"Naghihintay ako sa isang bagay na sa tingin ko ay hindi mangyayari. Pero patuloy parin akong naghihintay."
Minsan hintay tayo ng hintay naiwan na pala tayo
nalamapasan na pala tayo
iniwan na pala tayo
at wala na tayong hihintayin
Pero bakit patuloy tayong naghihintay?
Bakit patuloy tayong umaasa?
Sa mga lalaki.
Kapag mahal nila ang isang tao at gusto nilang ligawan
Willing sila maghintay
Gagawin ang lahat makamit lang ang matamis na 'oo'
Sabi kapag manliligaw ka ng babae
wag kang magtanong na 'Pwede bang manligaw?'
kasi paano kung isang matinding 'hindi' ang sagot nya?
edi wala na basted na.
So iparamdam mo na mahal mo sya
ligawan mo sya ng hindi mo sinasabi
pero maipaparamdam mo at sya na mismo mag coconfirm
pero paano pag pinatigil nya?
Titigil ka na ba o maghihintay ka pa?
Sa mga babae
Kapag may crush di ka naman pwede manligaw
hanggang tingin ka lang
hanggang ngiti
minsan takot pa kausapin
nahihiya. tas pag kinausap
"Juice colored pwede na kong mamatay"
o di kaya todo hampas pag lampas.
Pero paano kung may iba na pala syang gusto?
Paano kung di ikaw? Paano kung may gf na sya?
maghihintay ka pa ba?
Sa mga mag M.U
oo alam nyong gusto nyo ang isat'isa
pero hanggang dun lang yun
kasi WALA KANG KARAPATAN sa kanya
no strings attached.
Kailan mo icoconfirm relation nyo?
Kaya mo pa bang maghintay?
Paano pag nawala ang love na yan?
Maghihintay ka pa ba?
Sa mag boyfriend-girlfriend
Oo kayo na. Pero paano pag dumating kayo
sa isang malaking problema
At wala sa inyo ang gustong harapin yun.
Na gusto nyo ng sumuko.
Lalaban ka pa ba?
hihintayin mo bang may gawing move ang isa?
o game over na?
Sa buhay lagi tayong naghihintay. Lagi tayong umaasa.
Naghihintay sa pagkain. Naghihintay ng text, ng sasakyan. ng load
o ng kung ano man. Madalas tayong maghintay.
Pero hanggang kailan nga ba?
Kung alam mong WALA ng pag asa TIGIL na
Kung binasted ka na TRY mo ulit. pag AYAW talaga. TIGIL na
Kung may girlfriend na WAG ka na umeksena. TIGIL na. Pag nag break osya HINTAY
pero tanggapin mo ng HINDI na pwede si BOY. Hanap nalang ng IBA. at WAG MAGING MANHID
malay mo may nagkakagusto sayo di mo lang pinapansin GIVE CHANCE.
BOY wag ka ring paasa kung alam mong gusto ka ni GIRL at HINDI mo gusto. Wag ka na maging SWEET ng todo. AASA yan e MAGHIHINTAY. pero kung GUSTO mo edi move wag mong asahang gumawa ng move si girl. PRINSESA yan.
Kung mag M.U kayo at tinggin mo may pag asang maging kayo WAIT ka lang cool lang everything takes time. Try nyong mag USAP. pag usapan nyo kung anong meron kayo. pero pag alam mong hanggang dyan lang. Willing ka bang mag settle? kung go ka sa Malanding Ugnayan. Malabong Usapan edi maghintay pero kung wala TAMA NA. Suko na. Hindi naman pwedeng yan lang ng yan. Paano pag nag fade edi kawawa ka. Make it clear. U-S-A-P/
Kung feeling nyo susuko na kayo.WAG muna. Hintay lang. Sayang yang relasyon nyo kung di nyo kayang i-save. Magkasama kayo sa laban. Ang problema pampatibay pero kung ayaw nyo patibayin bahala kayo sabuhay nyo! Papasok kayo sa laro tapos give up agad. Nakooo~
Sa buhay dapat alam mo when to give up. when to wait. when to go. Para lang yan traffic light sa kalsada. makiramdam ka. wag manhid. pero wag ka ring todo maghintay. sayang oras. sayang panahon. sayang pagkakataon. maraming masasayang. kaya minsan mag move ka rin. Kung di nya kaya ikaw gumawa.
Kasi magulo ang pag-ibig. Pero Love does not end. It just changes.
Kung alam mong wala ka ng hihintayin. Wag tanga. Wag ka maghintay
Kung may nagbago na at not for good. Good bye na.
BINABASA MO ANG
Book of Advices ( situations of love)
HumorSimpleng Libro. Libro na nag lalaman ng ilang sitwasyon pag dating sa pag ibig at nagbibigay ng payo upang masolusyonan ang sitwasyon na naganap. Akin itong ginawa upang kahit papaano ay makatulong ako sa inyo sa maliit na paraan. Ang mga mababasa n...