Yvonne's POV
Maaga akong nagising ngayon kasi nagreview ako kaninang mga alas kwatro. Mabuti na nga lang naisipan ko pang mag-aral, wala naman akong makokopya sa mga katabi ko, e'.
"Yvonne!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Napangiti ako nang makita si Jake na tumatakbo papunta sa akin. Nasa tabi niya din si Benjamin, sabay na naman yata ang dalawang 'to.
Huminto ako sa paglalakad at hinintay silang dalawa. "Good morning!" Bati ko at sabay kaming naglakad. Nasa gitna nila akong dalawa.
"Good morning too, Von."
"Magandang morning din, babe."
Natawa nalang ako sa sinabi ni Benjamin. Saan ba niya nakukuha 'tong kahanginan at kaharotan niya? Mapapailing ka nalang talaga sa lalaking 'to.
Ayos lang naman ako sa dalawang 'to. Komportable silang kasama na hindi ka maiilang. Nakakatawa din kasi sila tapos sobrang ingay, dagdag mo pa 'yong iba.
"Did Riki asked the pick-up line to you?" Tanong niya kaya tumango ako. Sa tuwing naalala ko 'yon, napapatawa ako ng ewan. Dog-dog-dog pa nga. Mukhang nahahawaan na rin sa mga hyung niya.
"Dog-dog-dog." Sabi ko habang inaakto ang heartbeat sa kamay. Sumabay sa pagtawa si Jake kahit mukha namang walang alam.
"May baon pa akong pick-up line dito."
Ito na naman tayo. Napairap nalang ako at pinagkrus ang braso habang naglalakad kami sa hallway. "Kainin mo nalang 'yang pick-up line mo para mabusog ka." Sarkastiko akong ngumiti sa kanya. Narinig kong tumawa si Jake habang nakanguso naman 'tong si Benjamin. In fairness, ang cute niya pa din.
"Ang keso kasi ng mga banat mo, bro." Sabi ni Jake na totoo naman talaga.
"You're hurting my feelings, bro."
"Truth hurts bro."
Mas lalong napanguso si Benjamin dahil wala ng lumalaban para sa kanya. Tignan mo 'tong lokong 'to parang bata na kinunan ng candy. Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin palayo kay Jake.
"Babe oh, si Jake inaaway ako." Napairap nalang ako. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa, like now na. Natawa lang si Jake at hinila na naman ako pabalik sa kanya kaya ito at para akong may dalawang escort. Swerte ko naman kasi ang gwapo nila, pero ang malas ko kasi ang gulo ng mga 'to.
"Let's do a pick-up line battle, tapos kapag ngingiti si Yvonne sa sinabi natin, 'yon ang magdedecide kung sino ang mananalo. Deal?" Sabi ni Jake. Ano ba namang klaseng deal 'yan, dinadamay pa ako ng nga animal.
Dahil wala naman akong choice, pumayag ako sa gusto nila. Malayo-layo pa kami sa room kaya nag-iingay pa sila dito sa corridors, buti nalang walang masyadong tao dito.
"Yvonne, ikaw ba ang star sa Starbucks?"
"Punyeta, ayosin mo nga, Benji." Babanat na nga lang, ganyan pa talaga. Pwede na siyang maging mais of the year.
"Ito na nga, e'..." Nag-iisip pa siya habang hinihintay namin ni Jake ang sasabihin niya.
"Yvonne, tae ka ba?"
Lumakas ang tawa ni Jake, lumayo pa siya sa akin at sumandal doon sa may mga locker. Tawang-tawa siya diyan habang ako dito napupuno na sa katabi ko. Masama ang tingin ko sa kanya habang ang loko, namimilit na magsabi ako ng bakit.
"Taena nito. Oh sige na, bakit?" Sabi ko nalang para natapos na 'tong kalokohang 'to. Kumalma na din si Jake sa kakatawa niya. Alangan naman na umiyak siya don sa sinabi ni Benjamin, 'di ba?
"Pwede ka bang ilabas mamaya?"
"...." 'Yon lang nasabi ko habang si Jake tawang-tawa sa gilid dahil sa pinagsasabi nitong kaibigan niya. Tangina nalang talaga to the highest level.
"Kinilig ka don, 'no."
"Mama mo kinilig, heh!"
Napakamot nalang siya sa ulo dahil sa sinabi ko. Ang baduy lang kasi ng lalaking 'to. Napabusangot lang siya kaya sumunod na din si Jake. Sana naman umayos 'to. Baka tanungin na naman ako kung aso ba ako.
"Yvonne, aren't you tired?" Tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko pero ngumiti naman siya.
"Bakit?" Nagdadalawang-isip pa ako kung 'yon ba ang isasagot pero bahala na, basta matapos lang 'tong kalokohan nila.
His smile widened. "Kasi kanina ka pa tumatakbo sa isipan ko."
Hindi ko namalayan na napangiti pala ako kaya ayon natalo si Benjamin. Sobrang saya ni Jake dahil don. Well, kinilig naman talaga ako ng slight dahil sa sinabi niya. Hindi kagaya nitong isa na tinanong ba naman kung tae ba ako. Pero gets ko naman 'yong pick-up line niya ang bantot nga lang. Ewan ko ba.
"Hi, Yvonne." Bati ni Jay nang makapasok kami sa room.
"Uh, nandito din naman kami." Sarkastikong sabi ni Benjamin pero hindi siya pinansin ni Jay. Siya lang at si Riki na mukhang nagrereview ang nandon sa room.
"Sorry nga pala, Jay, 'di ko nareplyan ang message mo."
"Ayos lang, it's no big deal." Sabi pa niya at ngumiti.
"Umagang kay lande, mga friendship!" Biglang dumating si Sam at hinila ako sabay sa kanya, palayo kina Jay. Ewan ko ba sa mga lalaking 'to mukhang 'di na naawa sa akin.
"Pwede pakihinaan ng volume ng bunganga mo, nag-aaral ako dito oh." Sabi ni Johnny na kakapasok lang din. Katabi lang naman ang upuan namin ni Sam kaya sabay kaming napaupo. Umirap lang si Sam. Itong dalawang 'to talaga.
"Hope all, nag-aaral!"
"Hyung, pakihinaan din ng volume ng bunganga mo." Sabi ni Riki kay Ethan na sabay lang dumating. Nang magtagpo ang mata namin, ngumiti siya saka naglakad patungo sa direksyon namin.
"Hyung, nasa harapan ang upuan mo, wala diyan."
BINABASA MO ANG
Section IV-E | Enhypen FF
Fanfiction"Sana naman masaya na 'tong school yea- Shet, sorry wrong room." Wherein Yvonne Song thought she entered the wrong room. Hindi niya inaasahan na magiging kaklase niya ang mga lalaking 'yon. She just wanted a happy and normal school year pero mukhang...
