051

710 50 53
                                        

Yvonne's POV


"Aray! Punyeta!"

"Ba't naman nangangapit?!Yah! "

"Hey, aling ghost, can you give a warning naman! Aatakihin ako sa heart dahil sayo eh."


Napakamot nalang ako sa ulo dahil sa mga lalaking kasama ko. Sila pa 'tong nag-aya sa horror house, eh matatakutin din naman pala. Lahat sila nagkatago sa likod ko tapos may parang white lady sa harapan namin. Sa gilid may mga zombie na nangangapit.

Napatingin ako sa gilid, nadadala lang naman sa makeup ang mga mukha nila tapos ketchup na dugo, 'tong mga kasama ko parang tanga lang talaga.

"Kuya, pwede pahinaan ng music, ang creepy."

"Sam, normal lang 'yan kasi nasa horror house tayo." Sabi ko habang nakakapit siya sa braso ko, bale nasa kanan siya tapos nasa kaliwa naman si Johnny. Nasa likod namin si Benjamin na hindi naman makatingin sa dinadaanan namin.

Mas lalo pa tuloy silang napakapit sa akin. Pero bakit parang kulang kam— Gago, si Jake! Nasaan 'yon?

"Nakita niyo ba si Jake?" Tanong ko sa kanila. Napalingon naman sila sa likod pero wala doon si Jake. Saang lupalop ng mars napadpad ang lalaking 'yon?!

"Nasa likod ko lang 'yon kanina," sabi ni Benjamin. Hindi nagtagal nakarinig kami ng sigaw, papalapit sa amin. Nakita namin si Jake na hinahabol ng isang taong may mascot na pennywise.


"Shuta, 'di ko type ang mga clowns!"

"Jake hyung, dali!"

"This clown is horrifying! Run!"



Sabay kaming tumakbo papunta sa isang daan na may maraming pekeng kabaong sa gilid. Tapos may mga zombie pa. Hindi na namin pinansin 'yon kasi nakahabol pa sa amin 'yong walang hiyang clown. Maski ako, hindi ko siya type.

Tangina, sa susunod hindi na ako papasok sa horror house kasama ang mga 'to. Hindi ako takot kanina pero dahil sa mga sigaw nila, pati ako napapasigaw na rin.

"Gago! Dead end!" Sabi ni Johnny habang nakatayo kami sa gilid ng isang dingding. Ilang metro ang layo ni kuyang clown sa amin at punyeta, parang gusto ko ng maiyak kasi nakakatakot talaga ang mukha niya tapos may dala pa siyang red na balloon.

"Georgie!"

"Kuya, 'di kami si georgie, huwag kang tanga!" Sabi ni Sam habang nakadikit kaming lima sa may dingding.

"Sam, manahimik ka na lang please." Sabi ni Jake.

"Manong, paano ba makakalabas dito? Bibigyan kita isang daan kapag tinuro mo sa amin 'yong daan palabas." Wala akong magawa kaya dinaldal ko nalang si Manong. Wala naman siyang reaksyon kaya napabusangot nalang ako.

"Manong, are you going to kain us?"


"Georgie."


"Manong 'di nga kami si Georgie! Kulit ng papa mo." Sa kadaldalan ni Sam, mas lalong lumapit 'yong clown sa amin— taena, sa akin pala. Nanlaki ang mga mata ko habang papaatras.

"Georgie."

"Kulit mo talaga! Si Yvonne kasi 'yan." Napapikit nalang ako nang ilahad niya ang balloon sa akin. Tangina naman, nakakatakot siya.

Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggap 'yong balloon niya. Nakuha ko pang mag-thank you sa lagay na 'yon. Mabuti nalang at natahimik sila.

Nagulat ako ng higitin ako bigla ng clown. Juice colored, tulungan niyo naman ako. Ilayo niyo ako sa demonyong 'to.

"Hoy! Bitiwan mo nga si noona!"


Hinigit din naman ako pabalik nina Sam kaya para kaming nagt-tug of war dito. Ano bang plano ng clown na 'to.

"Bitawan mo kasi siya!" Nagulat ako nang sipain ni Johnny 'yong clown. Natulala tuloy ako bago kami tumakbo palabas. Sinipa ba naman si manong clown, baka nagka-injury na 'yon. Kinarate si manong clown, taena.

Hininhingal pa kami habang palabas ng horror house. Natatawa pa si Sam dahil sa pagsipa ni Johnny sa clown. Gago 'to, baka ireport pa kami non.

"Ba't mo sinipa 'yon?" Tanong ko sa kanya.

"Well, baka may gawing masama 'yon sayo. Advance thinker ako kaya tinumba ko na."

Napabuntong hinga kaming pareho ni Jake dahil sa sinabi niya habang 'yong dalawa mukhang proud pa sa ginawa ni Johnny. Kapag talaga 'yong manong nasaktan, hindi ko kilala 'tong tatlong 'to.

"Saan tayo sunod?" Tanong ni Jake at hinila ako paalis sa horror house. Sumunod din naman 'yong tatlo. Huminto kami sa harap ng ferris wheel at walang masyadong pila doon.

"Dito nalang tayo." Sabi ko kaya napatingin naman sila sa ferris wheel na pares-pares ang sakay.

"So, sinong magsosolo?" Tanong ko sa kanila.

"Bawal akong mag-isa, takot ako sa heights." Sabi ni Sam.

"Mas lalo na ako."

"Jack en poy nalang tayo. Kapag pareho kayong papel, gunting o bato kayo partner." Sumang-ayon naman kaming lahat sa sinabi ni Johnny. So, ayon nga nag-jack en poy kami at si Jake ang kaparehas ko. Tapos si Benjamin at Sam naman. Bale, mag-isa si Johnny. Ayos lang naman daw sa kanya.

"Let's go." Aya ni Jake bago kami pumasok. Kinakabahan ako na ewan, at nanginginig ang tuhod ko habang papaakyat ang ferris wheel. Nakakatakot.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Jake. Napatingin ako sa kanya ay tumango. "You can hold my hand when you're feeling scared."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Ilang beses na akong nakasakay dito, pero natatakot pa rin ako. Nang makaakyat kami hanggang sa pinakataas, narinig kong sumigaw pa si Sam na kasunod lang namin.

"Parang naiwan kaluluwa ko sa baba. Benjamin hyung, pakikuha nga."

"Luh, kuhanin mo mag-isa mo."

Natawa nalang ako ng bahagya pero agad akong napahawak sa kamay ni Jake nang simula na namang bumaba ang ferris wheel. Parang naiwan ang kaluluwa ko sa taas.

Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya habang nakapikit ang mga mata. Naramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko.


"Hold on to me when you're scared, Yvonne."

Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon