Yvonne's POV
Nandito ako ngayon sa kusina, kumukuha lang ako ng tubig para kay Ethan. Najeep lag yata, halatang hindi sanay magcommute. Sanay na ako magcommute kasi 'di naman ako marunong magdrive. Tapos kailangang maging independent, wala akong katulong.
"Ano 'yang mukhang 'yan?"
Sa lakas ba naman ng boses umabot yata hanggang mars. Napailing nalang ako at nagpunta sa sala. Nandon na nga 'yong tatlo. Sa wakas, gagaan na din buhay ko.
Binigay ko kay Ethan 'yong tubig. Tulala lang siya, jeep lag pa rin. Katabi niya naman si Jake na mukhang wala ng energy. Paano ba naman kasi, lagi silang nadadausdos sa jeep tapos siya 'yong laging naiipit. Rich kid din kasi eh.
"Tignan lang natin 'yang nga mukha niyo kapag nakasakay kayo ng jeep." Hamon ni Benjamin na nasa sahig at nakahiga. Malinis naman ang bahay ko kaya ayos lang 'yon. Kasalanan naman nila kung bakit kami napadpad dito.
Umupo si Riki at Johnny sa isang sofa habang tinitignan 'yong mga hyung nila. Mukhang nagpipigil ng tawa ang dalawa eh. Si Sam naman ino-obserbahan ang bahay ko.
"Fyi, nakasakay na ako ng jeep." Sabi ni Riki kaya napairap 'yong iba.
"Akala ko may kabayo 'yong jeep." Hindi pa rin talaga nag-iiba si Benjamin. Nanatili nalang akong tahimik habang nasa gilid.
"Di ba kasela 'yon?"
"Ka. Le. Sa. Kalesa 'yon." Pagpapaliwanag ko. At saka napatingin sa kanilang lahat. Sabi na nga ba at problema lang ang dala ng mga lalaking 'to.
Natawa lang 'yong iba. Nabigla ako ng biglang bumukas 'yong TV. Wow, Sam. Bahay mo 'to? Namili pa ng channel habang nakadekwatro sa isang couch.
"Nagugutom na ako." Sabi ni Jay na halatang exhausted na rin. Sino ba kasing nagsabi na manghila sila na hindi alam kung saan pupunta. Anong klaseng pagkain na naman kaya ang nakain ng mga 'to.
"Ayaw niyo pang umuwi?"
Sarkastikong sabi ko at nakakrus ang mga braso. Napatingin silang lahat sa akin at ngumiti. Hanep ah, synchronize.
"Gusto mo lutuan ka namin?"
"Alam mo noona, masarap magluto si Jay hyung."
"Dito nalang muna ka—"
"Hindi pwede!" Pinutol ko kaagad ang sinabi ni Ethan. I looked at them in disbelief. Bawal sila dito. Mga lalaki sila, tapos— basta bawal.
"Bakit naman noona?" Tanong ni Riki. Lahat sila nakatingin sa akin kaya mariin akong napapikit at hinilot ang sentido.
Hindi ba nila naiisip ang mga iniisip ko? Siyempre, 'di ba lalaki sila tapos babae ako. Baka ma-misunderstood ng mga tao. Alam kong wala naman silang gagawing masama pero—ugh!
"Basta bawal."
"Dito naman kami matutulog sa sala, e'."
Pamimilit pa rin ni Sam. Hindi ako makapaniwala sa mga lalaking 'to. Gago, paano nalang ang klase bukas? Tapos baka hinahanap na sila ng mga magulang nila.
"Baka hinahanap na kayo ng mga magulang ni—"
"Told them already." Sabi ni Benjamin habang tinataas ang phone. Ay shuta, ang advance ha pero hindi pa rin sila pwede dito. Malaki naman ang bahay ko pero baka mag-ingay na naman 'tong mga tao dito.
"Hindi kami manggugulo," may ngiting sabi ni Ethan. "Di ba guys?"
"Oo naman." Jake agreed. At may naalala ako.
"Jake, sinong magpapakain kay Layla?"
"Ang mga kasambahay."
Ugh, bakit laging nakakalusot 'tong mga lalaking 'to? Wala na akong choice kundi ang pumayag. Alam ko namang wala silang gagawing masama. Basta huwag lang talaga silang manggugulo at mag-iingay. Wild pa naman 'yong isang kapitbahay namin.
"Magluluto na kami." Nagpunta sina Jay, Benjamin at Jake don sa kusina at naiwan ang maknae line, sali na rin natin si Ethan.
Nanonood lang ng TV 'yong tatlo habang si Ethan tulala pa rin sa kawalan. Hindi maka-move on sa jeep lag ha. Tumabi ako sa kanya at parang bumalik naman siya sa Earth.
"Ayos ka na?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at saka ngumiti. Sabi ng weak ako sa ganyang ngiti eh.
"Masakit pa rin ng konti ang ulo ko." I slightly nodded at saka napasandal sa couch. Para yata akong naging babysitter sa mga lalaking 'to. Sana naman may sweldo.
"Ikaw lang talaga mag-isa dito noona?" Tanong ni Riki habang nakatingin sa mga furnitures ng bahay.
"Oo, masaya naman kahit mag-isa ka lang."
"Wala bang ghost dito." Tanong ulit ni Sam. Parang mga kinder eh, laging curious.
"Hmm, meron." Nagulat silang lahat sa sinabi ko. Si Ethan napadikit pa ng konti sa akin tapos 'yong tatlo magkadikit din. Hmm, takot na takot ha.
Sige, tatakutin ko pa kayo. Ang cute nila panoorin kaya aasarin ko pa 'tong mga 'to.
"Nasaan?" Tanong ni Johnny habang tumitingin sa paligid.
"Nasa likod mo—"
"AHHHHHH!!!"
Nasira yata eardrums ko don. Sobrang takot na takot sila, natawa tuloy ako sa mga reaksyon nila. Takot lang pala 'to sa multo. Hindi ko in-expect 'yon.
Napakapit silang lahat sa akin kaya mas lalo akong natawa.
"Sali naman kami sa group hug."
"Jay, huwag—" Gago, naiipit na ako dito. Mga baliw yata 'tong mga kasama ko. Napailing nalang ako at sumabay nalang sa kanila. Ewan ko nalang talaga sa mga lalaking 'to.
"Bat parang may nasusunog?" Takang tanong ko. Napansin din nila 'yon kaya agad silang humiwalay.
"Oh my— 'Yong niluluto natin!"
What the hell! Bibigwasan ko talaga 'tong mga taong 'to eh. Gosh, I'm already frustrated :)
BINABASA MO ANG
Section IV-E | Enhypen FF
Fiksi Penggemar"Sana naman masaya na 'tong school yea- Shet, sorry wrong room." Wherein Yvonne Song thought she entered the wrong room. Hindi niya inaasahan na magiging kaklase niya ang mga lalaking 'yon. She just wanted a happy and normal school year pero mukhang...