Bakit ako? marami naman dyang iba yun nalang
Hindi kasi ako worth it
Iba kasi ang bagay sayo
Hindi kasi tayo pwede e
Bakit ako pa? Di hamak naman na mas marami pogi/maganda dyan
BAKIT AKO?!
I know or maybe not but my point is
yan ang ilan sa kalimitang excuse o sinasabi ng tao
lalo na kapag unsure sila
may pagdududa
hindi confident sa sarili
o sadyang ayaw lang sayo (sakit naman non!)
Mapalalaki o babae sinasabi ang "I'm not worth it"
kung babae,
takot na hindi sila sapat
hindi sila sure kung seryoso yung lalaking nanliligaw
hindi sila sure kung mahal talaga sila nung lalaki
ayaw nya sayo, as in hindi ka type
iba ang gusto o mahal nya
ayaw nya pa talaga mag jowabels at ayaw nyang paasahin ka
kung lalaki
confident ang mga lalaki sure yon pero nasasabi nila yung words na yan kapag
sobrang bait ng babae na natatakot silang masaktan ito at mawala sa kanila
kapag takot sila na hindi sila good enough para sa isang gaya mo
kapag sobrang swerte nila at takot sila na sa isang pagkakamali masaktan nila
nakikita nila na hindi nya napapasaya ng husto
insecure o anuman
I'm not worth it
ikaw ba talaga ang dapat na magsabi nun o
yung partener mo mismo/nililigawan
Pero parang hindi pala parang kasi
masakit kapag sinabi ng taong mahal mo na
HINDI KA WORTH IT tipong parang
WALA KANG KWENTA
ge ipagdiinan pa natin.
Pero eto lang naman kasi yan
Kung ayaw mag paligaw ng babae wag mo pilitin kalama lang hintay
kung ayaw nya parin tas pag may dumating na iba at pumayag move on na
hindi sya worth it para sayo, kasi ikaw naghintay ka nagtiis ka tapos boom panes
pumayag sa iba, ayaw nya sayo brad makaramdam ka na move on.
Kung kayo na naman ng babae, aba edi i respeto mo, magtiwala ka at pasayahin mo
through huge things and little things, mababaw lang naman kaligayahan ng babae e
Di mo kailangan ng sobrang engrade na trick para sa mga babae haha pwera nalang
kung sadyang maarte patay tayo dyan!
Kung kayo na nung babae, ipagpatuloy mo pagiging confident mo pero wag over
yung sapat lang, tapos wag ka masyadong matakot na mawala yan
kasi hindi yan mawawala kung inaalagaan ng tama
e paano kung inaalagaan na nga ng tama tapos kumawala parin
edi either let her go, or chase after
At kung ano man ang end point
tandaan mo na lahat ginawa mo, or ginawa mo ang best mo
wag kang mag regret sa lahat ng nangyari isipin mo lahat ng yon
worth it, na ayos lang, may hihigit pa doon sa inaakala mong "best"
Tapos sya ang nawalan hindi ikaw kasi inayos mo pagkatao mo
matino ka, di ka nag loko, tapos sinayang ka nya tsk tsk
pero kung nagloko ka naman tas di mo masyado iningata tangna brad
wag ka magtaka hahahahahaha
Kung ikaw naman gusto mo yung nanliligaw sayo, tas ayaw mo pa talaga
e ikaw bahala, ikaw naman magsisisi or pwedeng HINDI din
Basta kung mahal mo na naman, e sabihin mo ligawan ang magulang mo
pag napa-oo nya at nakuha ang approval edi gorabels kayo together forever
pero wag nyong sisiraiin ang tiwala ng magulang mo sa inyong dalawa
Bakit ikaw?
Bakit ikaw ang pinili nya?
Simple lang kasi
Ikaw ang mahal nya
Ikaw ang gusto nya
Ikaw ang pinili nya kasi
may nakita sya sayo na hindi nya nakita sa iba
may nagustuhan sya sayo na akala mo worst part mo
Ikaw ang pinili nya kasi
inaccept nya ang flaws mo
inaccept nya ang pagkatao mo
Ikaw ay worth it para sa kanya
na lahat ng challenges e
piece of cake sa kanya
lalo na pag magkasama kayo woooo~
"I'm not worth it" big word!
Wag mong isipin na hindi ka worth it
ano ka ba!
Kahit gaano ka kagago
worth it ka! lalo na pag nagpakatino ka
Tao ka! God's creation ka!
Nagmula ka sa fastest sperm maging proud ka
worth it ka.
Kahit anong sabihin ng iba
worth it ka
hindi ka walang kwenta
kung tingin ng iba e walanghiya ka
tas napatunayan mo sa sarili mong
oo nga
edi change slowlyyyyyyyyy~~
for the better naman yun e
Wag mong maliitin ang sarili mo
Maging confident ka
wag lang sobrang hangin na nakakainis na
makiramdam ka rin
Basta worth it ka
Kung sino man magiging partner mo
Sa kung ano man magiging desisyon mo
Maswerte ka
Maswerte ang partner mo
Treasure each other
Prove each others worth
---
Note: See le picture oberder -->
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
HumorSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...