SITUATIONS 101: Umasa

2.6K 11 3
                                    

Hindi naman maiiwasan ang umasa 

hindi naman yun pagkakamali kasi

wala namang aasa kung walang magpapaasa

Minsan sa buhay, marami kang ineexpect

kaso minsan o madalas eh hindi naman natutupad

sabi nga para di ka masaktan wag kang mag expect

pero paano kung yung ineexpect mo e sa kanya mismo nangaling

tapos nangako pa, o e diba mag eexpect ka talaga

kahit ayaw mo, miski masakit na

miski wala ng kasiguraduhan kasi mahal mo eh

Sabi nila ang mga babae paasa daw

kasi kung meroong nanliligaw nagpapaligaw pero di naman sasagutin

Pero di lang naman babae ang paasa

pati naman lalaki hindi man sa paraang kitang kita

o sinabi pero sa paraang naipapakita through actions

Yung tipong sweet sya sayo, yung nagpapakita ng concern

yung tipong hindi naman nya ginagawa sa iba

so mag aassume ka na at aasa na "ah! mahal din nya ako"

wala naman sa babae yung mali eh, mabilis lang talaga ma fall minsan

ang mga babae, nasa lalaki yun kasi ganoon sila umakto

same things with girls na minsan ganoon 

yung tipong flirtationship ang gusto at ayaw ng REALationship

kasi ayaw ng commitment ayaw masaktan

pero sa ginagawa nyo namang ganun may nasasaktan na kayo 

kasi mayroong UMASA

na pagbalibaliktarin man ang mundo

wala na nasaktan mo na sya

kasi naging GANOON ka sa kanya,

Pero paano naman kung alam mong FRIEND lang ang tingin nya sayo

tapos ganoon lang talaga ang ugali nya

well in that case kasalanan mo na yun

kasi alam mo na HANGGANG dun lang

tapos nag ASSUME ka pa na MAY HIHIGIT pa dun

pero wala na talaga.

Masakit ang katotohanan

pero wala eh ganun talaga ang buhay

hindi porket mahal mo, mahal ka na rin

hindi porket sweet sayo mahal ka na.

Walang masama kung umasa ka

pero dapat alam mo rin ang LIMITASYON mo

Lalo na at alam mong HANGGANG dun lang

wala na.

Na miski MAHAL mo sya

at sweet sya sayo wala eh

wala hindi ka nya mahal  yung pagmamahal na katulad ng inaasahan mo.

Minsan kailangan din nating makuntento

na dito lang ako

doon sya

na minsan kailangan na nating sumuko

kasi imposible na minsan

kasi

Habang patuloy kang umaasa sa isang bagay na alam mong

IMPOSIBLE patuloy mo lang sasaktan ang sarili mo.

sabi nga

The way to be happy is to lower your expectations.

tapos babanat ka naman ng

"Mas magiging masaya ako kung magiging kami"

Eh paano kung walang "kayo"

Na kahit na anong gawin mo wala na talaga.

Oh di ba?

Para kang namamangka sa kalsada di ka na umuusad

para ka pang tanga

Tska ang relasyon para yang sintas ng sapatos na dalawa ang

kailangan para maitali

pero isa lang para kumalas

kumbaga sya kumakalas na

eh ikaw pilit mong itinatali parin

hanggang sa maputol nalang

Mas okay na yung andyan sya

kesa mawala pa sya

pahalagahan mo nalang

at igalang ang desisyon

yun bang sa kung ano mang meron kayo

dyan kayo tatagal.

What if kung umasa ka parin

tapos biglang nag karoon ng pag-asa

kung ganon ang nanyari good for you

kung hindi then stop na

at tanggapin mo na

you deserve something better

Na wala man ngayon sayo

pero sooner or later makukuha mo rin

makakamit mo rin

kailangan mo lang maghintay :)

Book of Advices ( situations of love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon