004

1.6K 78 78
                                        

Yvonne's POV

Kung pinagtitripan lang ako ni tadhana, ba't niya ako pinatitripan? Hindi naman masama ang mga nangyayari sa akin, sadyang ayoko lang.

Kahapon, in-announce ang groupings para sa cleaners at mga projects. Lima lang kaming babae sa room, tapos 16 kaming lahat. Sa kasamaang palad, nakagrupo ko 'yong mga lalaking 'yon.

Hindi naman sila mga bully at basagulero, sadyang maingay at mga magulo lang.

Si Ethan parang flirt na mahangin. Ewan ko ba don sa lalaking 'yon.

Si Jay, ayos pa naman. Hindi kasi siya masyadong nagsasalita kahapon.

Si Jake, mabait at mahilig sa aso. Kaya 'di na ako mabibigla kung mapagkamalang aso ang mukha ko.

Si Benjamin, hindi ko mapaliwanag basta ang alam ko lang, walang normal sa kanila.

Si Sam, feeling mas maganda. Pero masaya naman siyang kausap, silang lahat actually.

Si Johnny at Riki, maattitude pero they are respectful. Ewan ko nalang kung makaka-survive ako kasama ang mga nilalang na 'to. Magkaiba sila ng ugali pero sobrang close nila.

"Bat tulala ka diyan, noona?"

Tumabi si Sam sa akin. Umiling lang ako at saka nilabas ang notebook. Kailan ba ako titigilan ng mga 'to.

"Noona, are you living alone? English yan, ah." Tanong niya kaya tumawa ako ng bahagya. Ang cute ng pisngi niya, sarap kurutin.

"Oo, nasa labas ng bansa ang parents ko eh." Sabi ko. Napatango naman siya. Shuta, di ko talaga matanggal ang tingin sa pisngi niya. Ang cute lang.

"Wala ka bang girl friends?"

"Wala." Nanggigil na talaga ako sa pisngi niya. Parang gusto na siyang kurutin anytime.

"Pwede mo na kurutin pisngi ko, noona."

Magpapabebe pa ba ako? Siyempre, pinisil ko kaagad ang pisngi niya. Ang cute lang kasi, baka pwede ko na 'tong i-bring home.

Nagulat ako nang biglang lumapit si Johnny at Riki sa akin. Yong iba nasa labas yata. Wala namang masyadong tao dito kaya less maingay, maliban nalang sa mga lalaking nakapalibot sa akin.

"May kailangan kayo?" Tanong ko sa kanila. Ngumiti lang yong dalawa 'tsaka naghila ng nga mauupuan.

Ayos lang naman sila. Nakatitig lang sila sa akin, hindi naman sila nagsalita. Ano bang kinakain ng mga 'to at parang ang weird.

"Johnny, Riki, kapag tinitigan niyo ang mga babae, mahihiya sila." Sam said at saka bumuntong hinga. Bakit ang weird ng mga taong ito? "Pasensya ka na noona, 'di kasi sila marunong umakto kapag may babae."

"Hoy, marunong kaya ako!" Sabat naman ni Johnny na masama ang tingin kay Sam. Ayaw magpatalo ah.

"Kung marunong ka, ba't nakatitig ka lang sa kanya, aber?" Ang ingay talaga nilang dalawa.

"Huh?"

"Hatdog."

Napailing nalang ako sa mga alitan nila. Habang si Riki napapairap. In fairness, mas magaling pa siya sa akin. Parang gusto ko magpaturo ng ganon.

"Mamaya pa 'yan matatapos." Sabi ni Riki at tinignan ako. Bakit sobrang intimidating ng titig niya? Tangina, 'di ako ready don.

"U-Uh, nasan 'yong iba?" Tanong ko para mawala ang awkwardness naming dalawa. Iba kasi ang titig niya, nakakatakot.

"Nasa labas lang po." Diretsong sabi niya. Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Iba kasi 'yong tingin eh, makamandag. "Natakot ka noona, 'no?"

Tumawa siya saka tinaas-baba ang kilay. Gago, ang weirdo naman ng isang 'to. Tinatakot lang ba niya ako kanina.

"Natakot nga kita." Ngumiti siya bago umalis don sa kinauupuan niya. Akala ko aalis na siya ng tuluyan pero kinuha lang pala niya 'yong bag niya at nilagay sa katabi kong upuan.

Tinignan ko siya habang umuupo doon. Ngumiti lang siya sa akin.

"Ako na ang bagong seatmate mo, ha."

"S-Sige lang..."



Wala namang bago, maliban sa maingay ang mga katabi ko. Nasa left side ko si Riki, tapos sa kanan si Sam tapos nasa harap ko si Johnny. Ayos, napapalibutan ako ng mga maiingay.

Nagtuturo ang teacher sa board pero panay ang kakachika sa akin ni Sam. Gusto kong makinig sa teacher kasi baka may quiz pero 'di ako makapagfocus dahil sa katabi ko.

"Noona, alam mo bang matalino sa subject na 'to si Jake hyung?"

"Noona, turuan kitang sumayaw bukas, okay?"

Ang daldal talaga niya. Kaya in the end, walang pumasok sa utak ko. At kung minamalas nga naman, nagpaquiz nga talaga si Mr Heo na teacher namin. Gusto ko ng maiyak kasi wala talaga akong naintindihan sa leksyon.

"Noona, may naintindihan ka?"

"Wala..." Sabi ko at sarkastikong napangiti sa kanya. Nagpeace sign lang siya, halatang alam niya na na siya ang may kasalanan.

"Mangopya nalang tayo." Sabi niya. Sino namang kokopyahan namin?

"Kung wala kayong naintindihan," sabi ni Riki kaya napatingin kami ni Sam sa kanya. "Mas lalo na ako."

Akala ko may alam siya. Lagot na kaming tatlo dito. Gusto ko ng malamon ng lupa. Kung sana pwede lang i-ulam 'yong itlog na makukuha ko eh.

"Students, get a one-half lengthwise sheet of paper."

Nagsimula na nga ang bagong pasakit sa buhay ko. Kinilabit ako ng dalawa kong katabi. Kaya agad ko silang tinaasan ng kilay. Ibabalibag ko na talaga 'tong dalawang 'to.

"Noona, pahinging papel."

"Noona, may extra ballpen ka?"

Ano ba namang klaseng buhay 'to? Hindi ko naman pinangarap na maghirap ako ng ganito eh. Shutangina lang.


"Sir, can I change my seat?" Nagtaas ng kamay si Jake at pinayagan din naman siya ng teacher. Don siya naupo sa tabi ni Sam kaya lumiwanag ang mukha nito.

Sa kabutihang palad, blessing pala si Jake. At dahil sa kanya, hindi ako bumagsak.

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon