nakangiti pa rin. Hanep, ang lungkot ng sinabi niya pero kinaya niya pa ring ngumiti. Sobrang iba niya.
Nadala ako sa ngiti niya pero halata naman na malungkot siya kaya I tried my best to cheer him up.
"Nandiyan naman si Layla eh. May parents ka din naman, while ako, nasa malayo sila."
Sumilay ang isang mapait na ngiti na mga labi niya. Hindi ko knows kung ako ang pinapahiwatig non. Sobrang misteryoso ng mga ekspresyon diyan sa mukha niya.
Gusto kong malaman 'yon. Gusto kong i-comfort siya. We're friends na naman at dahil sa kanila mas naging masigla ang takbo ng buhay ko.
"You can reach them kahit malayo sila. Ako? Nandiyan nga sila sa tabi ko pero hindi ko naman sila maabot. They never trusted me na kakayanin ko ang mga bagay-bagay. Lagi akong nag-eeffort pero it was not enough. Kaya kahit anong mangyari, ayokong mahiwalay sa inyo. Kasi kayo at si Layla lang ang alam kong meron ako..."
Sabi niya while keeping his smile. Masama 'yon kasi sobrang tinatago na niya ang totoong nararamdaman niya. Seryoso, 'di niya naman kailangang itago ang lahat.
Mas magiging magaan ang pakiramdam niya kung sasabihin niya sa iba ang mga 'to. Mukhang ito nga ang sinasabi ni Ethan na lahat sila may tinatago din.
"Salamat kasi sinabi mo sa akin 'yan."
"You're welcome?" Natawa siya ng bahagya. "Tinanong mo pa kasi."
"Pero kung may problema ka man, pwede mo akong lapitan anytime and I'll listen."
Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nag-init ang pisngi ko dahil don. Taena, kinilig ako ng wala sa oras ha.
Sana naman sinabi niya sa akin ang gagawin niya. Weak ang heart ko sa mga ganito eh. Char, dapat kaibigan lang si Jake. Oo, tama.
"Thank you..." Sabi niya at saka ginulo ang buhok ko. Kapag siya ang gumagawa non, iniisip ko na para akong aso. Ganda ko namang aso, 'di ba?
Nanatili kami don sa library. Kagaya ng sinabi niya, tinuruan din niya ako sa lesson namin kung saan wala akong naintindihan.
Ganon lang ang ginawa namin hanggang sa magring ang bell. Sabay kaming nagpunta sa room, mukhang hinahanap na nga rin kami ng iba. Hawak ni Jake ang palapulsuhan ko kaya ayon, kinilig ako ng slight. Hindi naman sa may gusto ako sa kanya, iba lang 'yong feels kasi lalaki 'yong humahawak sayo tapos ang gwapo pa.
"Saan kayo galing?" Si Ethan kaagad ang bumungad sa amin sa pintuan. Tinignan din niya ang kamay namin at saka tinaasan pa kami ng kilay. In fairness, parang tatay ko lang.
Ngumiti kaming pareho ni Jake. "Sa library lang kami hyung."
Sabi ni Jake at hinila ako papasok. Nagulat ako ng bigla din akong hilahin pabalik ni Ethan. Punyeta, ano 'to tug of war? Napatingin kaming pareho kay Ethan. Mukhang lutang at tulala e'.
"Ethan?"
"Hyung?"
Sabay naming sabi ni Jake kaya bumalik kaagad siya sa tamang huwisyo. Natawa lang siya at saka nagkamot ng batok. Binitiwan din niya ang kamay ko.
Ang weird ng inaakto niya ah. Hindi naman siya ganon or iniisip ko lang talaga na may mali kahit wala naman.
"Nagdate kayo ni Jake hyung, noona?"
Napanganga ako sa tanong ni Sam. Magkasama lang tapos nagdate agad. Napailing nalang ako at agad ngumiti. Napatingin na rin sa akin sina Johnny at Riki. Aba, chismoso.
"Nagpaturo lang ako sa mga lessons natin."
"Ay, ganon?"— Riki
"Bakit? Ano bang iniisip niyo?"
"Wala naman po." Nakangiting sabi ni Johnny.
BINABASA MO ANG
Section IV-E | Enhypen FF
Fanfiction"Sana naman masaya na 'tong school yea- Shet, sorry wrong room." Wherein Yvonne Song thought she entered the wrong room. Hindi niya inaasahan na magiging kaklase niya ang mga lalaking 'yon. She just wanted a happy and normal school year pero mukhang...