024

930 65 49
                                    

Yvonne's POV

Wednesday ngayon, binigyan kami ng oras ng teacher para magpractice sa play. Nandito kami ngayon sa field dahil dito pinlano ni Johnny na magpractice.

"Sige guys, start na tayo!"

"Kailangan ko bang ulit kantahin 'yong sing sweet nightangle?"

"Sam, nasa ball na tayo. Lutang ka ba?"

Napailing nalang ako sa bangayan nina Johnny at Sam. Taena, kailan ba hihinto 'tong dalawa.

"Start na tayo guys. Umayos na kayo." Sabi ni Ethan na nakatayo, 'di lang kasi kahoy ang role niya. Orasan na rin.

Kanina pa siya mukhang iritado, parang may regla eh. Hindi naglaon, nagsimula na rin kaming magpractice. Nasa scene na kami kung saan isasayaw ako ng prince which is si Jay.

Maayos naman sumayaw si Jay. Nakahawak ang isang kamay ko sa balikat niya habang nasa bewang ko ang isang kamay niya. Magkawahak din ang kamat namin gaya nang mga nasa fairytales.

Si fairy godmother— este si Benjamin ang assign sa music ngayon since wala na siyang scene. Ayos lang naman lahat, casual lang.

"Ang smooth ng kamay mo." Sabi niya at biglang hinalikan ang kamay ko. Nabigla ako don mga bes, ang sweet kasi ng pagkakahalik niya tapos may ngiting nakamamatay pa siya diyan.

Shuta, kinilig ako don. Bakit 'di siya nagtell na gagawin niya 'yon? Nasa script ba 'yon?

Ang gwapo ni Jay, as always naman pero ngayon ko lang narealize na sobrang iba niya kapag ganito kami kalapit. Ilang inches lang yata ang layo namin.

"Hoy! Cut! Cut!"

Nagulat kami ng biglang sumigaw si Riki. Tinaasan namin siya ng kilay. Aba, 'di madaling sumayaw dito, 'no! Maski sina Sam nabigla dahil don.

"May problema ba?" Tanong ni Jay.

"Hyung, ba't mo hinalikan ang kamay ni noona?"

Naguluhan 'yong iba pero nanlaki ang mga mata nila sa sinabi ni Riki. Kumalas kaming dalawa ni Jay at tinignan sila. Taena, wala namang problema don, 'di ba? Casual lang naman 'yon para naman dagdag sweet moments. Pero kinilig ako don.

"Ano?!"

"Hinalikan niya?!"

"Yong kamay. Ayan kasi pay attention kasi kayo." Sabi ni Riki sa kanila.

I sighed at saka hinilot ang sentido. Mga punyeta talaga 'tong mga lalaking 'to. Tahimik lang si Jay habang nakakrus ang mga braso. Mukhang sasabog na din si Jay anytime.

Si Ethan parang nanigas sa posisyon niya. Hanep ah, new version ng statue. Si Benjamin at Jake naman nakatingin sa amin ng diretso. Malisyoso talaga ampotek.

"Totoo?"

"Jay, humaharot ka din?"

"Hmm, spill the tsaa."

Jusko po. Napairap nalang ako at hinilot ang sentido. Wala talagang peace kapag kasama mo ang mga lalaking 'to. Sobrang ingay tapos— ewan ko na lang talaga sa mga taong 'to.

Pati si Jay mukhang naiinis na. Bago pa man sila makalapit sa amin, hinila ako palayo ni Jay. Sabay kaming tumakbo at rinig na rinig namin ang pagtawag nila sa amin.

"Where kayo magpupunta?"

"Hoy, bumalik kayo dito mga punyawa kayo!"

"Hyung, snatcher ka na?!"

Hindi din sila nakahabol sa amin hanggang makalabas kami ng university. Taena, paano ulit kami nakalabas? Hindi ko na alam, ang bilis kasi makatakbo nitong si Jay.

"Saan na naman tayo pupunta?" Tanong ko kasi mukhang wala na naman kaming patutunguhan nito.

"Hindi ko al—"

"Sa may kwek-kwekan nalang tayo."

"Kwek-kwek what?"

Ako na ngayon ang humihila sa kanya. Juice colored, pati ba naman kwek-kwek hindi alam ng isang 'to? Dapat ba sabihin ko nalang Louis Vuitton na orange-colored eggs? O 'di kaya Gucci?

Nakakastress din 'tong mga lalaking 'to eh. Cons of being mayaman.

Napunta nga kami sa may stall ng kwek-kwek. Mabuti nalang at kilala ko 'yong tindera, atleast may discount. Hinila ko siya don at parang bata naman 'tong si Jay. Halatang walang alam sa lugar eh.

"Aling Mari!"

"Oh, Yvonne." Napangiti ako sa sinabi ni Aling Mari. Ilang linggo na din akong hindi nakakabalik dito eh. Napatingin siya kay Jay at halatang nagagwapuhan.

Naku manang, bawal 'yan. Napailing nalang ako at nag-order ng dalawang kwek-kwek.

"Yan ang kwek-kwek Jay. Itlog na binabalot sa orange." Napatango naman siya.

"Okay, thanks sa info. Anyways, ang init dito ha."

Napaawang ang labi ko nang bigla niyang luwagan ang tie niya at hinubad ang coat, at sa harapan ko pa. Self kalma, punyeta naman.

Nag-iwas agad ako ng tingin at saka napalunok ng wala sa oras. Shet, pabigla-bigla ah.

"Madalas ka ba dito, Yvonne?"

"Uh, oo. Kapag nagugutom ako, dito ako nagpupunta."

"Can you tour me around here? I wanna know the place."

Sabi niya at ngumiti. Ngiti ba 'yon? Eh, parang smirk naman. Pinilig ko nalang 'yon. Naluto na rin ang order namin kaya agad kong kinuha.

Binigay ko 'yong isa kay Jay at kinain na 'yong akin. Nagulat ako kasi tinitignan niya lang 'yong kwek-kwek. Taena, kumakain ba sila ng ganito?

"Ba't 'di mo itry? Masarap 'yan."

"Feed me then."

Nakatunganga ako habang nakatingin sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. I repeat, nakatitig lang siya sa akin! Parang binobomba 'yong puso ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin at napalunok.

Ilang beses ko na bang ginagawa 'yon?

"Yvonne, hey."

"I-Ito na."

Kahit na kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Kinaya ko pa naman siyang subuan. Tangina Jay parang bata ha.

He smiled at me at saka ginulo ang buhok ko. Parang may nakita yata siyang kung ano sa likod ko at agad niya akong niyakap o tinago ang mukha ko.

Shuta mga bes, ang bango ng lolo niyo. Sobrang expensive. Hindi ko keniri.


Section IV-E | Enhypen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon