"When are you planning your business, Nath?" tanong ni Daddy sa kalagitnaan ng pagkain namin.
Sinubuan ko muna si Adnah ng cake bago siya balingan ng tingin.
"Yum!"
"Maybe tomorrow, dad. Tutulungan daw naman ako ni kuya."
Tumango-tango ito at sakto naman ang dating ni kuya na nakailang round na ata ng carbonara na luto ni mommy. Specialty kase niya ito and I admit that she's really a good cook. Sayang lang at hindi ko namana sa kanya 'yon.
"Are you talking about me?" makapal na mukhang tanong ni kuya nang maupo ito sa kanan ko. Sa kaliwa ko naman ay sarap na sarap na nakaupo si Adnah. Katabi naman ni daddy si Noah na kumakain naman ngayon ng ice cream.
"I just told them that you're willing to help me for my business."
"Yeah and also Apollo..."
He smiled devilishy and when he notice my effects on him, he laughed together with my dad. I knitted my eyebrows because of confusion. What's with them?
Dahil nabaliw na naman ang kapatid at tatay ko ay tinignan ko naman si mommy para makakuha nang matinong sagot ngunit ngumiti lang din ito ng nakakaloko sa 'kin.
"Natwali, who's Apollo? My dad?" Adnah asked innocently. Mag-iisip pa sana ako ng isasagot sa kanya ay naunahan na ako ni mommy.
"Yes baby. He's your father. Do you want to meet him?"
Gulat pa rin ako sa kung ano ang mga nangyayari nang biglang umiyak nang malakas si Noah. What in the world had just happened? Why do I feel like everyone is hiding a secret from me?
Lumapit ako sa kinaroroonan ni Noah at inalo ito.
"Hush now. What's wrong?" I asked softly and wiped off his tears. Hindi pa rin ito tumitigil kaya binuhat ko na siya.
"Daddy....daddy..."
Eto na nga ba ang kinakatakot ko eh. I don't know if it's a good thing that I told them lots of stories about their father. Ngayon ay alam kong wala na akong takas kung gusto na siyang makita ng mga anak ko. Mabuti nalang at hindi ko ipinakita ang picture nito sa kanila kundi mas lalong lagot ako kung sakaling bigla nalang itong magpakita sa amin.
"Don't worry baby. You'll meet him soon, okay? So, stop crying now."
"I want d-daddy..."
"Yes, I know and he wants you too."
Sana nga...
Handa naman na talaga akong ipaalam ang tungkol sa kambal kay Apollo ngunit ang daming bumabagabag na patuloy na tumitigil sa akin para gawin ito. Few years ago, I was blamed that I cheated on him and he never believed a thing from me. Gano'n din naman ang ginawa ko sa kanya noon kaya ramdam na ramdam ko 'yong sakit.
But what about now? Did he already moved on?
Napatawad na kaya niya ako?
And does he love someone else now?
"C'mon, apo. Let me carry you."
Kinuha siya ni Daddy sa 'kin at sinenyasan akong bumalik na sa upuan ko. Nagdalawang-isip pa ako dahil hindi ako mapakali kapag umiiyak ang isa sa kanila.
He whispered something to my son that made him stop crying.
"What did you tell him, dad?" I asked.
Ngumisi lang ito sa akin at umiling.
Naguguluhan na talaga ako sa mga kinikilos nila eh.
"Speaking of Apollo-"
I stopped mom from continuing her statement.
"Please stop mentioning him, mommy. Baka si Adnah naman ang umiyak niyan."
And I don't want also to make myself worry too much and get pressured.
"Fine."
Nakahinga naman ako nang maluwang nang tumigil na sila sa pagbanggit sa pangalan niya. Nagkwentuhan pa kami saglit pagkatapos kumain at nang magreklamo ang kambal na gusto nang matulog ay saka kami pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto.
"Don't worry, Nath. Your room is always clean so your twins are safe. Huwag mo na rin munang intindihing magligpit ng mga gamit niyo dahil uutusan ko nalang sina manang mamaya."
Nagsimula kong tanggalin ang mga damit ng kambal at tinulungan naman ako ni mommy na bihisan sila. Saka ko nalang sila papaliguan kapag gising na dahil pagod pa sila sa byahe at kailangan nilang magpahinga.
"No need, mom. I can handle our things." Ngumiti ito sa 'kin.
"You don't know how proud we are to you. Akalain mo? You're so spoiled to us back then yet, you managed to take good care of your kids independently."
I felt so much joy upon hearing that word 'Proud' from my mom. This heart to heart talk is one of the things that I really missed back when we were in New York. Hindi kase sapat ang phone calls lang kapag nagk-kwentuhan kami. One thing that I learned from being a single mother is to be strong despite of being alone while raising two angels.
Kung noon ay parating hindi ko nagagawa ang mga sarili kong desisyon, ngayon ay matapang ko nang kinakaharap ang lahat. You will really do everything to your children and sacrifice your own happiness just for them.
"Kamukhang-kamukha mo talaga si Noah, anak."
Mahimbing silang natutulog nang haplusin ni mommy ang pisngi nila.
"And Adnah looks like-
"Mom, I want to sleep too."
Tinawanan niya lang ako sa tinuran ko at alam kong naintindihan naman niya ako agad. Humalik muna siya sa aming tatlo bago napagpasyahang lumabas ng kwarto.
Napailing nalang ako nang bumalik ang tingin ko sa kambal na ngayon ay naglilikot na naman sa pagtulog. Naglagay ako ng unan sa magkabila nilang gilid dahil baka mahulog pa sila. Although, may carpet naman sa baba pero baka naman magising lang sila. The bed is big but I know it's not enough for the three of us.
Mabuti nalang at merong sofa bed dito sa kwarto ko kaya doon nalang siguro ako hihiga.
And because it's my nature to take a bath before going to sleep, I want to freshen up myslef first. Kumuha na ako ng mga damit ko sa loob ng bagahe at dumiretso sa loob ng banyo para maligo muna.
After my routine, I check on the twins first and managed to put a smile while watching them peacefully sleeping like they're not fighting always. I kissed their forehead before going to the sofa and get some rest.
___
Nagising ako bigla dahil sa pagkaramdam ng uhaw at nang tignan ko ang digital clock ko sa bed side table ay alas-tres na pala ng madaling araw.
I yawned for about three times before deciding to get up and go down stairs.
Kumunot pa ang noo ko nang makita ang nakabukas na ilaw sa may kusina nang makababa ako. Ang aga naman atang gumising nila manang? If I am still the usual Nathalie, siguradong nagtatakbo na ako pabalik sa kwarto dahil sa takot lalo na't alas-tres pa lang.
Nang makarating doon ay wala namang ibang tao. Maybe they just forgot to switch it off. At dahil uhaw na uhaw na ako, agad akong kumuha ng baso at nilagyan ito ng maligamgam na tubig mula sa dispenser.
Feels like I'm in a cloud nine while filling my empty stomach with this water that my mouth is drooling of.
Nang maubos ko ito ay para akong nakakita ng multo nang sumalubong sa 'kin ang taong matagal ko nang gustong makita.
The glass I'm holding immediately fell from the tiles and the sound of it breaking, echoed around the kitchen.
"Welcome home, Nathalie..."
YOU ARE READING
It Was His (SELF-PUBLISHED)
RomanceA relationship that pictures out perfection is what exactly describes them. But fate has its own game that attacks the two and ended up with a tragic twist. Just like what commonly happens, they both separated ways but still living under the same wo...